Chapter 30

1K 14 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko...
Ang sakit ng katawan ko...

Pilit kong minulat ang mga mata ko at puro puti lang ang nakikita ko. Nasan ako? Anong nangyari?

Nang luminaw ang aking paningin ay tsaka ko lang nalaman na nasa ospital pala ako. Babangon na sana ako ng pigilan ako ni Nick. Teka ano bang ginagawa namin dito?

"Nick, anong nangyari? Bat ako nandito?" nag tataka kong tanong pero tinitigan nya lang ako. Ano bang problema?

"Ash... Hindi mo ba naaalala?"
Naalala ang alin? Pansin ko din na medyo pugto ang mga mata nito. Umiyak ba sya? Bakit?

"ang alin? Naalala ang alin?"

Huminga ito ng malalim at hinawakan ang mga kamay ko. Kinakabahan ako sa kinikilos ni Nick, ano ba talagang problema?

"hindi mo maalala? Yung sa rooftop?.... Yung nangyari sainyo ni Paris?"

Rooftop? Si Paris?-

Then it hits me...
Para akong binuhasan ng malamig. Nahulog kami ni Paris kanina sa hagdan... Teka-

"yung baby ko? Nick, kamusta yung baby ko?" mabilis kong hinawakan ang tyan ko

"A-Ash..."

Nag simula ng magtambol ang dibdib ko, b-bakit lumiit yung tyan ko?

"h-hindi...h-hindi to totoo, hindi"
Umiling ako ng umiling, ayokong maniwala, hindi to totoo

"Ash, wala na si baby...."

Halos manlambot ako sa nadinig ko. No... Hindi pwede.... Hindi to totoo...

Mabilis nag bagsakan ang mga luha ko. Hindi naman to totoo diba? Buhay pa yung baby ko diba?

"N-no, hindi Nick, ano kaba... Buhay si baby, buhay sya..."

Umiling ng umiling si Nick habang umiiyak. Bakit ba sya naiyak? Buhay yung anak ko! Buhay sya!

"Hindi sya nakaligtas Ash, hindi kinaya ni baby... Ang sabi ng doctor, masyado sensitibo ang pag bubuntis mo kaya ng mahulog ka...."

Nanlambot ako. Kasalan ko, kasalan ko kung bakit nawala ang anak ko! Kasalanan ko!!
Hindi ako nag ingat, hindi ako nag ingat!

"I'm sorry Ash... I'm sorry"

Napa hawak na lang ako sa tyan ko at doon na hinayaang humagulgol. Wala na ang baby ko.... Wala na sya...

"aahhhhh! Wala akong kwenta! Wala akong kwentang ina! Hinayaan kong mapahamak ang baby ko, ang sama ko, ang sama-sama ko!!"

Pinag babato ko ang unan, basket at lahat ng mahagilap ng mga kamay ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Yung anak ko... Yung anak ko!

"ash tama na! Tama na..."

Wala na akong lakas pa ng yakapin ako ni Nick at sabay na lang kaming umiyak. Wala na akong magagawa ngayon kundi umiyak na lang...

"Nick... Sya na lang yung meron ako, sya na lang... Bakit kinuha pa sya saken? Ano bang ginawa kong kasalan, bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Bakit?!"

Ano bang kasalan ko? Karma ko ba to dahil nasaktan ko si Range? Karma ko ba to dahil nag karoon kami ng maling relasyon ni Range? Ginawa ko naman lahat para itama lahat ng mali ko ah! Ginawa ko lahat kahit sobrang sakit para saken, tapos ngayon...
Ngayon yung baby ko naman.

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon