Chapter 4

55 3 0
                                        


Lumabas na nang conversion room sila Pierce at Zia. Pumayag na din si Zia sa pagpapakasal dahil alam niya na wala naman siyang magagawa at kung magpupumilit pa siya ay baka may mapahamak pa. Talaga namang ikakasal na ko, sa ibang tao nga lang. Ang mga magulang naman nila Pierce at Zia ay nagkasundo na din sa kasal nila, na para bang simple lang itong pag-usapan. Sa loob ng isang buwan ay ikakasal na sila agad. Planado ang lahat na akala mo ay matagal na itong pinagplanuhan. Doon niya nakita na talagang mga bigatin ang mga taong ito dahil sa bilis at walang kahirap-hirap na preparation sa kasal nila.

Isang lingo ang nakalipas bago ulit pumunta si Pierce sa bahay nila Zia. Dahil sa pagiging busy nito sa business kaya hindi siya madalas na nakakapunta sa kanila at ang sanhi ng pagpunta nito ay upang ipaalam ang pag-uwi nito sa bansa nila. Isang Korean si Pierce kaya rin hindi ito masyadong nagtatagalog dahil sa business na umaabot sa iba't-ibang lugar katulad ng Pilipinas kaya natuto itong makaintindi ng Filipino language ngunit minsan ay hirap pa din siyang magsalita nito hindi kagaya ng English na halos sanay na siya.

Noong araw din na iyon ay nasa hardin si Zia at doon siya pinuntahan ni Pierce upang magpaalam. Naabutan ni Pierce na naglalakad sa may hardin ang dalaga. Suot ang puting bistida na may print na mga bulaklak. Nakaladlad ang mahabang kulot na buhok nito na hinahangin habang naglalakad. Kitang-kita ang angking kagandahan ng dalaga dahil sa simple nitong ayos. Nilapitan niya ito ng nakangiti nang nakita siya na dumating.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I just want to see you before I go back to Korea."

"You don't have to do that."

"But I want to."

Gentleman si Pierce ngunit nandun din ang pagiging deadly at nakakatakot sa personality niya. Siguro dahil sa business na ginagawa nila kaya napagpasyahan ni Zia na huwag nang makialam sa kung anuman ang ginagawa o gagawin ng mapapangasawa.

"Alam ko namang marami kang ginagawa. Isa pa, we're just a couple by our parents, and names, not by ourselves. Don't worry, I won't ask for anything or try myself to be included in your personal life."

"Couple? What do you mean by that?" biglang sabat ng lalaking hindi nila namalayan na nakalapit na pala sa kanila.

"Harvey?" nabiglang sabi ni Zia

"Who is this guy?" tanong ni Harvey kay Zia

"I am his future husband?" buong loob na sabi ni Pierce sa lalaki na alam na niya kung sino.

"I am his fiance." sabi naman ni Harvey na medyo mainit na ang ulo.

"Not anymore." nangingiting sabi ni Pierce

"Please! Pierce, umalis ka na muna." Pakiusap ni Zia na noo'y nasa pagitan na ng dalawang lalaki.

Tumalikod na si Pierce upang pagbigyan ang pakiusap ni Zia ng pigilan siya ni Harvey.

"Sandali, anong akala mo bigla mo na lang makukuha ang babaeng minamahal ko? Sino ka ba sa akala mo?"

Humarap si Pierce. "You don't have no Idea who am I." seryosong sabi ni Pierce na lalong ikinainit ng ulo nito.

"Aba sira ulo ka pala eh!" tuluyan ng nasuntok ni Harvey si Pierce sa mukha. Agad naman nakasuntok pabalik si Pierce na halos hindi nakita ni Zia sa sobrang bilis ng pangyayari.

"Tama na yan." Sigaw ni Zia. Ngunit parehas ng hindi nakikinig ang dalawang lalaki. Parehos na ayaw magpatalo sa isa't-isa kaya naisip na lang ni Zia na yakapin ang isa sa kanila at nang nagkaroon ng pagkakataon ay agad na gumitna si Zia at niyakap ang isa sa lalaki.

One Great LoveWhere stories live. Discover now