Chapter 10

32 1 0
                                        

Nagising si Zia na masakit ang ulo dala marahil ng hang-over. Inisip niya kung ano ang mga nangyari kagabi at nang maalala niya ay laking pagkahiya ang naramdaman niya. Anong ginawa ko? Ano ba yan, pagmamaktol ng isip niya. Nang mapatingin siya sa kaniyang damit ay napansin niya na iba na ito. Hindi na niya nalaman kung anong nangyari pagkatapos nilang mag-usap ni Pierce, basta ang alam niya ay nakatulog siya na umiiyak. Bumangon siya sa kama at tulad ng dati ay wala doon si Pierce sa tabi niya. Gaya ng nakaugalian niya, nag-ayos muna siya ng sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto, paglabas niya ay nakita niya si Pierce na nagbabasa ng mga dokumento, dahan dahan siyang lumapit dito na parang wala lang para hindi nito mahalata na nahihiya siya na nangyari sa kaniya kagabi.

Binati naman siya nito ng maramdaman siyang papalapit. "You're awake."

Hindi sana niya papansinin ng mabaling ang mata niya sa mga kamay ni Pierce, nakatali ng tela ang mga kamay nito magkabila sa may bandang punong buto ng mga daliri na halos may mantsa pa ng dugo.

"Anong nangyari dito sa kamay mo?" bigla niyang tanong na hindi napansin na hinawakan na niya ang kamay ng asawa.

"It's nothing! Don't mind it." pagbawi naman ng kamay nito.

"Anong it's nothing. Eh mukhang malaking sugat 'to, dalawang kamay pa."

"I said don't mind it." pagmamatigas ni Pierce

"Will you please stay still? Marta! Pwede po bang paki-abot yung first aid kit." pagpupumilit ni Zia.

Hindi na umimik pa si Pierce at hinayaan na lang na gamutin ni Zia ang sugat niya. Maingat naman na ginamot ni Zia ang mga sugat ni Pierce hanggang sa mabendahan ito ng maayos.

"about last night..." sabi ni Pierce na biglang pinutol ni Zia ang sasabihin

"It's my fault, Hindi ko dapat ginawa yun kagabi." walang emosyong sinabi ni Zia

"I'm sorry!" maikling sabi ni Pierce

Natigilan naman si Zia. Totoo ba 'to, si Pierce nagso-sorry sakin. Sabi ng isip niya habang hindi niya napapansin na nakatingin na siya ng matagal sa asawa. Ito ang unang beses na narinig niyang nag-sorry ito, at sorry na ramdam mo ang taos pusong paghingi ng tawad. Nang makita siya ni Pierce na nakatitig ay agad ulit itong nagsalita.

"L-later we will meet my Ardon brothers. Is that okay with you?"

"Okay." walang emosyong nasabi ni Zia na nawala na ng tuluyan sa nangyayari, dahil hindi pa din nito inaalis ang tingin sa asawa. Doon niya napagmasdan na medyo haggard ang itsura nito, mukhang hindi nakakatulog ng maayos pero kahit na ganoon ay napakagwapo pa din nito.

"Okay.. now let's have some breakfast." pag-aaya ni Pierce para maalis na sa kaniya ang tingin ng asawa.

Pagtayo ni Pierce ay saka nakabalik si Zia sa katinuan at inayos ang sarili saka sumunod sa kusina para kumain. Hindi na sila muli pang nag-usap habang kumakain, pasulyap-sulyap na lang ito sa asawa at doon napag-isip isip niya. Mukhang madami talaga 'tong ginagawa ngayon, mukhang laging puyat sa trabaho. Pero in fairness, gwapo pa din. Bulong ng isip niya habang kumakain, tulad ng dati si Pierce ang naunang natapos ngunit hinintay siya nito matapos kumain at sabay silang umaalis sa kusina.

Pagkatapos mag-breakfast ay nag-ayos na sila para umalis, Si Pierce ay sa guest room naligo at nag stay para mag-ayos ng sarili. Si Zia naman ay nasa kwarto nila at doon naligo at nagbihis. Hanggang sa natapos silang parehas at umalis kasama ang mga body guard.

One Great LoveWhere stories live. Discover now