Chapter 36

14.5K 300 3
                                    

MONIC's POV.

Napuno ang buong Mansion ng bangayan at asaran ng mga syokoys habang nag-iinum sa sala. Ayaw kasi magpatalo ang mga ito sa isa't- isa. Nagpustahan pa ang mga ito kung sino daw ang magkakaroong ng maraming anak sa kanilang anim. Kung magbangayan daig pa ang nasa sabungan. E isanlibo lang naman ang pusta. Napairap na lang sila pareho ni Diana. They are billionaire pero sa isang libo ayaw magpatalo sa isa't isa. Kanina bago sila maghapunan ay dumating si Vaughn at si Veron kaya nadagdagan ang maiingay. Balak pala ng boss nya na pakasalan na kaagad ang kaibigang si Faithy.

Kahit ang mismong Papa nya nakisali sa usapan ng mga syokoys. Nakipagpustahan pa ito kay Kaizer ng magiging kasarian ng anak nya.

"It's my only grandson. Pupusta ko itong Mansion. Isa lang ang magiging anak ng hilaw ko na manugang na to! "Nakatawa na sabi nito sabay tapik pa sa balikat ni Kaizer.

"Pa isang team ng football ang gagawin namin. Diba honey?" nakanguso na sabi naman ng binata at parang bata na tumingin pa sa kanya para suportahan nya ang kalokohan nito. Inirapan nya lang ito. Seriously? Isang football team? Yung iba basketball team. Puro talaga kalokohan ang Montero na to!

"Mahina ka Montero! Isa lang ang magiging anak mo sa aking unica ija. " matigas na sagot ng Ama nya. Lalo nag tawanan ang mga ito dahil pakamot-kamot na lang ng ulo si Kaizer.

Nang makaramdam na siguro ang mga ito ng antok dahil sa kalasingan ay isa-isa na itong nag paalam at don na muna sila sa Isla ni Jacob. While her boss Vaughn de-deretso sa Villa ng lola ni Faith. Taga Palawan din kasi ang pamilya ng ina nito.

Kaya ito sila na lang natira ng binata na nakaupo sa bench na nasa harden. Naisipan kasi nilang mag lakad-lakad kanina ng mag si uwian na ang mga bisita nila. Kaya dito sila napadpad ng binata.

Naputol ang pag-iisip nya ng bigla syang kinabig ng binata at hinalikan sa nuo. Napatingala sya rito. She can't help but smile seeing his handsome face.

"Why are you smiling?Thank you for bearing our son Monica. I love you both." he sweetly whisper into her ears. A simple gesture of him makes her shivered. Yumuko pa ito ng kaunti and kiss her shoulder. Grabe pa rin talaga ang epekto ng binata sa kanya. Marahan nitong pinaglandas sa tyan nya ang isang kamay at hinimas iyon."I can't wait to see you wearing those sexy maternity dress. I can't wait to see our son." Magiliw na bulong nito.

Napangiti sya sa sinabi nito."Sexy?" tanong nya rito at tinaasan ng kilay. "e di ba tataba nga ako nyan kasi buntis ako dalawa na kami ang kumakain. At tsaka, how sure are you na lalaki ang baby. I bet babae ito." agad na reklamo nya. Pareho lang sila ng Papa nito. Gusto lalaki. Samantalang sya at ang Mama nya ay babae. Kanina bago sila mag haponan ay pormal na inanunsyo na naman ni Kaizer sa lahat na buntis sya. Natawa pa sya sa reaksyon ng Ama nya dahil nagalit ito at akmang bubunot ng baril. She can't blame her father. Sobrang mahal lang talaga siguro sya. At totoo naman kasi ang sinabi nito kanina. Hindi pa sila kasal pero nabuntis na daw sya ni Kaizer.

"You will always be sexy in my eyes honey." nakangisi na sabi nito. "Sympre lalo na pagnakahubad." mahalay na bulong nito sabay kindat pa sa kanya. Kahalayan na naman ang naiisip. Inirapan nya lang ito.Tumawa lang  ito."I'm 100% sure. Dominic Ivan Montero. That's his name honey. You are going to be our Queen". dugtong pa nito. Napangiti sya sa huling sinabi nito.

"Of course. Ang daya mo may naisip kana agad na pangalan?"

"Don't worry sa second baby at sa ika huling member ng football team natin. Ikaw na magbigay ng pangalan." tumawa pa ito ng malakas. Siniko nya ito.Puro talaga ito kalokohan. "So paano ba yan Mrs. Monica Ysabelle Montero? Nanalo ako sa pustahan natin? You are pregnant! Marry me tomorrow." mayabang nitong sabi at kinurot ang tungki ng ilong nya.

TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon