Chapter 16

729 20 0
                                    

TAMA nga sila

Na kahit walang phone,
Walang wifi
Walang kahit na ano maliban sa pagkain ay ayos lang basta kasama ang taong mahal mo

Dalawang araw na ang lumipas ng ipakidnap ako ni Range at dinala ako dito sa isa sa mga pribado nyang isla na may isang simple pero napaka gandang bahay bakasyunan.

Sa nakalipas na dalwang araw na namalagi ako dito ay walang araw, oras, minuto at segundo na hindi ako naging masaya.
Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo.

Sa dalwang araw din na lumipas, ibang Range ang nakilala ko. Mabait, sweet, maginoo at napaka kulit at isip batang Range na syang lalong nakapag pahulog sa akin sa pinaka ilalim dahilan para hindi na ako maka ahon.

Nalunod na ako sa pag mamahal para kay Range at alam kong kaylan may hindi na ako makaka ahon pa...

" here, tikman mo..."
Inilapit nya sa bibig ko ang isang piraso ng chips na kinakain namin. Andito kame sa labas ng bahay, may duyan dito na gawa sa tela na naka sabit sa dalwang puno malapit sa bahay na pinag lalagian namin. Mag katabi kami at naka unan ako sa mga braso nya. Tama... Kung may makaka kita sa amin ay mapag kakamalan kaming mag karelasyon na sana.... Totoo...

Kilig nanaman tuloy ako aheeee

"ayoko, ang alat masyado"
Sabi ko habang nilalayo ang kamay nya sa bibig ko. Kanina pa kame nakain ng chips at ang hapdi na ng labi ko sa sobrang alat!

"ok, tara..."
Bigla itong tumayo at inilahad ang kamay sa akin

Kumunot naman ang noo ko "san tayo pupunta?"

"iinom ng tubig, masyadong maalat ang kinain natin. I don't want you to have a kidney stone. Ayokong mag kasakit ka"

Oooooo---kkkkk

Pakisabi nga....
Pede na bang kiligin?

Waaaaaaa! Ayan nanaman sya! Palagi nya kong pinapakilig sa mga sweet words nya ayiiiii!

Nagulantang nanaman ang puso ko ng bigla nya akong buhatin na tila bagong kasal kame at pinasok sa bahay

"oy ano ba! Ibaba mo nga ako!"
Natatawa kong sabi habang hinahampas ang dibdib nya

Enebe! Pebebe nemen se eke eh!

"ang bagal mo kasi, and besides, i like it when you're here in my arms. Carrying you. I like it..."

Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib nya "pag nag patuloy ka sa ganitong gawain mo.... Baka mahulog ako sayo nan"
Mali.... Nahulog kana, matagal na

"edi mahulog ka, sasaluhin naman kita eh kaya hindi ka masasaktan"  shocks! Totoo ba ang nadinig ko? Sasaluhin ba nya ako? Ibig bang sabihin, meron din syang nararamdaman para sa akin?

Nang makarating kame sa kusina ay pinaupo nya ako sa counter at kumuha ng tubig sa ref. Madami na akong alam na english no. Sa dalwang araw ko dito, nasanay na ko sa kaka-english ni Range kaya ginagaya ko na ung ibang madaling salita.

"here..." naka ngiti nyang inabot sa akin ang baso na may tubig at ininom iyon. Halos masamid ako ng ikulong nya ako sa mga braso nya. Ipinatong nya ang dalwang kamay nya sa magkabilang gilid ko at... At... at sobrang lapit namin sa isat isa!

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon