Chapter 29

761 18 0
                                    

Inis kong isinara ang pinto ng kwarto na tinutuluyan ko dito sa hotel sa loob ng Isla Montel. Ang sabi ng magaling na dalawang iyon ay susunduin nila ako after 20 mins. Eh mag iisang oras na wala padin sila!

"pag lang nalaman kong nam babae lang kayong dalawa, naku! Pag uuntugin ko talaga kayo"

Sinimulan ko ng mag lakad-lakad para hanapin ang dalawang kumag na mukang inindian ako. Mga bwiset.

"asan na yung mga yon?"
Inis na bulong ko sa sarili habang nag lalakad. Pero halos malibot ko na ang kalahati ng Isla eh wala akong nakita ni anino ng mga kumag.

"argh! Mga bwiset kayo! Bahala kayo sa buhay nyo, mag isa na lang akong kakain mga letche!"

Nag martsa ako papunta sa may isang cottage na nag sisilbing restaurant. Papasok na sana ako ng maalala na naiwan ko nga pala ang wallet ko sa hotel. No choice ako kundi balikan ang wallet ko ng makakain na ako

"hindi manlang inisip ng dalawang kumag na iyon na dalawa na kaming nagugutom ngayon ni baby" inis na bulong ko sa sarili ko pag labas ng hotel room ko. Sasakay na sana ako ng elevator ng may maalala ako.

Siguro nasa rooftop ang dalawang iyon, sabi ni Leo ay doob kami kakain ngayon at ipahahanda nya lang

Naalala ko kasing bago nila ako iwan sa hotel room ko ay sinabi nya na sa rooftop kami kakain kaya ipapaayos nya yon. Pero hindi naman sila bumalik.

"hmmm. Siguro nga nasa rooftop ang dalawang yon at nag aayos pa doon.."

Imbis na sumakas sa elevator ay nag hagdan na lang ako paakyat sa rooftop. Pag dating ko doon ay wala naman akong nakitang kahit ano, babalik na sana ako sa baba ng may makita akong isan pang hagdan paakyat sa tila isang maliit na cottage

Ah, andito nga siguro sila

Naka ngisi akong dahan-dahang umakyat doon para sana gulatin sila pero mukang ako ang nagulat ng hindi si Nick o Leo ang nakita ko dito kundi si Paris at isang hindi ko kilalang lalake.

Mabilis akong nag tago sa gilid dahil baka makita pa ako ng impakta at mapaaway pa ako. Baba na sana ako ng madinig ko ang usapan nila

"i told you to leave, pano kung nakita ka ni Range?" madiing bulong ni Paris sa lalake. Wait andito din sila Range? What a small world

"eh ano? Mas mabuti nga na makita nya tayo para malaman na nya ang totoo"
Nangunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki. Anong totoo?

"are you damn serious?! May usapan tayo Jacob, ano pa bang gusto mo? Another money? Name it! At wag ka ng mag papakita pa saken, o kahit kanino sa pamilya ni Range"

Mabilis akong nag tago sa gilid ng cottage ng may madinig akong yabag papalabas

"wait! Paris, you know what i want. I don't need your fucking money, ikaw ang kaylangan ko at ang magiging anak natin..."

Halos manlaki ang mata ko, napa takip na lang ako sa aking bibig dahil sa sobrang gulat. Hindi anak ni Range ang ipinag bubuntis ni Paris?

"Jacob ano ba! Wala to sa pinag usapan natin, at pwede ba. Si Range ang ama ng baby ko. Umalis kana. Leave now."

"hindi ako papayag na ibang lalaki ang kilalaning ama ng anak ko Paris, hindi ako papayag"

"are you stupid?! O baka gusto mong idemanda kita? I have my ways Jacob, kayang kaya kitang ipakulong ng hindi nalalaman ni Range ang totoo. Wag mokong subukan..."

Shit! Shit! Napaka hayop talaga ng bruhang ito. Pinili kong layuan si Range para sa kanya, sa baby nila yun pala hindi anak ni Range ang bata. Hayop talaga!

Hindi na ako naka tiis dahil sa sobrang galit ko. Manloloko sya!
Bakas ang gulat sa muka nilang dalawa ng makita ako. Nasaktan ako, kami ni Range ng dahil sa kanya. Tang ina nya sobra na sya! Babawiin ko na kung ano ang sakin!

"manloloko kang hayop ka! Paano mo nagagawa tong kahayupan mo ha?!"

Ilang sandali pa syanh natigilan bago makabawi at tinaasan ako ng kilay

"what are you talking about? Sinong niloko ko?"

The nerve! Ang kapal ng mukang mag sinungaling! Dinig ko na ang lahat!

"wag ka ng mag sinungaling, dinig na dinig ko na ang lahat. Hindi anak ni Range ang batang pinag bubuntis mo. Alam mo? Napaka desperada mo para mag pabuntis sa iba at ipaako kay Range. Such a desperate move you bitch!"

Napaka hayop nya para lokohin si Range! Nag kalayo kami ng dahil sa kanya, nilayo nya saken si Range tapos ngayong hindi naman pala anak ni Range ang batang yan, hindi na ako papayag na ilayo nya sakin ang lalaking mahal ko

Kitang kita ang kaba sa muka nya kahit naka taas pa ang kilay nya. Hindi na nya ako matatakot ngayon, hinding hindi na

"kaylangan malaman ni Range ang totoo, at sisiguraduhin kong mag babayad ka sa lahat ng ginawa mo samen."

Mabilis akong tumalikod pero di pa ako nakaka layo ay may humila sa buhok ko dahilan para matigil ako, mabilis akong humarap at hinigit din ang buhok nya

"sa tingin mo papayag akong sirain mo ang mga plano ko? Never!"

Halos kalmutin na nya ang ang braso ko maalis lang ang mga kamay ko sa buhok nya pero hindi ako nag patinag. Mas hinigpitan ko ang kapit sa buhok nya

"hayop ka talaga! At sa tingin mo din hahayaan kong mag tagumpay ka? HINDI!!"

patuloy kami sa pag sabunot sa isa't isa, hindi ko na alam kung saan kami napupunta dahil sa patuloy naming hilahan. Huli na ng marealize ko ang baby ko, sumala ang apak ng mga paa ko at nahulog sa hagdanan. Nabitawan ko ang buhok ni Paris pero tuloy padin sya sa pag higpit sa buhok ko. Halos manlamig ako ng maramdamang tumama ang likod ko sa sahig. Tumama ang ulo ko at dahil don ay hindi agad ako naka kilos sa sobrang hilo

"J-Jacob! Y-yung baby k-ko..."

Dinig ko ang pag iyak ni Paris. Naaninag ko pa ang mabilis na pag buhat ni Jacob kay Paris at pag labas nila. Kahit nahihilo ay pinilit kong bumagon para humingi ng tulong. Halos manlamig ako ng makitang may dugo sa binti ko

"n-no... B-baby ko...tulong...t-tulong...."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang baby ko, ang baby ko!

"tulong! Tulungan nyo ko! A-ang baby ko..."
Diyos ko... Tulungan nyo po ako, iligtas po ninyo ang baby ko...

Sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang ang isang bulto ng lalaking tumatakbo palapit saken. Hindi ko na sya makilala dahil sa sobrang hilo ko

"ang baby ko...tulungan mo ang baby ko..."

Umiiyak na bulong ko sa lalaking ngayon ay may buhat na saken. Hindi ito umimik sa halip ay mabilis na tumakbo palabas ng hotel.

Baby ko... Kapit ka lang, wag mong iiwan si mama. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung pati ikaw mawala sakin..
Kapit lang baby. Kapit lang

•••

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon