Ardon. Isang samahan na binubuo ng mga taong magagaling sa iba't-ibang larangan. Lahat ng mga kasali dito ay may iba't-ibang kakayahan. Kalat sa buong mundo ang kanilang mga miyembro at hindi lahat ay nagkakatagpo. Ngunit hindi man lahat ay magkakakilala ay nandun pa din ang katapatan nila sa isa't-isa. Bawat miyembro ay may sinusunod na batas at ito ay dapat ipatupad anuman ang mangyari. Isa na dito ang "rule of granting." Ito ay ang panunumpa na sa oras ng kagipitan ng isang miyembro na natulungan mailutas ng isa pang miyembro, ang isa na nagkautang na loob ay magbibigay ng kahit na anong hilingin ng tumulong. Hindi ito maaaring paghindian ng kahit sino at dahil dito naipapakita ng bawat miyembro ang katapatan nila sa isa't-isa. Hindi lahat ay umaabot sa sitwasyon ng pagkakaroon ng utang na loob, dahil pawang magagaling at bigatin ang mga kasapi ng grupo na ito. Kaya kung talagang magigipit ang isa sa kanilang grupo, paniguradong isang malaking tao o grupo din ang nakabangga nito. Kaya kung sakaling may aabot sa rule of granting, siguradong napakalaki ng hihilingin ng isang miyembro na tumulong. Isang hiling na napakahirap ibigay, ngunit dapat ipagkaloob. Dahil sa oras na lumabag, kamatayan ang magiging kabayaran.
YOU ARE READING
One Great Love
Romance"The best relationships are the ones you didn't expect to be in, the ones you never saw coming".. She actually thinks that her life has planned. But one day, a man came that changes everything in her life. Will she able to accept and carry the life...