Chapter 25

711 15 0
                                    

Heyooo! I just want to dedicate this Chapter to @MidnightMorningstar thank you for supporting my stories!!!

•••

Walang gana akong naka upo at na nonood sa mga pakulo ng emcee sa unahan. Kanina pa ako pinipilit ni Leo at Nick na kumain pero sabi ko na lang ay busog pa ako

"are you sure? Hindi naman tayo kumain kanina bago umalis ah"

"oo nga, pano ka nabusog? Abay baka nakaka limutan mo babae, na hindi lang sarili ang dapat intindihin. Si baby din..."

Napa buntong hininga na lang ako bago ko agawin ang plato ni Nick at kumain.

"aba't, plato ko yan!-"

"yaan mo na Nick, mukang may sumpong nanaman eh"

Inirapan ko na lang silang dalawa at kumain na lang ng kumain. Di ko na lang pinansin ang mga pag paparinig ni Nick tungkol sa pag agaw ko ng pagkain nya hanggang sa matapos akong kumain

"busog kana?"
Naka ngisi akong tumango kay Nick na iniripan lang ako.

"ok, so now is the time para ihagis ng ating bride ang kanyang flower!!"

Napa tingin ako sa unahan dahil sa lakas ng pag kakasabi nito ng baklang emcee. Nakita ko si mama na naka ngiting tumayo sa upuan nya at nag punta sa unahan

"now, please come here in front lahat ng dalagang abay."

Tiningnan ako ni Leo at hinila patayo. "ayaw! Ayoko Leo, ayoko ng mga ganyan!"

Tinawanan nya lang ako bago iwanan sa unahan. I hates you na Leo! I hates you!

Siguro tatayo na lang ako sa likod at hindi na lang makisali. Ayoko ng maki agaw baka mamaya maipit pa kami ni baby

"ok girls ganito. Iibahin natin ang mechanics, hindi na ito rambulan sa pag agaw ng bouquet ok? Pag nasambot ng isa sa inyo ng flower, means tanggal kana. Ang matitira ang syang panalo. Gets?"

Tumaas ang kilay ko, so meaning kung gusto kong hindi susunod sa ikakasal ay dapat kong masambot ang bulaklak para ma out na ako. Kainis naman!

"girls get ready! Positions, bride ihagis mo na!!"

Agad naman itong inihagis ni mama na nasalo ng isa sa mga pinsan nila Leo.

"aw, out kana Ms. Rio..."

Nag patuloy ang hagisan at sambutan ng bulaklak. Ni hindi ako maka singit sa mga babaeng ito na halos iwasan na ang bulaklak. Tch, mga pabebe, kung ayaw nila sa bulaklak pwes tumabi sila at ng maka salo ako at maka upo na!

"omg! Tatlo na lang sila! Good luck sa inyo Ms. Lauren, Ms. Paris and Ms. Ashley..."

Teka nga, akala ko ba mga single lang ang kasali? Eh bakit nandito itong si Paris? Akala ko ba kasal na sila ni Range?

Teka nga... Umaasa nanaman ba ako na baka hindi talaga sila kasal?

Mabilis akong umiling at sinimulan ng humakbang paunahan para masalo na ang bulaklak. Baka kasi mamaya eh maipit pa ang baby ko dito

"ready, go!"

Inihagis muli ito ni mama, agad akong pumusisyon at amba na sanang sasaluhin ang bulaklak ng may mahagip ang mga mata ko na lalaking naka tingin din sa akin.

Agad nawala ang focus ko sa bulaklak at napa titig nadin sa lalaki. Range....

"ouch!"
Daing ko ng madali ako ng babae na sumalo ng bulaklak. Muntik na akong mapaupo kung hindi lang ako nasalo agad ni Nick

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon