Chapter 2

72 6 0
                                    

Akma ng tatawag ang binata ng bodyguard na naramdaman naman ng dalaga kaya biglang nagsalita si Zia na noo'y nakaupo pa din at nakayuko ang mukha. "Wait! nakakahiya man pero pwede bang magkunwari ka na hindi mo ko nakikita." pakiusap ng dalaga.

"And why do you think I'll do that. Are you spying or something?" tanong ng lalaki

"Spy? hindi noh!" Sino ba 'tong ingles ng ingles na 'to, pero mukhang naiintindihan naman niya ko eh! Siguro isa to sa bodyguard ng kausap ni papa. "For your information, that man who is talking with your boss is my father, so why do I have to spy on my father." pagmamatapang na sagot ni Zia sa lalaki habang nakayuko pa din. Pagkarinig ng sinabi ng babae ay agad namang tumingin sa lugar ng dalawang nag-uusap ang lalaki na ngayon ay nagkukunwari ng hindi siya nakikita at nakakausap. "Ano... kassi... Ah basta, ngayon lang wag mo na kong ibuking, malalagot ako niyan sa tatay ko. Please! Wala naman akong masamang intension." pagkukumbinsi niya sa lalaki.

Napangiti ang lalaki at muling nagsalita. "Then what would I get? Can I ask a favor of you?"

"Ha?!"

"What, Can't you do it?" tinignan siya ulit nito at umupo na lalong nagpakaba sa dibdib ni Zia kaya napapikit sa kaba ang dalaga.

"Sige, payag ako, ano bang favor mo?" pagsabi niya habang nakayuko pa din at nakapikit.

Napangiti naman ang lalaki at tumayo na ulit na nakatanaw sa lugar ng pag-uusap ng mga lalaki na sa ngayon ay wala na doon. "they're gone." Napadilat si Zia at tinignan kung talagang nakaalis na ang ama. Tama ang sinabi ng lalaki, wala na nga ang kausap ng kaniyang ama.

"Hay salamat!" Agad namang natauhan si Zia at tumayo ng may pagmamalaki sa kausap saka itinaas ang ulo na nagpahagis sa buhok nitong nakapagtago sa mukha niya kaya ng inangat nito ang ulo niya ay doon pa lang nakita ng lalaki ang kaniyang mukha, napatigil ang lalaki ng sandali na nakatingin lang sa kanyang mukha kaya siya na ang naunang nagsalita. "Basta ha! Wala kang nakita." akmang paalis na si Zia ng nagsalita muli ang lalaki.

"Wait, aren't you forgetting something? What about my favor?"

"Fine, what is it?" kinakabahang tanong ni Zia

"Give me your name!"

Hindi iniexpect ni Zia ang hinihinging favor ng lalaki. Pangalan ko lang pala ang gusto nito, pinakaba pa ko. "I am Zia, Zia Gibson. Ok na ba"

"And what is the meaning behind your name, Zia."

Meaning? at bakit naman niya gugustohing malaman yun'. Bahala na nga, basta wag lang akong isumbong nitong mokong na to. "Fearless"

"Fearless? I think your name doesn't suit you. You seemed nervous a short while ago!"

"Magkaiba ang natatakot sa rumirespeto. I just don't like to insult my dad in front of his special visitor."

Tinitigan lang ng lalaki si Zia saka muling nagsalita. "Well Zia my name is Pierce Lee, Pierce means strong as a stone. I want you to remember that."

Anu bang pinagsasabi nito. "Is that it?"

Nakangiti si Pierce kay Zia at hindi na ito muli pang nagsalita at tuluyan ng umalis. Naiwan namang blanko ang pag-iisip ni Zia sa nangyari. Maya maya naisipan na nitong bumalik sa loob ng bahay nila. Noong panahon na 'yon ay wala na ang bisita ng kaniyang ama ngunit mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. Sinubukan niyang tanungin ang kaniyang ina ngunit wala itong sinabi at iniba na lang ang usapan. Nagtungo na lang sa kanyang kwarto si Zia at napatulala. Iniisip niya kung sino ang taong kausap ng ama kani-kanila lang at parang ang laki ng impact nito sa kaniyang ama. Sana wala lang yun. Bulong ng isip niya. Hanggang sa mapunta ang isip niya sa lalaking nakakita sa kaniya sa hardin. Gwapo ang lalaki at hindi nakakasawang titigan, lalo na nung naalala niyang ngumiti ito sa kaniya, at napangiti siya ng hindi niya namamalayan. Hala ano 'to? Bakit ko ba siya naiisip. Gumising ka nga Zia. Anu ka ba?

"Maam tawag na po kayo sa baba para maghapunan." tawag ng isa nilang katulong

"Sige po, manang." Tugon niya at saka naghanda para bumaba.


Ring.... ring..... ring....Isang tawag ang nagpagising kay Zia.

"Hello" sagot ni Zia.

"Good morning! How's my fiancé?" tanong ni Harvey.

"Harvey, bakit ka napatawag?"

"Im just checking you out, don't you miss me? Malapit na kong umuwi galing Baguio." Nasa business meeting kasi ito na ginanap sa Baguio. "May gusto ka bang pasalubong?"

"Wala naman. Ikaw na bahala!" pagsasabi naman ni Zia ng walang emosyon.

"Okay, mukhang inaantok ka pa. Sige, I will call you later."

"Bye Harvey!" at agad na ibinaba ni Zia ang phone. Ang totoo ay mahal naman niya si Harvey bilang kaibigan ngunit dahil na din sa tingin niya ay si Harvey nga siguro ang para sa kaniya tinanggap na lang niya ang pagkakasundo sa kanilang ikasal. Maswerte na ko kay Harvey, tama. Wala na akong mahihiling pa.

Bumangon na ng higaan si Zia at naligo upang maghanda sa panibagong araw. Walang plano si Zia ngayon maghapon kung hindi ang mag-stay sa kanilang bahay. Nang bumaba siya galing sa sala ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo katabi ng bisita nila kahapon at kausap ang kaniyang ama at ina. Bakit sila nandito, sinumbong ba ko ng mokong na 'to. Agad na kinabahan si Zia at napalaki ang kaniyang mga mata. Lalo na ng nagsalita ang lalaking bisita ng kaniyang ama.

"Is this your daughter?" tanong ng lalaki na animong may gustong sabihin.

Bakas naman sa mukha ng kaniyang ama ang pag-aalala lalo na ng tawagin siya nito. "Zia halika dito." Dahan dahan namang lumapit si Zia sa kanila at nagbigay galang.

"Kamusta po kayo? Ako po si Zia."

"Umupo ka hija! Kaibigan ako ng papa mo, kaya huwag kang matakot." pagpapaliwanag kay Zia

Umupo naman si Zia ng dahan-dahan habang nakayuko sa katapat na upuan ni Pierce.

"Nakilala mo pala ang anak ko kahapon" tanong uli ng lalaki.

Napatingin si Zia sa lalaki, "anak niyo?" naku patay na ko nito.

"Mukhang hindi mo pala alam. Well yes! He's my son, at nag-iisa kong anak." paliwanag na ama ni Pierce.

"Ah.. anak niyo po pala si Pierce." Hindi naman siguro ako ibinuking nito, tama hindi niya gagawin yun. Sabi niya sa isip habang ngumingiti ng pilit.

"Alam mo may nasabi sa akin itong anak ko kahapon."

"Po!" gulat na gulat na sabi Zia. Pagkatapos ay napatingin ito sa binata. Walang emosyon sa mukha at seryosong-seryoso ito na nakatingin sa kanya. Doon niya naramdaman na hindi basta-basta ang usapin na ito. Wala na akong magagawa, sige bahala na! "Kasalanan ko po, whatever the consequences I will take full responsibility." Determinadong sabi ni Zia ng nakayuko kaya hindi niya napansin ang pagkakagulat ng kaniyang ama't-ina, pati ang paghanga ng ama ng lalaki, at ang bahagyang pagkakangiti ng binata na si Pierce.

"Ha-ha-ha!. I like this lady. You are really the fearless one." Nagulat ang magulang ni Zia ng marinig ang sinabi ng ama ni Pierce. At napatingin sila kay Zia na nakayuko pa din. Habang hindi pa din nagsasalita si Pierce. "Well Akil, you heard your daughter. Let's now talk about their marriage."

"What! Marriage?!"


One Great LoveWhere stories live. Discover now