Chapter 8

33 2 0
                                        


Kinaumagahan ay hindi na ulit naabutan ni Zia ang asawa sa tabi niya katulad kahapon paggising niya sa kanilang bahay. Bigla niyang naalala ang nangyari kahapon ng umaga, noong bumaba siya na ang suot ay ang damit ng asawa, kaya tinignan niyang mabuti ang kanyang katawan upang siguraduhing walang anumang bagay na nakasuot sa kaniya na pag-aari ng asawa bago tuluyang bumaba. Teka bakit naman ako mag-aalala? eh may mga damit naman na ako na sa akin. Biglang naisip niya. Saka bumaba para hanapin ang asawa. Sinalubong naman siya ni Marta nang makita siya.

"Good morning madam!"

"Good morning po! nasan po si Pierce?"

"Umalis po siya, may business po ata. May kailangan po ba kayo?"

"W-wala naman po, salamat."

Muli siyang bumalik sa kwarto at kinuha ang kanyang cellphone na hindi niya naman talaga madalas gamitin, dahil sa wala siyang magawa ay tinawagan niya ang isa sa kaibigan niya na si Carla para mangamusta.

"Hey girl. Kamusta ang bagong kasal?" sagot ni Carla sa kabilang linya ng sagutin ang cellphone nito.

"Ok lang naman, eto nabo-boring."

"Bakit wala ba ang asawa mo?"

"Wala umalis. Hindi ko alam kung saan nagpunta kaya eto nag-iisa ako ngayon dito."

"Nag-iisa talaga?."

"Well, technically madami kami dito, mga maids and bodyguards."

"But you feel alone because your husband is not with you. Hahaha! I think you're finally in love, and luckily you are in love with your husband."

"Ha! Sira! Ano naman ika-iinlove ko dun, parang bato 'yun, ni hindi nga ako madalas tinitignan 'nun. Tignan mo ngayon bigla na lang umalis ng walang paalam. Diba nga, nagpakasal lang yun para lubayan siya ng ama niya."

"Well, na-mimiss mo siya diba? Kaya mo nga ako tinawagan eh! Nabo-boring ka kasi feeling mo nag-iisa ka, pero simula nung umuwi kayo dyan sa bago nyong bahay ay ni hindi mo man lang magawang magtext dahil kasama mo siya. Aminin mo na girl, wala namang masama. Totoong asawa mo naman 'yun, kahit pa sabihin na hindi naman kayo ikinasal ng dahil sa love, malay mo ngayon may mamuo na, may nangyari na ba sa inyo?"

"Ha?! Alam mo ikaw kung anu-ano na pumapasok sa isip mo. Ay naku, bahala ka na nga!"

"Hahaha! Okay fine! Anyway gusto mo bang mag-relax, mag-pole tayo, tatawagan ko sila."

"Hindi ko alam, hindi ako pwedeng basta-basta umalis eh!"

"Edi magpaalam ka. Sabihin mo lalabas ka lang kasama ng friends mo."

"Wala nga diba?"

"Edi tawagan mo."

"Hindi ko alam number niya."

"What? Ano ba yan!"

"Pero try ko sa bodyguard niya na naiwan dito."

"Mas alam pa talaga ng bodyguard kesa sayo ha! Hay naku ang kawawa kong friend mukhang one sided love lang ang mapapala."

"Tumigil ka na nga. Sige na, tatawag ako ulit." Pagkasabi ay agad na ibinaba ni Zia ang cellphone. Biglang napaisip, One-sided love, hindi ako in-love dun noh! Pero pano kung ganun nga. Ah basta, walang dahilan para ma-inlove ako kay Pierce, we are nothing but an arranged marriage couple. Tumungo naman si Zia sa isa sa mga bodyguard nito at tinanong ang number niya.

One Great LoveWhere stories live. Discover now