Chapter 6

1K 29 0
                                    

"ano? Ayusin mo nga Ash!"

Napa subsob ako sa lamesa nila Nick. Oo andito ako sa kanila, nag papaturo.

"gutom na ako Nick, wala bang pag kain dyan sa-"

"pano ka matututo kung puro pag kain ang nasa utak mo?"

Napa padyak ako sa inis. Eh sa nagugutom eh, magagawa nya?

"ulitin mo na nga to"

Tiningnan ko na ang schedule ni tukmol, ito ang tinuturo sakin ni Nick basahin

"Ran..Reg..ren... Ahhh!! Ayoko na! Bakit ba ang hirap ng pangalan nya?! Ang daming arte ng nanay at tatay nya! Pahirap!"

Binatukan naman ako ni Nick kaya sinamaan ko sya ng tingin

"hindi magulang nya ang may kasalanan, tanga! Ulitin mo"

"pano nga ba ulit?"

Napa buntong hininga sya bago itutok ang lapis sa pangalan ni bakulaw

"Range Cortex..."

"Ran ano?"

"Range.."

"Rang.. Rangji?"

"Range, tanga!"

"Rance?"

"Range, Ashley! Hindi Rance!"

Napa hilamos ako sa sobrang inis, depress na ata ako, sa pangalan pa lang nya yan ha

"Range..."

Pareho kaming nagulat ni Nick sa nasabi ko. Ohmy nasabi ko ng tama diba? Diba?

"ayan! Ulitin mo nga"

"Range.."

"very good!"

Tinapik pa nya ang ulo ko na parang aso, bigwasan ko kaya ng isa to no? Nakaka insulto eh





"sir, dumating na po si Ms. Morales"

Sabi ni Hana sa phone bago ako papasukin. Di dapat ako papasok ngayon dahil sa pang totorture saken ni Nick kagabi

"good morning sir.."

Bati ko bago tumungo. Hindi na ako galit sa kanya, nahihiya lang ako

"i just want to apologize about yesterday.."

Nag angat ako ng tingin sa kanya bago ngumisi, apologize? Sorry un diba?

"wala un sir! Kalimutan nyo na po, erase erase na!"

Nakita ko syang ngumiti bago ibaba ang ball pen nya sa lamesa. Bat ang gwapo nya pag nangiti?
Ay lintek! Ashley, hindi kayo talo nyan ok?

"well, that's a relief. So, whats my sched today?"

Ngumiti ako ng matamis bago kumamot sa ulo. "eh sir, pwedeng pa translate sa tagalog? Hindi pa kasi ako masyadong-"

Natigilan ako ng tumawa sya ng malakas. Hala, nabaliw na 

"you never failed to amaze me.."

Nakitawa na rin ako kahit di ko sya naintindihan. Nakaka sabog ng utak tong boss ko!


"ah sir, meron daw po kayong appoilment ngayon kay Mr. Cruz"

Sabi ko habang naka sunod kay Mr. Cortex na nag lalakad palabas ng opisina. Kinagat ko ang dulo ng ball pen ko habang naka tingin sa schedule nya.

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon