Chapter 9

797 23 0
                                    

Ilang oras na ang lumipas mula ng halikan nya ako. Kung hindi pa nga tumunog ang phone nya eh hindi kame tumigil. Nahihiya ako sa ginawa ko, ewan ko ba kung bakit ako sumagot sa mga halik nya.

"are you ok?"

Napa lingon ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko. Bat ba pakiramdam ko may something na kame? O pakiramdam ko lang? Assuming ba ako? Ewan nakaka baliw ang lalaking ito

"ok lang ako sir-"

"Range. Simula ngayon, Range na lang ang itawag mo saken pag tayong dalwa lang."

Tumango na lang ako, sigurado para na akong kamatis sa sobrang pula ng pisngi ko. First time ko makaramdam ng ganito sa isang lalaki. Nakaka panibago pero, masaya. Para kasing may ibang tao ang nabuhay sa akin. Alam ko na hindi ako ito, hindi ako ganito, pero ng dahil kay Range nag kaganito na ako. Tunay ngang may kakaibang mahika ang lalaking ito at ngayon, nasa pailalim na nya ako.





"Ashley!!"

Napa ngiti ako ng makita si Rain na palapit sa amin ni Range.

"I almost find you all over here, but you are no where to be found...."

Tiningnan nya si Range habang naka ngisi. "kaya naman pala. Tinakas ka ni Kuya..."

Tumawa pa ito ng samaan sya ng tingin ni Range. Binalingan nya ulit ako ng tingin "Ashley, you need to come with me"

Napa tingin ako kay Range. Kam ano daw? "at san mo naman sya dadalhin?" seryosong tanong ni Range kay Rain. Nag palipat lipat lang ako ng tingin sa kanila. "i thought, you'll bring her with you tomorrow night?"

Napa buntong hininga si Range bago ako hawakan sa kamay. Pansin ko lang, tyansing na to diba? Kanina pa yan nahawak sa kamay ko eh

"sumama ka sa kanya, mukang mag lalaro kayo ng little sis ko"
Sabi nya habang naka tingin kay Rain na ngayon ay ang lapad ng ngiti. "great! So, let's go?"
Lalapit na sana ako kay Rain ng mag salita ulit si Range

"take care of her, Rain. And please... Don't talk to her in english. Have mercy on her little nose... "
Tapos walk out. Nose daw? Bat kaylan nya ng ilong? Ang ganda na ng ilong nya ah!

"come on Ashley, may pupuntahan tayo!"





"TULONG! AYOKO! BITAWAN MO KO SABI! ANO BA! BABANATAN NA KITA! TULONG!!!"

"Ashley, easy ka lang! Lilinisan lang nila ang kuko mo!"

Napa tingin ako kay Rain na hinihilot ang noo nya. Lilinisan lang pala ang kuko ko di agad sinabi! Alam nyo bang kanina pa ako tinotorture dito? Una ung buhok ko, sinunog nila. Pangalawa ung muka ko, ginawang coloring book. Pangatlo ung cap ko inagaw nila saken at pinag suot ako ng kung anong ipit  na nakaka suka! At pang apat, ang kawawa ko namang kuko ang pinag diskitahan

"utang na loob Rain, tama na tong pang totorture mo saken,
Maawa ka sa katawang lupa ko!"

Ngumisi lang sya at pinag patuloy ang pag picture sa akin. Kanina pa iyan, mula doon sa salon hanggang ngayon, wala syang tigil sa pag picture.

"oh my dear! Huli na ito, dahil pag katapos dito, pupunta na tayo sa boutique"

Ano namang gagawin namin doon? Bibili ng gamot? Kung sa bagay, kaylangan ko ng gamot pag tapos namin dito.

Makalipas ang ilang oras ay matagumpay nilang na murder ang kuko ko, joke! Pero kainis, nilagyan kasi nila ng kulay ang kuko ko tapos may design pa.

"ayan! Nag mukang kuko ng tao yang iyo. Tara na para maka balik na tayo kay kuya, kanina pa tayo hinahanap eh"

Hindi na ako naka sagot ng hilahin nya ULIT ako sa kung saan. Alam nyo, hindi sya mahilig mang hila, pramis!

"teka, akala ko ba sa boutique tayo-"

"oo nga! Boutique to ah? Ayan oh"

Napa nga-nga ako sa sinabi nya. Hindi ba ang boutique ay ung bilihan ng gamot? Eh, bat puro damit ito?

"tara na Ash!"

Pag pasok palang namin ay nilapitan agad kame ng isang babae at may tinuro kay Rain bago ako hilahin ulit

"here, try this"

Tiningnan ko lang ang dress na iniaabot nya saken.
"anong gagawin ko dyan?"

Inirapan nya ko sabay buntong hininga. "ano pa? Edi isukat mo"

Tatanggi pa sana ako pero pinag tulakan na nya ako papasok sa fitting room.

Ang tagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin dito sa loob ng fitting room. Ako ba talaga ito? Napa hawak pa ako sa muka ko at tinampal tampal pa.

"hindi to panaginip hindi ba? Ako talaga ito?"

Hinawakan ko ang kulay pink na floral dress na off shoulder bago umikot na akala mo ay isang prinsesa. Ewan ko ba, kahit nakaka diri, parang nasiyahan din ako sa ayos kong ito.

"Ashley! Buhay kapa ba dyan?!"

Natigil ako sa pag titig sa sarili ko ng marinig si Rain. Mabilis kong binuksan ang fitting room at pinakita sa kanya ang itsura ko

"omy.. Your a goddess Ashley! Oh my, look at my creation! She's so beautiful right?"

Napa tango ang babae habang naka ngiti. Ano daw sabi ni Rain? Hay, yaan na nga.

"ohw, wait, I forgot something"

Pinanood ko lang si Rain ng umalis ito sa harap ko at may kinuha na kung ano sa isang paper bag. Nakita ko ung kahon tapos lumapit sya saken at inilapag iyon sa tapat ko

"wear this Ash.. This will makes  you a perfect goddess!"

Binuksan ko ang kahon at nanlaki ang mata ng makitang sapatos iyon. Kulay white na heels. Siguro mga 5' inch. to?.

"ah, eh, Rain, ayoko-"

"oopps! No more buts, just wear that and we will go"

Kahit hindi ko naintindihan ay isinuot ko na lamang ang sapatos.
Halos matumba pa ako dahil di ako sanay mag suot ng ganito

"careful, pag nag ka galos ka, yari ako kay kuya."

Inalalayan pa ako ni Rain habang nag lalakad kame hanggang sa medyo kinakaya na ng mga binti ko ang ganitong sapatos. Kainis, kahit naka heels na ako, mas matangkad padin saken si Rain, kawawa naman ang height ko, huhu...

"Ash, ihahatid ka muna namin sa bahay nyo, then tomorrow, susunduin kita, ok?"

"huh? Akala ko ba babalik tayo sa opisina ni Range?"

Napa ngisi ito ng tawagin kong Range langang kuya nya. "hindi na, i change my mind. Gusto ko surprise ang new look mo for tomorrow night. Gusto ko bukas na sa party ka nya makita"

Napa tango na lang ako dahil wala naman akong maggawa pag si Rain na ang nag pasya, ilang minuto pa ay naka rating na kame dito sa bahay, hindi na sya bumaba pa dahil may pupuntahan pa daw sya. Sinabi din nya na wag kong sasagutin ang mga tawag ni Range, hayaan ko lang daw dahil sya na ang bahala. Ewan ko ba sa plano nitong babaeng ito

Tulog na si mama ng pumasok ako kaya dumiretso na ako sa kwarto at nag palit bago mahiga sa kama ko.

Ano kayang reaksyon nya bukas pag nakita nya ako?

~*~

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon