Chapter 17

746 21 1
                                    

Tahimik kaming dalawa ni Range habang naka sakay sa private helicopter nya pabalik ng maynila. Si Leo din ang sumundo sa amin at sinabing babalik na din daw sya sa Canada tutal ay nakabalik na si Range

Napa ngiti ako ng makitang may signal na ang phone ko, agad kong tinawagan si mama pag ka baba namin at mabilis na tinungo ang daan palabas ng CGOC. Ayokong mag paalam kay Range dahil lalo lamang akong masasaktan.

"anak! San kaba nag punta ha bata ka? Alam mo bang nag alala ako sayo, ni hindi ka tumawag o nag text manlang!" sermon agad ang salubong sa akin pag sagot nya sa tawag ko. Wala manlang hi o hello eh

"sorry ma, nag ka biglaan po kasi. Nag karoon ng board meeting si Sir sa... sa... Uhm, Bicol! Ayun tama Bicol, eh wala pong signal sa tinuluyan namin kaya hindi na po ako naka tawag"   paniguradong mahaba na ang ilong ko sa pag sisinungaling ko. Hayst.

"o sya, pauwe kana ba? Bilisan mo at madami akong sasabihin sayo"  hmmm. Parang masaya ata si mama ngayon ah, ano kaya yang sasabihin nya?

Mabilis akong pumara ng taxi at sinabi ang address ko. Napa lingon ako sa building ng CGOC. Ma mi-miss ko ang pag ta trabaho doon.

Ma mi-miss kita Range...

¤¤¤

Mabilis akong pumasok sa bahay namin ng maka baba ako sa taxi. Agad kong hinanap si mama at nakita ko sya sa kusina.

"ma!" agad ko syang niyakap at ganon din sya. Na miss ko agad si mama eh

"ikaw talagang bata ka, sa susunod mag paalam ka ha."

Tumango ako agad tinanong ang sasabihin daw nya. Na excite ako eh

"anak, alam mo naman na mahal ko ang papa mo diba?"  panimula nya.

"oo naman ma, ano bang-"

"anak, balang araw, mag kakaroon ka ng sariling pamilya. At ako... Maiiwan-"
Agad akong umiling. Hindi ko sya iiwan

"ma hindi no, hindi kita iiwan"

"ayoko ng malugmok sa kalungkutan anak. Alam natin pareho na dadating ang araw na aalis kana sa poder ko at sasama sa magiging asawa mo"

Hindi ko maintindihan. Ano bang sasabihin nya? Bat ang dami pang seremonyas?
" ano ba talaga ung sasabihin mo ma? Tamana ang commercial, gora na agad"

Pinisil nya ang kamay ko at parang nag dadalwang isip pa kung sasabihin o hindi

"ma-"

"anak, ikakasal na kami ni Rafael..."

............loading......
WHAT?!

"anak mahal namin ang isat isa. Kaya pumayag na akong mag pakasal. Anak patawad-"

"nu kaba ma! Kaylan ba kasal? Abay ako dapat ha"

Napa nga nga sa akin si mama. Mahal na mahal ko sya at kung saan sya magiging masaya, susuportahan ko sya. Kung sino man ang Rafael na yon, nag papasalamat ako dahil binalik nya sa dati si mama.

"hindi ka galit?"
Gulat nyang tanong. Agad naman akong umiling at ngumiti

"bat naman ako magagalit ma? Basta siguraduhin lang ng Rafael na yan na hindi ka nya papaiyakim kundi.... Kahit babae na ko mag ayos humanda sya, babalian ko sya ng buto at isusulat sa black book ko"

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon