Chapter 11

39 1 0
                                        

Panay ang kwentuhan ng mga magkakaibigang lalaki. Tahimik namang nakikinig silang mga babae habang nakaupo sa mga tabi ng mga lalaking asawa, ngunit paminsan-minsan ay nakikisabat din sila sa usapan. Doon nalaman ni Zia na sa Ardon brothers ay may tinatawag na best 5 ito yung mga taong pinakamahusay sa pakikipaglaban at sila iyong lima. Kaya sila ay mga naging magkakaibigan ng nagtagal. Nalaman din ni Zia na ang asawa ni Trevor at Victor ay kapwa nila mga Ardon at doon na din nabuo ang mga love story nila. Natutuwa si Zia habang nakikinig ng love story ng mga couple Ardon at hindi niya akalaing mag-eenjoy siya sa pakikipag-usap niya sa mga ito. Funny, naughty, deadly kung mag-usap pero makikita ang pagmamahal nila sa isa't-isa.

"How about you Zia, how did you meet Pierce, and how did you end up in marriage?" Tanong ng asawa ni Trevor.

"Actually, there was no special reason." Nahihiyang sabi ni Zia

"No way! Pierce would never get married without a special reason."

"It's just because I am a daughter of Ardon. That was the only reason I know." Mahinang pagkakasabi niya habang seryosong nakatingin lang si Pierce sa kaniya.

Nanatiling tahimik ang lahat ng may biglang pumasok sa loob ng kwarto.

"Maybe I am the reason." Biglang nagulat ang lahat sa magandang babaeng nagsalita na kapapasok lang sa room nila.

"Hi Zia, my name is Sophia. I am also an Ardon." Pagmamalaki nitong sabi

"What are you doing here?" Tanong naman ni Pierce sa babae

"Relax, I'm not doing anything. I just want to meet your wife." pagbaling ng babae kay Pierce

Hindi naman muli pang tinignan ni Pierce ang babae at nanatiling lang itong seryoso.

Sino ba tong babaeng ito? At bakit gusto niya akong makilala. Tanong na gumugulo sa isip niya.

"I dont know how you find us here but this is not your place Sophie so will you please get out." Sabi naman ni Victor

Parang wala naman narinig ang babae at lumapit pa kay Pierce saka nagsabi, "I miss you."

Naguluhan si Zia sa nangyayari pero sa pagkakasabi ng babae kay Pierce ay halatang may nakaraan ito. Lalo siyang nag-isip ng tawagin ni Pierce ang bodyguard at sinabihan na ilabas si Zia sa room, seryosong-seryoso si Pierce at mukhang galit ito, kaya walang nagawa si Zia kung hindi ang sumunod.

Dumiretso sa parking area sila Zia at pumasok na siya sa kotse para maghintay, pagpasok ay madaming tumatakbo sa isip ni Zia. Sino si sophia? Bakit ako ang pinalabas ni Pierce? Ano na kaya ang ginawa nila sa loob?

Maya-maya ay kumatok ang bodyguard na si be back at 7 sa bintana ng kotse. Binuksan ni Zia ang bintana ng kotse at tumingin na parang nagtatanong si Zia.

"Madam, did ms. Sophia scares you?" Tanong sa kaniya ng bodyguard.

"No, she doesn't scares me, she's just... confusing me. Who is that girl? Did you know her?" balik naman na tanong ni Zia

" I'm sorry madam, but I can't say anything without my master's permission." Paliwanag nito sa kaniya

"I ought to know that."

Yumuko na ito upang magpaalam at muling sinarado na ni Zia ang binata ng kotse. Malungkot na na naiwan ulit si Zia. Pagkalipas ng 20 minuto ay dumating na si Pierce na ikinagulat ni Zia.

Dire-diretsong pumasok ito ng pinto saka umupo, nakatingin naman si Zia sa kaniya na nagtataka kung bakit tapos na ito sa meeting nila ng mga kaibigan.

