Chapter 18

22 1 0
                                    

Mabilis na dumaan ang isang lingo, hindi umalis sa tabi ni Zia si Pierce hanggang sa tuluyanggumaling ang mga sugat nito. Ang sugat naman niya ay tuyo na din dahil sa bisa ng gamot na inibigay ni Dr. Calvin at sa walang sawang pag-aalaga ni Marta sa paglilinis at paggagamot nito. 


Tulad ng sinabi ni Dr. Calvin nag-iwan nga ito ng scar pero imbes na ikalungkot ay ikinatuwa naman ito ni Zia. Hindi na din siya nagsusuot ng off shoulders na mga damit kaya hindi na din napapansin ni Pierce na magaling ang sugat niya. 

Sa araw-araw na dumaan ang laging masaya sila Pierce at Zia. Nandoon na magstay sila sa hardin buong maghapon o di kaya ay magkwentuhan na parang mga bata. Doon mas nakilala nila ang isa't-isa at mas tumibay ang pagmamahalan nila. Isa lang ang hindi nagbago na nangyayari sa kanila ni Pierce, iyon ay ang tuwing magigising siya sa umaga ng wala ito sa tabi niya. 

Minsan pagkatapos maligo ni Zia ay tinulungan siya ni Marta na magbihis.

"Kaya ko napo ito. Magaling na ang sugat ko oh!" pagsasabi ni Zia na ipinapakita pa ang sugatnito.

"Hayaan niyo napo ako, maliit lang naman na bagay ito." pagsasabi ni Marta

Napangiti nalang si Zia dahil alam niyang hindi siya mananalo kay aling Marta. Bigla niyangnaalala na tanungin si Marta tungkol sa pagbangon ng maaga ni Pierce tuwing umaga.

"Ah Manang! Tuwing umaga po ba may ginagawa si Pierce." pagtatanong ni Zia na umaasang may matibay na rason kung bakit ganoon ang asawa

"Bakit po? May problema ba?"walang malay naman na sagot ni Marta

"Wala naman. Tuwing magigising kasi ako laging wala na siya sa tabi ko."

Napangiti si Marta sa narinig. "Madam, may I ask something?"

"Yeah sure! Ano yun?"

"May nangyari na po ba sa inyo?" direktang tanong ni Marta na ikinagulat naman ni Zia

Bigla namula si Zia sa narinig. "Huh? Ano kasi!"

"Nakalimutan niyo po ba na lalaki si Master Lee?" pagsasabi habang tuloy-tuloy lang ang pag-aasikaso sa kaniya. "Ang totoo hindi po siya masyadongnakakatulog dahil siguro mayroong kung ano saloob niya na nagiging dahilan para hindi siya makatulog ng mahimbing."

Doon lang napagtanto ni Zia ang kakulangan sa pagsasama nila na hindi man lang niya napapansin at naisip niya na tama si Marta dahil kahit halik ay hindi nila madalas na nagagawa.

"Pero paano ba mangyayari yun? Eh hindi naman siya nag-aattempt"

"Baka po may hinihintay na go signal." tuloy-tuloy pa din ang pag-aasikaso sa kanya na sa ngayon ay sinusuklayan naman ang kaniyang buhok.

"Go signal?"

"Opo! Minsan kapag masyadong pinapahalagahan ng lalaki ang babae hindi niya iyon basta basta gagawin ng walang pahintulot ng babae."

"So ako ang mauuna? Paano ko naman gagawin yun?"

"You will know when the time comes." nakangiting sabi ni Marta at pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto.

Nanatili naman si Zia sa kwarto na hindi na naalis ang pag-iisip tungkol sa 'go signal'. Maya maya ay tinawag na siya ni Marta para kumain ng hapunan at doon lang siya muling lumabas ng kwarto. Naabutan naman niyang nakaupo na sa may lamesa si Pierce at hinihintay siyangumupo para sabay silang kumain. Tulad ng dati madaming pagkaing nakahain sa lamesa. Nang magsimula silang kumain ay nanatiling tahimik si Zia dahil sa patuloy pa din ang kanyang pag-iisip tungkol sa sinabi ni Marta. Napansin naman ito ni Pierce kaya tinanong nito siya.

One Great LoveWhere stories live. Discover now