Chapter 12

798 21 0
                                    

Nag madali ako sa pag susuot ng sapatos ko ng biglang tumawag si Rain na kanina pa daw nag wawala sa galit si Range at hinahanap ako. Jusko ano naman kaya ang ginawa ko at ako ang hinahanap ng hinayupak nayon?

Paglabas ko ng gate ay may kotse namang huminto sa tapat ko. Bumukas ang pinto at niluwa si Leo na naka business suit.

"good morning Ashley"
Masiglang bati nya saken. Bumati din ako pabalik at sinabing kaylangan ko ng umalis dahil nag wawala na ang boss ko
"ganon ba? Halika, ihahatid na kita tutal pupuntahan ko din ang pinsan ko sa Cortex's"

Hindi na ako nag inarte at sumakay na sa kotse nya. Tahimik ang naging byahe namin papunta sa CGOC. Hindi ko feel makipag chikahan ngayon kasi busy ako sa pag iisip kung bakit beast mode nanaman ang hinayupak kong boss

"Thank you sa pag hatid ah. Mauna na ko Leo, salamat ulit!"

Sabi ko at nag madali ng pumasok, hindi ko na nga nai-tap ang id ko para sa attendance dahil sa pag mamadali. Pinindot ko ng paulit ulit ang elevator dahil sa tagal nito ay di na ako nakapag antay at sa hagdan na lang dumaan

Kayanin ko kaya hanggang 12th floor? Jusme! Kaya mo yan Ash fighting!!!

Halos gumapang na ako sa sobrang pagod. Pero nabuhayan din ng loob ng makita ko na ang office ni Range. Malayo paman ay dinig na ang boses ni Range na sumisigaw. Mabilis kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang napaka gulong office ni Range. Nag kalat ang mga papel at folder sa sahig, pati ang mga libro ay nag kalat na din.
Napatingin ako kay Rain na naka upo sa sofa habang hinihilot ang sintido

"I told you to give me the damn contract! Napaka tanga mo! Ano bang mahirap sa inuutos ko?!"

Napa tingin naman ako kay Range na pinapagalitan si Hana. Hindi parin nila napapansin ang prisensya ko kaya nanatili muna ako sa pinto

"sir, s-sorry-"

"damn your sorry! Wala kabang pinag aralan?! Your so stupid! Fuck!"

Sabi ni Range sabay hagis ng isang folder kay Hana. Bigla akong nainis kay Range dahil sa trato nya sa secretary nya. Lumapit ako sa mangiyak-ngiyak ng si Hana at hinawak ito sa braso. Naawa naman ako sa kanya kaya binalingan ko si Range ng mag mura nanaman ito

"sir, hindi naman ata tama ang ginagawa nyo. "

Humarap sakin si Range. Ramdam ko ang galit nya dahil sa mga matatalim nyang tingin.

"sir? Sir?! Damn! Wala kang alam dito Ms. Morales kaya wag kang makialam!" sigaw nya sabay hagis ng mga folder na nasa table nya

"sige na Hana, ako ng bahala dito" sabi ko kay Hana at umalis naman sya agad. Pag tingin ko kay Range ay naka tingin nanaman sya ng masama sa akin

"ikaw ng bahala? Huh, are you kidding me? You can handle this shit? Damn! How can you do that? You don't even understand or even speak english properly?! Stupid! "

"kuya! Sobra kana!"

Lumapit saken si Rain at hinawakan ako sa braso para isama na palabas pero di ako nag patinag. Sumo-sobra na sya. Ang sakit nya mag salita

"oo na, hindi nga ako makaintindi ng english, hindi nga ako makapag salita ng punyetang english na yan! Pasensya na, hindi naman kasi ako nakapag aral katulad mo. Hindi din ako mayaman para makapag tapos.."

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon