Chapter 28

755 18 0
                                    

Simula ng umapak ako sa Cortex Group of Companies nag bago na ang buhay ko. Nag bago ako. Nag bago ang pananaw ko. Nag bago ang dating Ashley na kilala ko.

Hindi naman ako nag sisi sa mga bagay na nag bago sakin, kasi dahil sa pag babagong ito, natuto akong mag mahal ng totoo, natuto akong maging masaya sa piling nya. Kung papipiliin ako at bibigyan ng pag kakataong bumalik sa nakaraan? Pipiliin ko pading tumapak sa CGOC. Dahil kung hindi dito, wala akong munting anghel sa sinapupunan ko ngayon

Siguro kahit paulit-ulit kong maranasan ang sakit ng nakaraan? Pipiliin ko pading pag daanan yon dahil alam ko sa huli, may maiiwan at mabubuhay para maka sama ko sa pag iisa.

"hoy tigilan mo na yang pag titig sa salamin, baka mabasag sayang naman"

Pang aasar ni Nick ng mapadaan ito sa pwesto ko dito sa salas, ang sarap lang kasing tingnan ng tyan ko, medyo maumbok na sya at kapag tinitigan mo ay mahahalata mo na agad na buntis ako.

"si buntis nababaliw na ata, nakangiti mag isa sa salamin"

Lalo lang akong napa ngiti sa sinabi ni Nick, ang cute lang marinig sa iba na tinatawag kang buntis. Feeling proud talaga ako dahil may anghel akong dala-dala at sa pag dating ng ika-pitong buwan ay makikita ko na sya

"Leo! Halika ngs dito! Si buntis nababaliw na, dyusme yung inaanak ko baka mahawa!"

Doon na ako natawa. Napaka talaga nitong si Nick eh, pero pansin nyo din ba na ang good mood ko ngayon? Ni hindi manlang ako naasar sa mga sinasabi ni Nick sa halip nga ay tuwang-tuwa pa ako

"uy, wala namang ganyanan, inaalagaan kanaman namin diba? Bakit ba? May problema ba? Tutulungan kanaman namin eh, wag kanamang ganyan ayokong ipasok ka sa mental kasi mahal kita buntis kaya-"

Hindi ko na pinatapos si Nick at hinila na lang sya patayo sa sofa at sinama sa harap ng full lenght mirror.

"tingnan mo Nick oh, lumalaki na yunh tyan ko. Ang cute diba? Nararamdaman ko na yung baby ko..." naka ngiti kong sabi sa kanya habang ginagabayan ang kamay ni Nick sa tyan ko na naka titig lang saken sa salamin

"oy oy anuyan ha? Bat di nyo ko sinasama? Ano to buntis, si Nick na lang ang mahal mo? Pano naman ako?"

Lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang boses ni Leo. Lumapit ito samen at yumakap samin ni Nick mula sa likuran.

"tingnan mo Leo, nalaki na si baby..." sabi ko habang hinahaplos ang tyan ko

"oo nga, para kang naka lunok ng pakwan. HAHAHA"

hindi ko alam pero natawa din ako sa sinabi ni Nick, kung sa ibang pag kakataon baka nag hahabulan na kami ngayon dahil sa mga pang aasar nya pero ewan ko ba, ang saya-saya ko ngayon eh

"masyado ka ng bipolar ngayon buntis, nung isang araw lang wala kang ginawa kundi umiyak tas ngayon para kang living happy emoji"

Nawala ang ngiti ko ng maalala ang nangyari nung isang araw, yung pag uusap namin ni Range at yung pag iisip nya na anak namin to ni Leo. Alam ko mali ang idamay pa si Leo pero wala naman na akong pag pipilian.

Binatukan ni Leo si Nick
"ano ba yan, ang saya na eh. Bumanat kapa" 

"eh sorry naman, naninibago laang kasi ako eh" sagot ni Nick habang kakamot-kamot sa ulo nya

"ok ganito na lang, since wala din naman tayong gagawin ditosa bahay, bat di na lang tayo mag bakasyon?"  humarap ako kay Leo na ngayon ay taas baba ang kilay samin ni Nick

"at saan naman tayo mag babakasyon? Bawal bumyahe si buntis ng malayo-"

"anong bawal? Bakit ka-buwanan ko na ba ha? Sabi nga ni mama dapat daw ay matagtag ako para di mahirapan sa panganganak"
Ngusong sabi ko na kina irap nilang dalawa. Haiyst mga bakla.

"ok fine, pinag tulungan nyo nanaman akong dalawa eh, so san ba?"

Ngumisi muna si Leo bago sumagot

"sa Isla Montel. My very own paradise...."






HALOS MAPA NGA-NGA ako sa ganda ng resort na ito. Ang Isla Montel na ata ang isa sa pinaka magandang resort sa buong pilipinas. White sand, deep blue clear sea water at meron ding pools na talaga namang napaka gaganda, maging ang mga cottages at ilang mabibilhan ng mga pagkain at souvenirs.

"welcome to my paradise! Welcome to Isla Montel!"
Naka ngising saad ni Leo habang naka taas pa ang mga kamay. Ok sya na mayaman, sya na ang nag mamay-ari ng napaka gandang lugar naito, sya na.

"nice pre! Ang ganda dito! Mag eenjoy tayo dito"

Ngising sabi ni Nick sabay sipol sa mga babaeng dumaan na mga naka bikini pa. Psh, yan ba ang hindi mag aasawa? Hayst, boys will always be boys...

"langya pre! Ang daming chicks dito!"
Sinamaan ko ng tingin ang malanding si Nick na habol ang tingin ng mga sexy na babae

"hindi daw mag aasawa pero kung maka tingin para ka ng nang-gagahasa. Manyak psh.."

Agad namang lumapit sakin si Nick at inakbayan ako.
"nag seselos ba ang buntis namin? Hay nako, eto tandaan mo ha, kahit gaano pa kadaming sexy at magagandang babae ang makita ko, namin ni Leo. Ikaw padin ang mahal namin ni Leo, right pre?"

Agad nag tumps-up si Leo at naki akbay nadin sa kabilang side ko naman. "tama, ikaw lang ang nag iisang babae sa puso namin ni Nick, ikaw lang ang pinaka magandang babae para samin ni Nick, ikaw lang ang pinaka sexy samin kahit  buntis kapa."

Napa nguso na lang ako para pigilan ang ngiti ko. Bat ba ang sweet ng dalawang to?

"kaya wag kana mag selos ha buntis? Ang cute-cute mo panaman pag naka smile ka. Ayiie mag i-smile na yan, mag smile na ang buntis namin..."

Ngumiti na ako dahil sa mga sinasabi nila. Aba cute daw ako pag naka ngiti eh, edi mag smile hihihi

"ayun oh! Ang cute na ni buntis HAHAHA"

sabay pa nilang pinisil ang mag kabila kong pisngi at nag tawanan. Natigil lang kame sa pag tawa ng may dumaan na grupo ng mga babae sa harap namin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, hindi ko naman na dapat papansinin kaso ang sama ng bibig eh

"sino ba sa kanilang dalawa? Ang landi ah,  di mapirmi sa isa, gusto talaga may stocks..."

Aabante na dapat si Nick para kausapin yung mga babae pero pinigilan ko. Inalis ko ang pag kaka-akbay nila saken at lumapit sa babae

Nginitian ko sya ng napaka tamis
"alam mo, imbis na mangialam ka sa buhay ng iba, bat di mo muna pakialaman ang sarili mo? You should learn to check yourself in the mirror, malandi na ba ang tingin mo sa isang magandang dalaga na may naka akbay na dalawang nag ga-gwapuhang mga binata? Sorry ah, ang ganda ko kasi kaya ayan, dalawa silang nag kakandarapa. Pero gusto mo ba ang isa sa kanila? I can help you. Pili ka lang iyong-iyo na. You know, pretty girls like me can easily attract many gorgeous men like them, so i don't need to stock them.... So, hindi ako malandi girl. Sadyang maganda lang ako"
Kinindatan ko pa ito bago iwanang naka tunganga kasama ang mga kasama nya. Nag lakad ako na parang model habang naka ngisi.

Mabilis namang sumunod saken ang dalawa na naka nganga pa.
"what the, binubugaw mo ba kami? Akala ko ba lab mo kami tapos ngayon--"

Mabilis kong hinarang ang daliri ko sa labi ni Nick
"shut it up. Hindi kaba na impress sa english ko? Ang galing ko na diba?"
Naka ngisi kong sabi habang tinataas baba ang kilay ko

"psh, oo na. Ang galing-galing mo na..." sabay irap nito saken

"bakit parang labas sa ilong? Parang hindi kanaman sincere eh"  sinimangutan ko ito na lalong nag paikot sa mata nya. Yung totoo? Bakla batong si Nick? Dinaig pa ako sa pag irap eh

"guys tama na yan, tara na pahinga na muna tayo then later, swimming tayo..."

Bigla akong na-excite sa sinabi ni Leo kaya mabilis ko na silang hinila papunta sa mga cottages.

Ngayong araw. Mag eenjoy tayong dalawa baby, kakalimutan muna natin si papa, kakalimutan muna ni mommy ang lahat ng stress nya. Mag papahinga na muna si mommy.
Pahinga muna

•••

 Forbidden Love [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon