Chapter 18

725 18 1
                                    

Thank you HelloChocolate03 I dedicate this Chapter for you! Enjoy!❤

...............

Hindi ko namalayan na nasa restaurant na pala ako kung saan nag ta-trabaho bilang manager si Nick. Tulala ako habang nag lalakad kanina kaya di ko namalayan na dito pala ako dinala ng mga paa ko.

Hindi gaano madami ang tao ngayon dito sa resto kaya madali kong nakita si Nick na kausap ang isang waiter. Lumapit ako at niyakap sya mula sa likod, hindi ko alam kung bakit pero yun ang ginawa ko. Naramdaman kong nagulat sya pero mabilis ding naka bawi

"sige na bumalik kana sa trabaho" dinig kong sabi nya sa kaharap bago pumihit paharap sa akin at sinapo ang muka ko

"anong nangyari?"

Ewan ko ba pero ng madinig ko ang tanong na yan, bigla na lang nag balik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Hinayaan kong umiyak sa harap nya, sa harap ng ibang impleyado, sa harap ng ilang costumer. wala akong maramdamang hiya dahil puro sakit ang nadarama ko sa mga oras nato

Agad nya akong inalo at ginaya papasok sa isang silid na nag sisilbing opisina nya. Pinaupo nya ko sa sofa at binigyan ng tubig bago ako tabihan at niyakap. Nang mga sandaling yon, nilabas ko na lahat ng nag papabigat sa dibdib ko. Umiyak ako, sumigaw at pinag hahampas sa dibdib si Nick. Hinayaan nya ako at walang patid sa pag sabi na 'ok lang yan' habang yakap ako at miya't miya ay hinahalikan ang buhok ko.

Nang kumalma ako ay tinuyo nya ang pisngi ko at nag tanong "ok kana? " na sinagot ko lang ng pag iling. Hinaplos nya ang buhok ko at muling nag tanong "pwede mong i-share saken? Para gumaan ang pakiramdam mo kahit papano"

Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari mula ng hilahin ako ni Range palabas ng restong ito at sa nangyari sa kotse nya. Lahat sinabi ko, walang ditalye na hindi ko sinabi at ng matapos akong mag kwento, niyakap nya lang ako ng mahigpit.

Ilang minuto kaming tahimik at nakasandal ako sa dibdib nya habang yakap nya ako. Walang nag salita sa amin at dahil doon, gumaan ang pakiramdam ko. Napaka swerte ko at binigyan ako ng kaibigan na tulad ni Nick na hindi ako iniwan at laging dinadamayan.

"uuwi na ko Nick"

Sabi ko ng kumalma na ako, kaylangan kong mag pahinga pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at konti na lang ay mawawalan na ng malay

"sige, ihahatid na kita"

Hindi na ako umimik at hinayaan na lang syang alalayan akong makalabas ng restaurant at maka sakay sa montero nya.

Tahimik lang kame habang nasa byahe, salamat at hindi nag tatanong si Nick kung anong nangyari dahil wala akong lakas mag kwento

Hanggang makarating kame sa bahay at ihatid ako hanggang sala. "salamat sa pag hatid, mag papahinga na ako."

Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. "you'll be ok, i promise"

Tumango na lang ako at nag umpisa ng umakyat, pabagsak akong humiga sa kama ko at pinilit na maka tulog.

Baka pag gising ko panaginip lng ang lahat. Sana...


AKALA KO pag gising ko ay ayos na ang lahat. Ngunit nag kamali ako, hindi panaginip ang lahat ng nangyari. At talagang gusto akong pasakitan ng tadhana.

Akala ko pag kinasal na si mama ay matatahimik na kaming dalawa, ngaunit pano ako matatahimik kung hindi din naman pala ako makakalayo mula sa kanya?

Kasalukuyan akong naka titig sa pangalan nya sa wedding invitation nila mama at tito Rafael. Bat nga ba hindi ko manlang naitanong kay mama kung anong apilyido ng mapapangasawa nya? Tanga ko talaga.

