Chapter 7

16.9K 398 15
                                    


MONIC's POV

Masaya silang nag uusap ni Faith habang kumakain sa isang fastfood chain.

"Monic tulungan mo naman ako mag organize ng party para kay black pink." napanguso pa ito.

Natawa sya sa kainosentehan ng kaibigan. Sa totoong pangalan sya nito tinatawag pag silang dalawa lang.

"Sige ba, wala naman tayong pasok sa araw ng binyag ni black pink. Pacensya kana girl pulubi na ako ngaun kaya wala akong maiiregalo. Hindi na ako yung dating prinsesang haciendera na laging my nakabuntot na ninja turtles." nakangiting sagot nya rito.

"Ano ka ba okay lang ano. Hala! ang pogi naman ng mama na pumasok." turo nito sa likuran nya. Napalingon agad sya. Napakunot sya ng nuo habang sinusundan ang lalaki na tinutukoy ni Faith.

She saw a tall man. Naka sunglasses ito at naka black cap. Deretso itong umupo katapat nila.

Trip nito sa buhay. Gabeng gabe nakashades at cap. Baliw! at wierdo din itong si Faithy paano ito naging gwapo?

Nakita nyang nakatingin ito sa pwesto nila. Nahalata yata nito na tinitingnan nya. Ngumisi ang lalaki.

Bigla syang nag iwas ng tingin. May kakaibang kilabot syang naramdaman sa ngisi nito. Familiar sa kanya ang ngisi at tindig ng lalaki. Hinarap nya uliy si Faith.

"Faithy wierdo kamo! Gabeng-gabe naka shades at cap. Ano Bampira lang!" ipinagpatuloy nalang nya ang pagkain. Nagtaka sya ng nakatulala pa rin ang kaibigan nya.

"Hoy napano ka." untag nya rito.

"Hala friend! kanina kasi bago sya pumasok hindi nag takip ng mukha kaya nasabi kong gwapo ito. Bilisan natin mukhang bampira nga sobrang puti pa naman.huhuhu." nataranta na sabi nito at binilisan ang pagsubo ng pagkain.

Humagalpak sya ng tawa. Literal talaga itong mag isip.

"Ano ka ba. Walang bampira sa Pilipinas."

Nang matapos silang kumain ay kaagad din silang lumabas.

"Baby girl hindi na kita maihatid sa inyo ha. Magkita na lang tayo bukas sa school. Ingat ka." paalam nya ky Faith. Masyadong gabe na. Kailangan pa nyang mag review. Malapit na ang kanilang final exam. Isang semister na lang ga-graduate na sila ni Faith. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya dahil sa education system sa Korea kaya late na ito nag college rito sa bansa.

Dali-dali syang naglakad patungo ng sakayan ng jeep ng makasakay na si Faith sa Taxi. Sa isang exclusive subdivision kasi ito nauwi.

"Palengke! Palengke! Miss byotipol sakay na." ana ng dipatser sa kanya.

Agad syang sumakay mabuti at maluwag pa ang jeep. E aabot na sana nya ang bayad ng may tumabi sa kanya. Napakabango naman ng lalaki. His scent is so familiar. Sinulyapan nya ito. Teka! Ito ba ang lalaki kanina sa fastfood?

Hindi ito nakatingin sa kanya. Nagulat sya ng biglang magsalita ito.

"Ako na! Bayaran ko na lahat ng nakasakay. Just go! Fvck! Bakit ba ang liit ng sasakyan na to! Hindi pwede sa mga matatangkad! masungit na reklamo nito sabay abot ng isang libo peso sa driver.

Napasinghap sya. His manly voiced is so familiar. Kaboses nito ang lalaking kailanman hindi nya makakalimutan. Kaizer Dean Montero.

"Sir pogi wala ho akong panukli." pakamot kamot ng ulo ang driver.

"Magkano ba pamasahe?" tanong ng lalaki sa driver.

"Syiete ho bossing."

"Keep the change. Ilibre mo to lagi ang maganda kung girlfriend pag sumakay sayo." sabay turo sa kanya.

TBSBook2:My One Night Stand Fiancée(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon