Chapter 10

875 24 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cellphone ko. Di ko na tiningnan kung sino ang tumatawag, basta ko na lang sinagot habang nag kakamot ng ulo

"ano ba? Agang-aga istorbo ka-"

"did i disturb you, sleeping beauty?"

Tumaas ang kilay ko at tiningnan kung sino ito pero number lang.
"who you?" narinig kong tumawa ang babae sa kabilang linya. "umi-english kana huh, well ako to, si Rain duh!"

Napabuga ako ng hangin. Si Rain lang pala lintek. Ni-loud speaker ko ang phone bago ibaba sa side table ko at binuksan ang bintana. Sisigaw na sana ako ng good morning kaya lang naalala kong wala na pala kame sa dati naming bahay

"hoy Ash! Andyan kapa ba?!"

"oo! Teka lang, nag aayos pa ako"

"oh, anong petsa na? Jusme! Akala ko nag bibiro ka lang na kakagising mo-"

"obvious ba? Ano bang kaylangan mo at tumawag ka? Day-off ko kaya ngayon!"

"

anong day-off?! May party mamayang gabi diba?! Mag ayos kana at susunduin na kita! Mag papa salon pa tayo, my gosh Ashley sakit mo sa bangs huh"

Umirap lang ako bago patayin ang tawag at tumingin sa salamin- teka? Sino tong babaeng to? Napa hawak ako sa muka ko at lalong nanlaki ang mata dahil ako pala itong babaeng ito. Napapikit ako ng maalala ang pang totorture ni Rain saken kahapon.

Pababa na ako ng hagdan ng makita si mama na nag aayos ng pagkain sa mesa kasama si Nick.

"good morning ma! Good morning Nick!"

Sabay silang tumingin sa akin at halos lumuwa ang mata sa pag ka gulat. Hayst. Miski ako kanina nagulat din sa itsura ko eh

" nananaginip ba ako? Anak ko ba sya?"

Sabi ni mama tapos kinurot ang braso nya. Napa iling naman ako sabay irap. Ang OA nila ha!

"oo na, bago kayo himatayin dyan. Ako to si Ashley Rein Morales. Ang anak mo mama at ang bff mo Nick. May tanong pa?"

Mag sasalita pa sana si Nick pero inunahan ko na. "bat ganto itsura ko? Si Rain, kapatid ng bos ko inayusan ako kasi may party mamayang gabi na invited ako."

Si mama naman dapat ang mag sasalita kaso inunahan ko na lang ulit. "anong party ang pupuntahan namin? Di ko din alam. Basta party un kaya wag na nga kayong madaming tanong!"

Mag sasalita pa ako pero naunahan ako ni Nick. "hindi naman kami nag tanong, ikaw tong walang preno mag salita eh. Sasabihin lang dapat namin na kumain na tayo, anong connect non sa mga sinabi mo?"

O-k napahiya ako dun ah. Inirapan ko na lang sya bago umupo at kumain na

Ilang oras na ang lumipas at ngayon ay nandito kami ni Rain sa salon dito sa loob ng mall nila. May kung anong bilog ang itinapat sa ulo namin habang nag babasa si Rain ng magasin ata un. Ako naman eto, nag lilibot ng tingin.

"Rain, matagal paba to? Naiinip na ako eh" tumingin lang sya saken saglit at tumingin ulit ang binabasa nya. "easy kalang Ash, mga 20 mins. na lang tapos na"

Hayst! Ang tagal naman ih!

Napa tingin ako sa phone ko na nasa tabi ko lang ng tumunog ito.
From: sir. Sungit

Where the hell are you?! Answer my damn calls Ashley!

-end-

Hala! Galit na si Range! Ano na gagawin ko? Kagabi pa sya natawag at nag te-text kaya sabi ni Rain patayin ko muna ang phone ko pero mga 30 mins. Lang biniksan ko na ulit. Di naman na sya tumawag pa kaya akala ko payapa na ang mundo ko. Kinulbit ko si Rain at pinabasa ang death treat sakin ng kuya nya.

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon