Chapter 9

28 1 0
                                    


Kinaumagahan nagising si Zia ng 6:30 ng umaga. Agad na pumunta si Zia sa bathroom para mag-ayos ng sarili sa pag-aakalang makikita niya si Pierce sa labas. Sinigurado niyang maayos siya bago lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang lumabas sa kwarto at maiingat na nagmamasid sa paligid. Nasaan kaya si Pierce. Sinalubong naman siya ni Marta nang makita na siyang gising.

"Good morning madam!" bati nito sa kanya.

"Good morning!" Bati niya habang palinga-linga sa paligid.

"Gusto niyo na po bang mag-breakfast?"

"Ah, Hindi! Maya-maya na siguro."

"Sige po. Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo."

Akmang aalis na ito ngunit pinigil ni Zia.

"Ah Marta!"

"Po!"

"Si Pierce ba nakita mo?"

"Hindi po madam. Hindi pa po umuuwi si master."

"Ah ganun ba? Sige salamat."

Umalis na ang maid pagkatapos niyang kausapin. Nalungkot naman na naiwan si Zia. Hindi niya malaman kung bakit hindi pa umuuwi ang asawa, hindi niya din alam kung nasaan ito at kung anong ginagawa. Bakit kaya hindi pa siya umuuwi, hindi niya din ako tinatawagan. Pero yung ibang mga bodyguard niya nandito naman. Nakakainis! buti pa 'tong mga 'to alam kung anong ginagawa ng amo, hindi naman mga magsasalita kapag tinatanong ko. Buong pagmamaktol ng isip ni Zia hanggang sa kinuha niya muli ang cellphone at muling tinawagan ang mga kaibigan. Tulad kahapon nagpaalam muna siya sa bodyguard para ipaalam kay Pierce, at tulad kahapon yun lang din ang sinabi sa kanya.

"He said you can, but be back to the house at 7 pm."

Ayos ha, parang recording lang. "Did he say anything? Like asking where will i go?"

"Nothing madam!"

"Will he come back by 7?"

Hindi na muling nagsalita pa ang bodguard kaya umalis na siya at nagbasta na para umalis.

Buong maghapon naman nagliwaliw si Zia kasama ang mga kaibigan. Pero sinigurado niya na bago mag 7pm ay makakauwi siya. 6:45pm ng dumating siya sa bahay. Excited na hinanap si Pierce ngunit gaya kahapon ay wala pa din ito. Muling nadismaya si Zia sa pangalawang pagkakataon. Hanggang sa nakatulog at gumising ng wala pa din ang asawa.

Panibagong araw na naman ang dumating ngunit wala pa din si Pierce. Naisipan naman ni Zia na bumisita sa kanila. At muli nagpaalam siya sa bodyguard at ganoon ulit ang pagkasabi.

"Be back at 7 pm"

Wala ng nagawa si Zia kundi ang wag nang magtanong dahil wala naman siyang makukuhang sagot. Masyadong tapat ang bodyguard na 'to. Kaya siguro siya ang naiwan dito. Pagsasabi na lang ni Zia.

Pagdating naman niya sa bahay ay naabutan niya ang kaniyang ama't-ina na nag-uusap sa hardin. Dun niya lang napagtanto na na-miss niya ang mga magulang. Lumapit siya dito at habang papalapit ay nakita niya na nagtatawanan at naglalambingan pa din ito kahit na matatanda na. Doon niya naisip, mabuti pa ang mga magulang ko sweet pa din kahit matagal na silang nagsasama. Di nagtagal nakita siya ng kaniyang mga magulang.

"Zia! Hindi ka nagpasabi na dadating ka, kasama mo ba si Pierce?." tuwang-tuwa na pagbati ng ina.

"Biglaan lang po kasi, ako lang po mag-isa, medyo busy po kasi si Pierce."

"Kamusta ka naman anak? Hindi ka ba nahihirapan sa bago mong pamumuhay bilang may asawa?" tanong ng ina.

"Okay lang naman po, parang wala din naman akong asawa."

One Great LoveWhere stories live. Discover now