MONIC'S POVNapapitlag si Monic ng may kumatok sa pintuan ng condo nya. Ang binata na kaya ito? Kakatapos pa lang nya maligo at mag bihis. Simpleng maong short at white top ang isinuot nya para komportable ang pakiramdam nya. Sobrang kaba ang nararamdam nya sa ngaun. Aminado sya na gusto nya makita ulit ang binata. She missed him pati na ang mga kalokohan nito.
Agad na lumabas sya sa kwarto para pag buksan ang kumatok.
"Sino yan?"Si Kaizer na kaya ito?
Pero hindi ito sumagot. Pinagbuksan pa rin nya ng pintuan. Sigurado naman na ang binata na ito.
Napatulala sya ng makita kung sino ang bisita nya.
Sh't! Bakit lalo yata naging gwapo ang bakla na to sa paningin ko!
"H-i. ." nakangiti na bati nya ng makarecover sa pagkabigla.
Ang gwapo talaga ng binata. Nakasuot ito ng simpleng black shirt na hapit sa katawan at maong na pantalon. Naka aviator pa ito na kulay itim. Sumandal ang binata sa hamba ng pintuan ng pinagbuksan nya at nakapamewang na animoy nag momodelo nga.
Napakamot sya ng nuo. Anong trip nito? Naka sunglasses sa loob ng building?
Tahimik lang ito at hindi man lang gumanti ng bati sa kanya. Ibang iba sa Kaizer na madaldal at makulit.
"Ahm. . Pasok ka." alok nya sa binata. Wala yatang balak na magsalita ito. Nakaramdam tuloy sya ng pag kailang rito.
Niluwagan nya ng bukas ang pintuan at akmang tatalikuran na ito. Nagulat sya ng biglang yumuko si Kaizer. Isinandal nito ang isang kamay sa pintuan para pigilan sya. Wala sa sariling napaangat sya ng mukha.
"Wha-t a-re you doing?" Nauutal na tanong nya rito. Sa tingin nya dinig na dinig nya amg aobrang lakas ng pag tibok ng puso nya.
Hindi pa rin ito sumasagot. Bigla na lang nito inilapit ang mukha sa kanya. Wala sa sarili napaatras sya sa gulat. Napasandal sya sa pintuan ng maramdaman na wala na syang maatrasan.
Is he trying to kiss me?
Dahan dahan na tinanggal nito ang suot na aviator at inilapit pa lalo ang mukha sabay sulyap sa mga labi nya. Hahalikan ba sya ng binata? wala sa sariling napalunok sya. Hindi nakatingin ang binata sa kanyang mga mata. Nakatitig ito sa kanyang labi. Kitang kita nya ang ekspresyon ng mukha ni Kaizer. There is something in his eyes. A longing desire? Sa tingin nya sobrang pawisan ang kanyang mga kamay sa sobrang kabang nararamdaman. Amoy na amoy nya ang mabangong hininga ng binata that makes her shivered.
Ilang bulgada na lang mahahalikan na sya nito.
Napabungtong hininga sya ng umayos ng tayo ang binata. Pumasok ito sa loob ng condo at dumeretso naupo sa sofa.
What was that? pinag titripan ba sya nito?
Nag simula na syang makaramdan ng inis rito ng maalala na hindi man lang ito nag sasalita.
Naiinis na sinara nya ang pintuan at hinarap ang binata.
"Montero! We need to talk about- -.." Natigilan sya sa pagsasalita ng makitang busy ito kakapindot ng cellphone at ipinatong pa talaga ang mga paa sa itaas ng mesa. Hindi man lang ito nag angat ng mukha sa kanya.
Hindi ba ito nakikinig?!
Lalo syang nainis.
Calm down Monica!
Pumunta nga ito pero busy naman sa kung sino man ang katext nito sa cellphone.
Posible ba na girlfriend kaya nya ang katext? Haist! Bwesit! Naiirita sya bigla sa naiisip. Tumikhim sya para kuhanin ang atensyon nito.
BINABASA MO ANG
TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)
Fiction généraleMatured Content (R-18) Kaizer Dean Montero and Monica Ysabelle Mijares. She was fierceful and rebellious. Monica Ysabelle Mijares, daughter of Miguel Mijares. Kilalang businessman ang Ama nya na nag mamay-ari ng sikat brand ng beverage and wine. She...