"Tapos na agad?"

"Yes!"

"That's it? You know what kung ako lang ang iniisip mo ok lang naman. Pwede akong umuwi kung gusto mo. You can stay!" Pagkukumbinsi ni Zia sa asawa

"Let's go!" Utos ni Pierce sa driver ng hindi hinaharap si Zia na parang walang narinig.

Bumyahe na pauwi sila Zia at Pierce, tahimik lang na bumyahe ang sila Pierce at Zia. Dahil sa katahimikan lalong hindi maiwasan ni Zia kung ano ba talaga ang meron sa kanila ni Sophia at Pierce. Hindi ito mapakali hanggang sa makauwi sila bahay. Pagpasok sa bahay ay agad na tumuloy si Pierce sa kwarto nila para magpalit ng damit. Sinundan naman ito ni Zia para magpalit din ng damit at para tanungin na din ang asawa kung sino ba talaga siya. Pagpasok sa kwarto hindi na natiis ni Zia na magtanong.

"Can I ask you a question? Alam ko na dapat hindi ako nagtatanong pero kasi..! Naputol ang sasabihin niya ng makita ang asawa na walang damit pantaas, nawala sa isip niya na magpapalit nga pala ito ng damit.

"What?" normal na tanong naman ni Pierce na parang hindi nagulat sa biglang pagpasok ni Zia.

"Ah ano kasi.." Huminga si Zia ng malalim saka nagsalita. "...sino si Sophia? Anong meron sa inyo?"

"Why do you ask? Does she bother you?"

"No, it's not that."

"Then what?" Habang itinuloy na ang pagsuot ang damit

"Ano sa tingin mo? Pinaalis mo ko kanina tapos siya pinag-stay mo tapos wala ka man lang sinasabi hanggang ngayon na parang walang nangyari."

Ngiti lang ang sinagot ni Pierce sa asawa habang nakatayo lang ito at nakatingin lang sa kanya kaya lalong nainis ni Zia.

"Ano wala kang sasabihin? Ganyan lang. Gusto ko lang malaman kung dapat pa ba tayong magsama o hindi na." Inis na inis na sabi ni Zia

Nang hindi pa din nagsasalita si Pierce lalo namang uminit ang ulo ni Zia.

"Fine, let's end it! You must like her right? Then be with her!"

Paalis na si Zia ng mabilis siyang niyakap sa likod ni Pierce at ibinaba nito ang baba sa balikat niya na halos magdikit na ang mga pisngi nila na ikinagulat ni Zia. "Can't you trust me?"

Natigilan si Zia sa pagkakayakap ni Pierce. Hindi siya halos makapagsalita dahil sa bilis ng takbo ng puso niya, ngayon lang siya nito niyakap at damang-dama niya ang muscles nito.

"Sophia was nothing. Don't let her fool you." Sobrang lambing na pagkakasabi ni Pierce na agad ikinagaan ng damdamin ni Zia.

"Bakit ang tagal mong magsalita. Hinintay mo pa ko talaga mainis eh noh." pagsasabi ni Zia habang nakayakap pa din ang asawa.

"I'm sorry I can't help it. I really enjoyed your jealousy. E-except the fact of getting divorce." nangigiting sagot ni Pierce na walang balak bumitaw sa pagkakayakap.

"Ah ganun? Ewan ko sayo, bahala ka diyan!" Siya na ang kumalas sa pagkakayakap ni Pierce at tuluyan ng lumabas ng kwarto, dahil konti na lang maiisip na nito na gusto siya ng asawa. 

Masaya siyang namumula pa ang mga pisngi, ngunit hindi din niya maiwasan ang maguluhan sa ginagawa ng asawa. Hindi niya malaman kung ano talaga ang nararamdaman nito sa kanya. Ang tanging alam lang niya ay ang mga sinabi nito kagabi. "I don't like you! Always remember that!"

One Great LoveWhere stories live. Discover now