Chapter 12

37 2 0
                                    

Isang bagong araw na naman ang nagdaan at paggising ni Zia ay wala na naman si Pierce. Hindi na siya muli pang nagtanong sa mga bodyguard nito dahil malamang ay hindi naman ito mga sasagot. Ang iniisip na lang ni Zia ay nasa trabaho ito at hindi pwedeng gambalain, hihintayin niya na lang ang pag-uwi nito, kung kailan man 'yun, walang nakakaalam. 

Pumunta si Zia sa hardin at doon nagpalipas ng ilang oras. Payapang-payapa ang pakiramdam ni Zia habang nagpapahinga sa may hardin ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Hindi ito naka-register sa phone niya kaya hindi niya ito agad ng sinagot, pero nang maisip na baka si Pierce ang tumatawag at baka ngayon ay gusto na nitong dumirektang kausapin siya ay doon lang niya napagdesisyonan na sagutin ang tawag.

"Hello?" isang mahinang pagsagot ni Zia sa cellphone.

"Is this Ms. Zia, the wife of Mr. Pierce Lee." isang lalaki ang nagsalita sa kabilang linya

Nagulat si Zia na hindi asawa ang tumatawag pero dahil kilala nito siya at ang kanyang asawa ay patuloy niya itong kinausap. "Yes! Who's this?"

"Listen carefully Mrs. Lee, your husband is with us right now, and later he will die in my master's hand.."

Pagkasabi ng lalaki ay hindi na mawari ni Zia kung ano ang kanyang naramdaman. Patuloy lang siyang nakining sa sinasabi ng lalaki.

"..but because he knows what will going to happen, he ask my master's permission to see you for the last time so he requested him for you to come."

"That is impossible." mahinang sabi ni Zia na sa ngayon ay nakaramdam na ng panginginig ang kanyang buong katawan. 

"Look Ms. Zia, Mr. Lee is someone who has a lot of enemies. One of them is my master and without Mr. Lee's first bodyguard he has no match for my master." dire-diretso namang sabi ng lalaking kausap.

Si be back at 7, naalala niya na nandun nga sa bahay ang first bodyguard ng asawa.

"Actually I don't know why my master allows this shit of granting his request, we just have to kill the guy, and I think you don't want to come. Okay then I will tell them you will never come." pagkasabi ay waring ibababa na ang cellphone ng nasa kabilang linya.

"Wait!" kinakabahan namang sabi ni Zia na biglang nakaramdam ng ibang takot. Hindi na siya nakapag-isip ng matino, ang tanging naiisip na lang niya ay ang puntahan ang asawa.

"What? Do you want to confirm it? Go ahead and try, then you will never see your husband alive." isang pagbabanta na sabi ng nasa kabilang linya.

"No! Please don't! I will come, where are you exactly?" nanginginig na tanong ni Zia

"I will text the address. Make sure you don't have anyone with you. I have a lot of eyes, if ever that I suspect someone, you know what would happen to your husband."

"Yes! I understand!" pagsang-ayon niya sa kausap.

Nag-isip naman si Zia kung paano siya makakatakas sa bodyguard nito na hindi siya mapapansin. Hanggang sa naisip niya na tumalon na lang sa bakod ng hardin para hindi siya mapansin nito. Iyon nga ang nabuo niyang plano, dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng bahay para kumuha ng pera dahil hindi niya pwedeng dalhin ang kotse, pagkakuha niya ng pera sa kwarto ay dali-dali siyang bumalik sa hardin at doon inakyat niya ang bakod saka tuluyang umalis.

Nakarating si Zia sa isang abandonadong building sa loob ng isang liblib na lugar sa Bagiuo. Tinawagan siyang muli ng caller pagdating niya sa lugar at pinapasok siya sa loob ng building. Dahil sa pag-aalala ni Zia sa asawa ay dali-dali itong naglakad ng patakbo kung saan mismo niya matatagpuan si Pierce. Pagdating sa harap ng pintuan sa isang kwarto sa loob ng building ay huminga muna siya ng malalim saka tuluyang pumasok. Madaming tao sa loob nito na mga nakaitim na polo, mga mukhang bodyguard na ubod ng sasama. Hinanap niya si Pierce ngunit hindi niya ito makita.

"Welcome!" isang lalaki ang nagsalita na nagpabaling sa tingin ni Zia. Iyon ang tinig ng kausap niya sa cellphone kani-kanina lang.

"Who are you? And where is my husband?" pagmamatapang na tanong ni Zia

"Ha-ha-ha! I really didn't think that you will fall from my tricks."

"What?" nagtatakang sabi ni Zia.

"Your husband was not here, but don't worry, later he will."

"So this is all lies?"

"Bingo!"

Ang kabadong si Zia ay biglang nakahinga ng marinig na wala doon ang asawa hindi na niya alintana ang isiping nandoon siya sa kuta ng mga hindi kilalang tao. Tanging ang naisip lang niya ay ligtas ang asawa at hindi totoong nasa panganib ito.

"We just brought you here to capture your husband." Kasunod na sinabi ng lalaki na nagpatawa kay Zia

"Hahaha! What makes you think that? Because I'm his wife?!"

"Because I have someone he really treasure." direktang sagot ng lalaki.

"Really? We'll I'm sorry to say that you are just wasting your time. He didn't like me. He didn't care for me at all. We are just married for some reasons."

"You are one brave girl, but not so emotionally intelligent." lumapit sa kaniya ang lalaki at saka tinawag ang isa nitong bodyguard para kunin ang cellphone na ginamit din pantawag sa kaniya.

Nag-dial ito at ni-loudspeaker ang phone. Narinig ni Zia ang lalaki na sumagot sa kabilang linya, at nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang boses ng nagsalita.

"Hello!"

"Mr. Lee, remember me? Your best enemy."

Tumagal ng limang segundo bago muling magsalita si Pierce "What do you want?"

"I wanted to give you a gift. It's my wedding gift, and I hope It's not too late."

"What makes you think that I would be interested to your gift?"

Biglang inilapit ng lalaki ang cellphone sa bibig ni Zia saka nagsabi. "Say something!"

Hindi naman agad nagsalita si Zia kaya nainis ang lalaki kaya hinampas siya nito sa mukha saka muling ibinalik ang cellphone malapit sa bibig niya. Sa kabilang linya naman ay rinig na rinig ni Pierce ang lakas ng pagkakahampas ng kausap kaya natigilan ito. 

"I told you to say something, so we can know if he cares for you." 

Sa pagkakasabi ng lalaki ay biglang nakaramdam ng kaba si Pierce.

"Hindi mo kailangan pumunta, huwag mong sundin ang gusto ng baliw na to."

Pagkarinig ni Pierce ay parang binuhusan ito ng malamig ng tubig, biglang nanginig ang mga laman nito sa kaba at hindi naka-imik. Hindi siya maaring magkamali, si Zia ang nagsalita.

"Hey! English!" Biglang sabi ng lalaki nang hindi maintindihan ang sinabi ni Zia.

"I told you, he will never come." baling naman ni Zia sa lalaking kausap. 

Pagkatapos naman magsalita ni Zia ay muli na nitong kinausap si Pierce.

"Hear that?" nang-iinis na sabi ng lalaki kay Pierce.

Si Pierce na kaninang walang emosyon sa kausap ay biglang nag-apoy na sa galit.

"What did you do?" tanong nito sa lalaki

"Now? Nothing! But I don't know what I could do later." lalong ininis ng lalaki si Pierce

"Don't you dare touch her!" galit na galit na sabi ni Pierce

"Don't worry. I will take good care of her. Just don't make me wait too long, so I will not get bored to do something stupid. Ha-ha-ha!" pagkatawa ay agad ibinaba ng lalaki ang phone saka ibinigay sa isa pang lalaki na mukhang bodyguard nito. "Text him the address." pagkasabi ay muli itong bumaling kay Zia. 

"So that's what you called married for some reasons. What's that again? He didn't care for you?" napatatawang lalaki habang binigyan pa ng nakakainis na ngiti si Zia. 

Si Zia naman ay naguguluhan na sa nangyayari, hindi niya iyon inaasahan. No! This can't be happening. Bulong ng isip niya. Hindi na siya muli pang nakakibo dahil sa hindi malaman na labis-labis na pag-aalalang nararamdaman niya, hindi para sa sarili kundi para sa asawa.

  "Tie her, so she can be ready when her husband arrives!" 


One Great LoveWhere stories live. Discover now