Sinong mag aakala na magiging step-brother ko sya? Nakaka baliw na ang lahat. Bakit nga ba hindi ko manlang naisip na pwede pala tong mangyari?

"mukang ayaw talaga tayong patahimikin ng tadhana...."

Ni hindi ko napansin na umiiyak nanaman pala ako. Ngayon lang ako umiyak ng ganito, at ang nakaka tuwa? Sa isang lalaki pa. Noon, hindi ko naisip na iiyak ako dahil sa lalaki. Pero mukang kinain ko lahat ng sinabi ko noon.

Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko at hinayaang umiyak ng umiyak. Siguro bukas mamanhid na tong puso ko? Sobra-sobrang luha na ang naiiyak ko, hindi na ba to matatapos?

Hindi ko namalayang naka tulog pala ako, mag hapon akong natulog? Kaya pala gutom na ako. Bumaba na ako sa kama ko at hindi na nag abala pang ayusin ang sarili ko dahil wala naman akong kasama dito sa bahay. Nasa Laguna si mama kasama si tito Rafael para sa prin? prim? Basta ung photo shoot nila. Napa titig ako sa repleksyon ko sa salamin na nadaanan ko. Sabog na buhok, pugtong mga mata at maputlang muka. Muka na akong zombie dahil sa laki ng eyebags ko at itim sa ilalim ng mata.

"t*ang ina, nakaka ganda pala pag broken hearted? "
Napailing na lang ako at lumabas na sa kwarto para bumaba sa kusina. Nag hanap ako ng pwedeng lutuin dahil nag wawala na ang Godzilla at anaconda ko sa tiyan.

Sa huli ay naka hanap ako ng pwedeng iluto. Adobo. Nasa kalagitnaan na ako ng pag luluto ng may kumatok sa pintuan.
Wala naman akong inaasahang bisita ah?.

Saglit pa akong nag isip kung bubuksan ko ba o hindi. Baka kasi mag nanakaw un- ay tanga! Kung mag nanakaw un, hindi na un kakatok!

Sa huli, naisip ko ng buksan na lang baka kasi si Nick din yon at may dalang pag kain.

Pero halos mahulog ang puso, bibig, atay, mata at lahay ng organs ko ng makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko ngayon.

Ang lalaking naging dahilan ng pag iyak ko. Ang lalaking nagawang pa pugtuin ang mga mata ko. Ang lalaking kayang patibukin ng mabilis ang puso ko

Range.....

Magulong buhok, pugtong mata, hindi na maayos na neck tie at ang coat nya. Bakit ganito ang itsura nya? Anong nangyari sa kanya? Kitang kita din ang eye bag nya.

" Range, anong-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang syang bumagsak saken. Teka, lasing ba sya? Amoy alak sya.

Halos ma tumba pa ako dahil sa bigat nya. Mabilis ko syang inalalayan papunta sa sofa at doon sya iniupo. Mabilis akong bumalik sa kusina at pinatay ang kalan bago kumuha ng planggana na may maligamgam na tubig at alcohol pati towel.

Bumalik din ako agad sa sala kung nasaan ang lalaking dahilan ng pag pugto ng mga mata ko. Umupo ako sa tabi nya at pinaka titigan ang napaka gwapo nyang muka.

Sinong mag aakala na ang lalaking iniwan at iniyakan ko ay nandito na muli sa tabi ko?

Nanginginig ang kamay ko habang inaalis ang neck tie nya.
"keri mo yan Ash, wala ka namang gagawin sa kanya, hindi mo na man sya re-rape-in. Easy ka lang" bulong ko sa sarili ko at inumpisahan ng buksa ang butones ng polo nya.

Tatlong botones na lang ang bubuksan ko ng halos mapatalon ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Hindi ako maka galaw, gising ba sya? Anong gagawin ko?

Dahan-dahan syang nag mulat at agad hinuli ang mga mata ko. Ilang minuto pa kaming tahimik at naka titig lang sa isat-isa.

Nag iwas na ako ng tingin at mag sasalita na sana ng maunahan nya ako. Halos ika talon ng puso ko ang sinabi nya.

"mag tanan na tayo..."

•••

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon