Epilogue

1.8K 31 26
                                    

I did hurt her..

Ni hindi ko manlang naisip ang nararamdaman nya,  lahat ng sakripisyo nya. 

Nasaktan ako ng ilang ulit nya akong itulak palayo, pilit itinataboy kay Paris. Gaano kasakit ang ipagtabuyan ka ng babaeng mahal mo?

Alam kong mali ang pag mamahalan namin,  at alam ko ding hindi sya sang ayon doon. That's why she's pushing me away kahit alam kong nasasaktan sya

The day that i proposed to her to be my girlfriend was the very heartbreaking moment in my life,  akala ko matapos na may mangyari samin, mag babago na ang paniniwala nya,  akala ko sa pag kakataong iyon,  ako naman ang pipiliin nya.  But i was wrong, mas pinili padin nya ang tama kesa sakin.  I understand her,  alam kong mabuti syang tao at pag gawa ng mali ay hindi nya kaya.  But its hurt me a lot.

After the accident, nagising ako na walang maalala,  sabi ng doctor temporary amnesia lang naman daw yon.  That time,  si Paris ang nasa tabi ko.  She told me that she's my fiancee. Sabi nya naaksidente daw ako noong araw ng kasal namin.  My mom said that it was true, at dahil hindi natuloy ang kasal ay pinilit nila akong matuloy ang kasal at dahil wala akong maalala pumayag na lang ako.  But that was a civil wedding only,  walang ibang tao kundi si mom at Rain lang.  I was confused at first but i didn't ask.

Then the day that my dad will get married, walang nagawa si Paris kundi umiwi dito sa Pilipinas,  hindi ko alam kung bakit ayaw nyang umuwi,  after 2months of staying with her,  hindi ko maramdaman na mahal ko sya.  Akala ko dahil lang yon sa wala akong maalala.  But when I saw the girl who was crying on a bench.  Hindi ko alam pero parang piniga ang puso ko ng madinig ang mahinang hagulgol nya.  I did offer her my   handkerchief but she ignored    me,  ni hindi manlang nya ako nilingon at umalis na lng.  That time,  wala akong naramdamang inis dahil sa pag talikod nya.  Napa ngiti pa nga ako sa hindi malamang dahilan

Akala ko yun na ang una't huling pagkikita namin,  but i was wrong. Nang makita ko sya sa reception, ang napaka maamo nyang muka.  My memories with her flows like an open dam.  Doon ko naalala lahat,  simula ng mag kita kami sa CGOC , nang maging personal assistant ko sya,  the day that i fell in love with her, our first night hanggang sa pinaka masakit na ala-ala.

I really wanted to talk to her that time,  sinundan ko sya nung lumabas sya ng reception hall.  Akala ko yun na ang pinaka magandang pag kakataon para makapag usap kami,  para maka hingi ng sorry,  at para humingi ng second chance. I know she'll might be refuse by that idea.  Dahil kasal kami ni Paris and worst, mag kaka anak na kami. I know kasalanan ko lahat.  At kakapalan na ng muka ang hinihingi ko sa kanya,  but all i wanted is to be with her again.

Hindi ko alam kung hihilahin ko ba sya mula sa dalawang lalaking kayakap nya.  She was hugging with does fuckers. I wanted to claim her as mine but i cant. Hearing their conversations?

Napaka dami ng sinakripisyo ng dalawang gagong iyon para sa prinsesa ko,  they take good care of her when I'm away.  Sila ang naging sandalan nya ng iwanan ko sya.

Wala akong ibang nagawa that time kundi mag sisi.  Mag sisi sa lahat ng ginawa ko, na nag pakasal kay Paris at hinayaan pang bumuo ng pamilya kasama ang babaeng hindi ko mahal.  Now,  I'm facing the damn consequences. Wala akong magawa,  hindi ko magawang angkinin sya sa harap ng madaming tao,  ipaalam sa iba na akin lang sya. 

I did try to avoid her after that day. Hindi ako umalis ng mansyon at sinubukang maging mabuting asawa kay Paris.  I know she's happy without me,  tahimik na ang buhay nya.  Siguro nga at hindi kami ang naka tadhana sa isa't-isa.  I guess she's right.  Dumaan lang kami sa buhay ng isa't-isa pero hindi tinakdang mag tagal. Masakit man,  pero mukang dapat nanaming kalimutan ang lahat.  I love her so much,  at ang pag layo ko sa kanya ang magiging dahilan ng pag tahimik at pag saya nya ay gagawin ko kahit sobrang sakit. 

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon