Hindi na nagkita pa sila Zia at Pierce mula noong araw na nagpaalam si Pierce kay Zia. Walang phone calls o kung anuman, ngunit kahit na ganoon ay alam nilang pareho na tuloy pa din ang kanilang kasal. At mabilis na dumaan ang mga araw hanggang sa dumating na nga ang araw ng kanilang kasal.
Ang lahat ay abalang-abala. Ang groom at bride ay hindi pa din nagkikita. Magkaiba sila ng place na pinuntahan para makapag-ayos. At ganoon din ang kotseng sinakyan papunta sa hotel na paggaganapan ng kanilang kasal. Naunang nakapunta sa venue si Pierce at tumuloy na sa isang room habang hinihintay ang kanyang bride. Si Zia naman pagdating sa venue ay pinatuloy sa isang room para sa paghihintay ng ceremony. At nang nagsimula na ang event ang lahat ay namangha sa kagwapuhan ni Pierce at halos lahat ng kababaihang dumalo ay naiingit sa bride dahil sa tingin nila ay napakaswerte nito. Hindi naman mapangiti si Pierce habang naglalakad papunta sa harapan dala marahil sa kaba na hindi niya maipaliwanag ngunit ng tinawag na ang bride....
Kapwa kinakabahan ngunit nang magkita ang dalawa ay hindi nila namalayan na napangiti sila ng sabay sa isa't-isa. Dahan-dahan naglakad papalapit si Zia kasama ang kanyang ama sa harapan papunta kay Pierce. Nang makarating na sila dito ay inibigay na ng ama ni Zia ang kamay ng niya sa lalaking mapapangasawa saka tumungo kung nasaan ang pari na magkakasal.
Sinimulan na ng pari ang kasal at lahat ay naging maayos hanggang sa pagsasabi ng kaniya-kaniyang vows sa isa't-isa habang isinosuot ang sing-sing.
"I, Pierce Lee, will promise to take good care of you. I will not let anything bad happen to you. I won't make you cry, I will cherish and love you forever, for better or for worst. Nothing will keep us apart."
Aba, magaling din umarte tong mokong na 'to, hindi halata na kinabisado lang ang linya. Pwes hindi ako magpapatalo. Ngumiti si Zia saka nagsalita. "I, Zia Gibson, will promise to take good care of you. I will be your good friend, your companion, and your partner in life. I will cherish and love you forever, for better or for worst, we'll always be together, forever.
Napangiti naman si Pierce sa sinabi ni Zia. Hanggang sa humantong sa huling bahagi ng seremonya.
"I now pronounce you husband and wife, you may kiss the bride."
Biglang hinablot ni Pierce si Zia sa baywang na naging sanhi ng pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Nabigla naman si Zia sa ginawa ni Pierce lalo na ng nilapit nito ang kanyang mukha sa mukha niya. Wala ng nagawa si Zia kundi ang mapapikit habang hinihintay ang halik ng asawa. Nagtagal ng sampung segundo na nakapikit si Zia ngunit hindi pa din siya hinahalikan ni Pierce kaya napadilat siyang muli at nakita niyang nakatingin lang sa kanya si Pierce. Panay naman ang sigaw ng mga bisita sa kanila. "Kiss her! Kiss her!"
"What are you waiting for?" napatanong na lang niya ng mahina kay Pierce
"I need your permission, remember?!." nakangiting sabi naman nito.
Wala pa din patid ang sigawan ng mga bisita kaya nagsalita na si Zia. "Just kiss me, will you!"
Pagkasabing pagkasabi ay agad hinalikan ni Pierce si Zia na tila ba sabik na sabik sa mga labi niya. At ang kiss na dapat ay panandalian lang ay nagtagal ng 30 minuto dahil ang 'show lang' na inakala ni Zia ay tila naging totoo. Hindi niya namalayan na napapikit na ang kaniyang mga mata at sinasagot na niya ang mga halik ni Pierce kapwa ayaw bumitaw sa pagkakadikit ang kanilang mga labi na siya namang nagbigay ng malakas na sigawan ng mga tao na nagpabalik sa kaisipan ni Zia kaya kumalas na siya sa pagkakahalik ni Pierce at nakita pa niya na nakapikit ang mga mata nito na dahan-dahan iminulat at tumitig muli sa kanya. Humarap naman sa mga bisita si Zia upang iwasan ang mga mata ni Pierce at nang hindi nito makita na kinakabahan siya. Humarap na din sa bisita si Pierce at muli na itong ngumiti.
YOU ARE READING
One Great Love
Romance"The best relationships are the ones you didn't expect to be in, the ones you never saw coming".. She actually thinks that her life has planned. But one day, a man came that changes everything in her life. Will she able to accept and carry the life...