Chapter 15

769 25 0
                                    

Isang linggo....

Isang linggo na kaming hindi nag kikita ni Range. Hindi ako pumapasok sa trabaho dahil sa kadahilanang ayoko syang makita kasama ng maharot nyang fiance. Sa loob ng isang linggo si Nick ang kasama ko sa pag inom, pag iyak at pag subok na makalimot. Pero tulad ng inaasahan, napaka hirap. Napaka hirap kalimutan ang taong mahal mo.

Akala ko ay aalisin na nya ako sa trabaho pero laking gulat ko ng tumawag si Hana at sinabing tambak na daw ang trabaho ko kaya kaylangan ko ng pumasok. Wala akong choice kundi mag trabaho dahil pag hindi ako nag trabaho, wala kaming gagastusin ni mama

"it's nice to see you again, Ashley. Na miss kanamin alam mo ba yon?" ani Jilly, ang baklang ka close ko dito sa CGOC.

"ahm... Hindi eh, diba hindi ako napasok? Pero ngayon alam ko na. Hehe" naka ngisi kong sabi na kinairap nila ni Hana.

"here comes the Ashley pilosopo"
Natatawang sabi ni Hana na kinatawa na din namin ni Jilly

"hey"

Lahat kami ay napalingon sa nag salita. Si Leo.

"uy Leo! Kamusta? Tagal na din natin di nag kikita. Bat ka nga pala nandito?" naka ngiti kong bati sa kanya. Medyo matagal nadin ng huli kaming mag kita kaya na miss ko din to.

"yeah, its been a while. And I'm here kasi ako muna ang acting CEO since Range is busy sa kasal nya next month."

Kasal....

"ah.. Ang ibig bang sabihin, sayo muna ako mag ta trabaho?"

Ngumiti ito at tumango. "yes. So, get all my appointments and schedule from Hana. Ang laki na ng utang mo kay Hana dahil sya ang naging P.A. ko last week dahil hindi ka pumasok"

Hayst. Nakaka hiya na pala kay Hana. Bat ba kasi masyado akong nag emote? Ayan tuloy ung iba naman ang nag hirap sa trabaho ko.

"maiwan ko na kayo. Sa office lang ako, pag nakuha mo na ang sched. ko puntahan mo lng ako. Bye" iniwan na kami ni Leo kaya humarap na ako kay Hana at Jilly na naka nga-nga

"oh? Anyare?" tanong ko na syang kina tingin nila sa isat isa

"anong meron sayo at ang lapit mo sa mga gwapo nating boss?"
Kinikilig na tanong ni Jilly

"una si sir. Range na sobrang sungit at intimidate pero isinasabay ka sa diner at lunch nya tapos sinama kapa sa amusement park. In short Date.."

"yeah! Tapos si sir. Leo na ubod ng bait, sweet, gentleman, sexy at super hot! Kilala mo din at parang hindi kayo mag boss mag usap kanina." dagdag ni Jilly sa sinabi ni Hana.

Pakisabi nga saken, pano nalaman ng dalwang to ang pag labas namin ni Range?

"nakilala ko si Leo sa party ng isama ako ni Rain-"

"oh my god! Hindi nya tinawag na sir. si sir. Leo!" halos mangisay na si Jilly sa ka oa-yan

"bahala nga kayo dyan! Hana, akin na ung sched. ni Sir. Leo"
Sabi ko at mas diniin ang salitang sir para di na mag wala si Jilly

Nang makuha ko na ang sched. ni Leo ay pumunta na ako sa opisina ng CEO na si Leo muna ang gagamit. Andon ang table ko sa loob ng opisina ni Range at nandon din ang tambak kong trabaho

Nang makapasok ako sa opisina, mapait akong napa ngiti. Naalala ko nanaman si Range....

Ikakasal na sya kay Paris next month. Wala na talaga akong pag asa pa. Malabo na ngang magustuhan nya ko. Ngayon, tuluyan ng nawala ang pag asa kong mahalin din nya ako.

Bakit kasi hinayaan ko pang mahulog sa kanya?

Napa pitlag ako ng may isang takas na butil ng luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan ng makita si Leo na naka upo sa swivel chair ni Range.

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon