Chapter 20

754 19 1
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Napa ungot ako ng maramdaman ang sakit ng katawan ko. Dahan-dahan akong bumangon at halos mapa mura ng makitang wala ako ni isang saplot.

Totoo ba ang nangyari kagabi? Hindi ba iyon panaginip?

Agad kong napa tunayan na totoo nga ang nangyari sa amin ni Range ng makita ko ang dugo sa puting bed sheet. Masakit din ang 'ibaba' ko.

Hindi ko namalayan na naka ngiti na pala ako. Dapat ngayon ay mag sisigaw at mag wala ako dahil may naka kuha na ng pag ka birhen ko ng hindi pa ako kasal. Pero bakit pa? Ang lalaking naka kuha nito ay ang lalaking minamahal ko.

Agad naman akong nalungkot ng mapansing mag isa ako sa kwarto. Maayos ang kwarto ko at naka tiklop ang damit ko kagabi na nakapatong sa side table.

Umalis na ba sya? Iniwan na nya ako? Mukang na hit and run ako ah

Pinilig ko ang ulo ko sa naisip. Ginusto ko to, dapat panindigan ko. At isa pa, ako ang nag tutulak sa kanya palayo kaya wala akong karapatang hanapin sya ngayon. Malamang ay kasama na nya si Paris ngayon at nag sasaya.

Napa ngiti ako ng mapait. Hindi ako nag sisisi na binigay ko ang sarili ko sakanya. Pero napaka sakit palang isipin na ang lalaking kasiping mo kagabi, nasa nga bisig na ng iba.

Dahan-dahan akong bumangon at nag tungo sa banyo para maligo. Napaka sakit ng katawan ko. Ganito ba talaga ito? Sa unang gabi nyo?

Hinayaan ko lang na mabasa ang katawan ko mula sa tubig ng shower. Kaylangan ko din nito para ma fresh naman ang utak ko.

Ng makapag ayos na ako ng sarili ko ay bumaba na ako ng hagdan para mag luto ng almusal ko. Mag isa nanaman ako. Nakakalungkot.

Natigil ako sa pag hakbang ng may madinig na mga kaluskos sa kusina. Agad nilukob ng kaba ang dibdib ko. Pinasok ba ako ng mag nanakaw? Anong gagawin ko?

Agad kong dinampot ang katabi kong vase at dahan dahang lumakad papasok sa kusina.
Halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ang lalaking naka talikod mula saken.
Naka ilang beses akong kumurap sa pag aakalang nanaginip ako.
At sa sobrang gulat ko ng makumpirma na sya nga ito ay nabitawan ko ang vase na hawak ko.

Agad syang napa lingon sa akin at halos manlaki ang mata sa gulat. Bakit sya nandito? Akala ko ba ay umalis na sya?

"fuck!"

Agad syang lumapit saken at binuhat ako paupo sa lamesa. Tulala lang ako sa kanya, hindi padin maka paniwala na andito sya, sa harap ko at hindi ako iniwan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Eto na ba yung sign na hindi ko na dapat sya ipag tulakan?

Nasaktan ako ng sobra kanina na magising na wala na sya sa tabi ko. One last chance na ba ito? Chance na dapat ay hindi ko na sayangin?

"shit! Bakit ba kasi may dala kang vase? Fuck! Are you ok? Stop crying baby, I'm here, it's ok. I just get your medic kit-"

Agad ko syang hinila palapit saken ng tangkang tatalikod ito. Ewan ko pero natatakot na akong malayo sya saken. O.a na kung o.a. pero masisi nyo pa ba ako?

Nag tataka syang tumingin saken. Hindi ako nag salita bagkos ay hinalikan ko lang sya. Una, alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero hindi din nag tagal ay tinugon nya ang aking halik.

Ayoko, hindi ko na sya ipag tutulakan. Ayoko ng masaktan. Ngayong ramdam ko na na may parte na ako sa puso nya. Susugal na ako. Gusto ko na ding maging masaya

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon