Chapter 11

873 28 0
                                    

Nasa kalagitnaan pa lang kami ng party pero ang sakit na ng paa ko dahil sa kala lakad namin ni Rain. Ang dami nyang pinakilala saken na mga pinsan daw at kaibigan nila ni Range. Ngayon ko lang nalaman na reunion pala nila tong party na pinuntahan namin. Nahiya tuloy ako dahil di naman ako kapamilya pero andito ako. "ano kaba! Ung iba nga mga girlfriends and boyfriends ng mga cousins namin andito din eh! And besides, your my bff na so invited ka talaga dito"  yan ang kanina nya pa sinasabi saken kada mapapansin nyang nahihiya ako o kaya ay nananahimik ako.

"Ash, meet kuya Leo. My cousin. And kuya Leo, meet Ashley, my bff"

Pakilala samen ni Rain sa pinsan nyang si Leo daw. Kaya pala kahawig nya si Range ay dahil mag pinsan sila. Pansin ko lang, sa pamilya nila walang pangit. Unfair diba? Mantakan mo buong angkan nila ang gaganda at ang gugwapo!

"hi Ashley...nice to meet you"
Nagulat ako ng halikan nya ang kamay ko. Napaka pormal naman nito. Para tuloy syang prinsipe tas ako prinsesa hihi!

"oh come Ash, may papakilala pa ako sayo-"

"Rain, pahinga muna tayo. Ang sakit na talaga ng paa ko eh"

Tumingin sya saken bago sa paa ko. Ngumiti sya at inakbayan si Leo na nasa harap padin pala namin. "Kuya Leo, can you do me a favor?" sabi nito kay Leo habang naka ngiti, ung ngiti nya na may gusto syang makuha. Ganyan din ang mga ngiti nya kay Range pag may hihingin sya.

"of course, jus tell me Rin-rin"

Rin-rin? Hahaha ang cute ng nick name nya! Napasimangot saglit si Rain bago muling ngumiti kay Leo

"samahan mo muna si Ashley, pupuntahan ko lang sila tita. Masakit na kasi ang paa nya ih kaya di ko na sya maisama"

Tumingin sila saken pareho na syang kinataas ng kilay ko. Ako ba pinag uusapan nila? Ngumiti si Leo bago bumulong kay Rain na syang kinatuwa naman ni Rain "yey! Thankie kuya Leo! Bye Ash! Balik ako mamaya. Mwaah!"

Bumeso pa sya sakin bago kami iwan ni Leo. Luh! Bat nya ko iniwan? Grabe sya!

"masakit na daw ang paa mo?"

Napa lingon ako kay Leo. Gwapo nya talaga. Para syang isang prince charming eh! Kinikilig tuloy ako! Chaarrrr

"oo, kanina pa kasi ako hinihila ni Rain kung saan saan"

Tumawa sya ng bahagya bago lumapit sa akin. "tara may upuan doon sa may garden. Pwede kang mag pahinga muna doon.."

Napa tingin ako sa pintuan na kanina lang ay pinuntahan namin ni Range. Ngumiti ako kay Leo bago sumama sa kanya. Muka namang mabait at maginoo tong si Leo kaya sumama na ako. Tsaka di sya uubra saken no! Pag may ginawa lang syang di kaaya aya. Basag muka sakin nan


Natigil kame ng biglang may babae na bumangga sa akin dahilan para matapon ang inumin nya sa kulay puti kong gown. Nag angat ako ng tingin sa babaeng bumangga sa akin at halos kumulo ang bugo dahil naka ngisi pa sya.

"oh, sorry dear. Hindi kita nakita"

Aalis na sana sya pero hinigit ko ang braso nya paharap sa akin. Tinaasan nya ko ng kilay pero di ko padin sya bintawan

"alam mo, ang ganda mo sana eh. Sana ganon din ang ugali mo"

Lalong tumaas ang kilay nya pero di ako nag patinag. Nakaka inis sya!

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon