MONIC' POVKanina pa sya iyak ng iyak pero parang hindi yata maubos ubos ang mga luha nya. Nakakaramdam na sya ng gutom pero wala syang balak lumabas para kumain. Sinulyapan nya ulit ang paper bag na nakapatong kanina sa kama nya kasama ng bulaklak. Pinahid nya ang mga luha at iniabot ang paper bag para tingnan ang laman.
"Gago lang din. May pa bulaklak pa at regalo! Malaking paasa ka talaga Montero!" naiinis na sambit nya.
Agad nyan binuksan ang paper bag. May laman itong isang pahaba na box.
"Ano naman kaya to. Daming paandar." kahit naiinis sya sa binata. Napapangiti pa rin sya sa mga paandar nito.
Dahan dahan nyang binuksan ang kulay pulang pahabang box.
Isa itong kwentas na may isang gold ring na pendant. My nakasuksok na isang maliit na papel na naka rolyo sa sing sing. Agad na kinuha nya ang papel at binasa ang nakasulat.
Hon.
I set you free for now. Wear my gift. That is my Mama's wedding ring. It belongs to you.
Kaizer Dean.
Agad nyang sinipat ang kwentas. Mukhang mamahalin pa ito. Tinanggal nya ang sing sing at isinuot sa daliri nya. My mga maliliit itong diamond stones sa gitna. It fits perfectly in her.
Napabuntong hininga sya. Anong ibig sabihin ng note ng binata? Bakit sya binigyan ng wedding ring na pag mamay ari pa talaga ng Mama nito. Kahit nagagalit sya sa ginawa ng binata. Hinahanap pa rin nya ang kakulitan nito.
Nag desisyon syang lumabas muna ng cabin. Malapit na kaya sila? Magpapahangin na muna sya sa labas.
Nang makalabas ng cabin ay agad syang sinalubong ng crew.
"Goodmorning Ma'am Monic. Kumain na po kayo. Sisintahin na ho kami ni Sir dahil hindi po kayo lumalabas ng cabin." may takot ang mga boses ng crew.
"Sinong Sir? Teka ako lang ba ang pasahero ng Barko na to?" tanong nya sa crew.
Napansin nya kasi na walang katao tao ang barko at mga crew lang ang narito.
"Kasama sana si Sir Kaizer. Pero ang sabi po ni Sir Bryan my emergency daw kaya hindi na ito sumama para ihatid po kayo ng Palawan. Pag aari po ito ni Sir Kaizer" paliwanag nito.
"Give me a hard drinks. Ihatid mo sa upperr deck!"
Emergency? Talaga lang ha. Baka kamo nag paparty na sa sobrang tuwa dahil naganti sa akin!
"Ho? pero sabi po ni Sir Kaizer wag po kayo bigyan ng inumin Ma'am Monic."
"Bibigyan mo ba ako or I will call that asshole boss of yours to fire you!" Naiinis na naman sya ng maalala ang Montero na yon.
Padabog syang umakyat ng upper deck. Agad syang nahiga sa isa sa mga bench na naroon. Ang dilim ng paligid. Mga mumunting kislap lang ng tubig ang makikita nya dahil sa kaunting ilaw na ng gagaling sa buwan.
Naiiyak na naman sya. Paano nya haharapin ang mga magulang? Makakalabas pa ba sya ulit ng isla? Kaizer told her to cancel the engagement. Galit ba talaga ito dahil sa ginawa nyang pag takas noon sa engagement nila? kaya nagawa ng binata na saktan ang damdamin nya?
BINABASA MO ANG
TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Kaizer Dean Montero and Monica Ysabelle Mijares. She was fierceful and rebellious. Monica Ysabelle Mijares, daughter of Miguel Mijares. Kilalang businessman ang Ama nya na nag mamay-ari ng sikat brand ng beverage and wine. She...