Chapter 13

842 17 0
                                    

Nag pa gulong-gulong ako sa kama ko dahil di ako maka tulog. Masyado kasi nabulabog ang sistema ko dahil sa sinabi ni  Range

Bugko...

Ewan ko ba pero sobra akong natuwa at kinilig? Aish! Ano bang nang yayari sayo Ashley Rein Morales? Hindi kanaman ganto dati ah?

"ano bang ginawa mo saken Range? Bat ganto na lang kalaki ang pinag bago ko mula ng makilala kita?"

Napa titig ako sa kisame habang iniisa-isa ang mga pinag kaiba ng dating Ash sa Ash ngayon

Noon, hindi ko inaalis ang kaisa-isa kong sumbrelo, pero ngayon, halos mag da-dalwang buwan ko ng hindi nai-aalis sa cabinet ko ang cap kong iyon

Noon, hindi ako nag susuot ng mga pambabae na damit, pero ngayon, jusme! May pa dress-dress pa!

Noon din hindi ako nag kakagusto sa lalaki, pero ngayon..

Eto, nag mahal pa!

"argh! Tingnan mo ang ginawa mo saken Range Allan Cortex! You different me so much!"

Nag pa gulong-gulong ulit ako hanggang sa dalawin ako ng antok

"good morning!"

Masayang bati ko sa mga ka-trabaho ko dito sa CGOC. Medyo madami na akong friends dito. Hihihi

"good morning din Morales!"

Pumasok na ako sa elevator at naka ngiting pinindot ang botton na may no. 12

Sa sobrang ganda ng araw ko, napapakanta pa ako habang nag lalakad papunta sa opisina ni Range...

Ayiiii! Nikikilig padin ako pag naalala ko ung tawag nya sakin kahapon.

Inayos ko muna ang buhok ko na naka lugay pati ang dress ko na kulay blue pati ang I.D. ko ay inayos ko din bago pinihit ang door knob ng opisina ni Range

Naka ngiti kong isinara ang pinto at lumingon paharap na syang kina tanggal ng mga ngiti ko

"what the hell are you doing here?"

Maarteng sabi saken ng babaeng kinaiinisan ko. Si Paris....

Naka upo lang naman sya sa hita ni Range habang naka yakap ang mga braso sa leeg ni Range

Nakita ko ang gulat sa mata nya habang naka titig din saken.
Bakit ang sakit? Ano tong nararamdaman ko?
Bakit parang gusto kong hilahin sa buhok ang Paris na ito at itapon sa tuktok ng Eiffel Tower?

"s-sorry, naka istorbo po a-ata a-ako..."

Napa tungo ako dahil nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Mabilis tumayo si Range, akala ko lalapitan ako pero hindi. Assuming kasi ang lola nyo kaya ayun, mas nasaktan pa

"we'll talk later Ashley, tatapusin ko lang ang meeting namin ni Paris..."

Meeting... Hanep!

"o-ok sir..."

Mabilis akong lumabas ng opisina nya at nag tungo sa banyo. Ngayon alam ko na kung bakit pag mag eemo sa banyo napunta. Kasi dito, walang makakakita sayo, tahimik at malaya kang mag wala.

Napa titig ako sa salamin sa harap ko
"bat kasi ang bilis mo ma-fall? Ayan tuloy naiyak ka nanaman! Napaka iyakin mo na ngayon Ashley!"

Sermon ko sa sarili ko at pinabayaan na ang mga luhang kanina ko pa pinpigilan. Ang sakit makita na ang lalaking mahal mo may kasamang iba. Parang pinipiga ang puso ko tapos nag sinungaling pa sya na meeting lang nila ng haliparot nayon!

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon