Chapter 3

1.1K 34 0
                                    

"ma... Inomin mo po itong gamot mo ha, pati, wag na ho kayong mag isip makaka sama po sa inyo iyan eh"

Nilapag ko sa side table ng hospital bed nya ang sliced apple na hiniwa ko

"anak, ilabas mo na lang ako dito para hindi-"

"ma! Wala kang ibang gagawin kundi mag pa galing,ok? Ako na po ang bahala sa lahat, ma.."

Sya na lang ang meron ako kaya lahat gagawin ko para lang mapagaling sya.

Hinawakan nya ang kamay ko
"napaka swerte ko't ikaw ang naging anak ko.."

Ngumiti ako  at pinisil ang kamay nya. "no ma, ako ang maswerte dahil kayo ang magulang ko..."








Pag pasok ko ng ospital ay nagulat ako ng makita ang mga nag mamadaling nurse na tumatakbo pati na ang ibang doctor. Nakita ko pa si aling Lina na tumatakbo palapit sa akin

"aling Lina, anong-"

"Ashley, iha... Ang mama mo.."

Nabitawan ko na ang mga plastic bag ng pinamili ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni mama.

"miss, dito na lang po muna kayo"

Napa luhod ako sabay takip ng kamay sa aking muka. "please.. Iligtas nyo si mama..."

Tumango ang nurse bago isara ang pinto ng kwarto kung nasaan si mama

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Hinawakan ni aling Lina ang nanginginig kong mga kamay at inalo ako

Dyos ko, iligtas nyo po ang mama ko...

"kamusta sya doc?"

Mabilis akong tumayo ng makita ang doctor na lumabas sa kwarto. Napa buntong hininga pa sya na lalong naka pag pakaba sa akin

"iha, kumakalat na ang cancer cells sa katawan ng mama mo, kaylangan na talaga natin syang operahan para mapigilan pa ang pag sira ng cancer cells sa organs ng mama mo..."

Nan lambot ako sa narinig, mabuti na lamang at naalalayan ako ni aling Lina at iniupo ako sa upuan dito sa hallway.

"gawin nyo po lahat doc, iligtas nyo si mama..."

Wala sa sarili kong sabi. Wala na akong pake basta iligtas nila si mama

"pero mahal ang opera na gagawin-"

" wala akong pake kung milyon pa ang halaga nan! Basta iligtas mo ang mama ko!"

Tumango na lang ang doctor bago umalis. Kaylangan ko ng malaking pera...

"Ashley, san ka kukuha ng pera pampaopera sa mama mo?"

Pinahid ko ang luha ko at inayos ang sumbrero ko bago tumayo.
Kung ito na lang ang huling paraan para mag ka pera ako. Gagawin ko na kahit labag sa loob ko

"maiwan ko muna kayo aling Lina. Kayo na ho muna ang bahala kay mama..."

Hindi na ako nag antay pa ng sagot at mabilis ng nag lakad palabas ng ospital. Pumara ako ng taxi at sinabi kung saan ang pupuntahan ko

"sigurado kana ba talaga Ashley? Wala ng atrasan to..."

Kaylang ko ng pera kaya gagawin ko ito. Importante ang kaligtasan ni mama. Mas importante pa sya kesa sa katawan ko.

Lumunok ako bago tumango kay Fria. Andito kame sa isang motel kung saan nag aantay ang lalaking gagamit sa akin kapalit ng 20 thousand pesos. Maliit man pero malaking tulong na

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon