MONIC's POV
Lumipas ang tatlong linggo simula ng mag propose si Kaizer sa kanya. Hatid sundo pa rin sya nito lagi sa opisina. Kaizer always insisting on her that she is pregnant kaya tudo alaga at bantay ito sa kanya.
She heavily sighed at sinulyapan ulit ang bagay na hawak nya. She was about to cry again. Simula kahapon hindi na maubos ubos ang luha nya. Hindi dahil sa kalungkotan o ano pa man na nag papabigat sa damdamin nya. She is crying because of so much happiness. At yon ang isang bagay na hindi nya maintindahan. She is so emotional.
Kassedy told her yesterday that she is six weeks pregnant.At natural lang daw sa buntis ang pagiging emotional. Yon ang resulta ng hawak nyang bagay. A positive pregnancy test. Agad syang dinala kahapon sa hospital ng bigla na lang syang nahilo at nahimatay sa opisina. Vaughn, her boss knows about what happened. Ito pa mismo ang nagdala sa kanya sa hospital. Nakiusap sya rito na wag ng ipaalam ky Kaizer. Nag sinungaling sya sa boss na nakaligtaan nyang kumain ng tanghalian kaya nalipasan sya ng gutom. Itinext na lang nya ang binata kahapon na my importanteng lakad sya kaya hindi na muna sya mag papasundo. Pero dahil dakilang makulit ito sa una ay ayaw pang pumayag at gusto syang samahan.
❤FLASHBACK❤
Kanina pa si Monic hindi mapakali habang hinihintay ang resulta ng kanyang examination. Nakiusap sya sa boss na wag ng tawagan si Kaizer. Panigurado daig pa non si Superman kung makateleport pag nalaman ang nangyari sa kanya. Dakilang OA pa naman ang fiancee nya. Lihim syang nangiti sa naiisip. She never imagine na hahantong sa totohanan ang engagement nila ng binata.
"Mrs. Montero?" untag ng nurse sa kanya na nag patigil sa pag iisip nya. Nagulat pa sya sa tawag nito sa kanya. "Bibisitahin ho kayo ni doc maya maya lang. Mag pahinga na muna kayo." sabi nito at nag simula na itong mag check sa kanyang pulse rate. Wala naman syang sakit pero bakit di pa sya pwedeng umuwi?
"Ahm.. Miss. Wala naman akong sakit? bakit hindi pa ako pwedeng umuwi?" tanong nya rito. Pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto na pinagdalhan sa kanya kanina dahil sa utos na rin ni Vaughn. Agad na lumabas ang nurse ng sinenyasan ito ng kararating lang na iwan muna sila.
"Hi Monic." masiglang bati sa kanya ng kakarating lang na si Kassedy at nakipag beso sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit. "So, Alam na diba ng little bro ko ang goodnews? Congratulations." nakangiting sabi nito na ikinalokot ng nuo nya.
"Goodnews?" takang tanong nya sa dalaga.
"Oh my god!" naibulalas nito. "Don't tell me you had no idea that you are pregnant?"
"I am wh-at?" akma syang tatayo sa kama sa sobrang gulat pero pinigalan agad sya ni Kassedy
"Hep. You should rest." pinigilan sya nito at inihiga ulit sa kama. "Kaizer will kill me pag my nangyari sayo. And worst you are bearing his son.haha" magiliw na tumawa ang dalaga.
"I am pregnant? is this some kind of a prank?" she can't believe this. It's her first time to got dizzy. Akala nya simpleng pagkahilo lang yon dahil nalipasan sya ng gutom ng araw na yon.
"Yes my sister. Oh my god! I'm so excited. Vaughn called me ng dinala ka nya rito. He told me na dapat ako ang tumingin sayo. Dahil sobrang nahilo ka kahapon at nakatulog. Kinuhanan kita ng blood sample for test. It's a positive. You are 6 weeks pregnant."masayang balita nito.
She was so speechless. She is pregnant? for real? Tama nga ang binata? Pero bakit alam agad ng binata na buntis sya?
"My brother keep telling us na buntis ka na daw. By the way, base sa reaksyon mo ngaun mukhang wala ka talagang idea." sabi ni Kassedy.
![](https://img.wattpad.com/cover/130963329-288-k74019.jpg)
BINABASA MO ANG
TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Kaizer Dean Montero and Monica Ysabelle Mijares. She was fierceful and rebellious. Monica Ysabelle Mijares, daughter of Miguel Mijares. Kilalang businessman ang Ama nya na nag mamay-ari ng sikat brand ng beverage and wine. She...