Lumipas ang hating gabi at hindi na napansin ni Zia kung anong oras siya nakatulog. Ang tanging alam niya lang ngayon ay ang kagustuhan niyang makabawi at pasayahin ang asawa ngunit hindi niya alam kung paano niya ito gagawin.
Dala marahil ng puyat sa pag-iisip at pagod ay tinanghali ng gising si Zia, pagbangon niya ay narinig niya si Pierce na may kausap kaya tumayo ito at tinignan kung sino ang kausap. Nang makita niya ang asawa ay agad itong nagulat dahil nakaluhod ito at nakayuko.
"I'm sorry, I didn't keep my promise!" paghingi ng tawad ng asawa.
Doon nakita ni Zia na ang mga magulang niya ang kausap nito. Lalapitan na sana niya ang mga ito sa pag-aakalang mapapasama ang asawa sa kanyang mga magulang, ngunit hindi na siya nakatuloy ng marinig niyang magsalita ang kaniyang ama.
"Stand up Pierce, It's not your fault. I know you did your best." pagsasabi nito kay Pierce
"Are you okay?" tanong naman ng kaniyang ina habang lumuhod na din ito para itayo ang lalaki.
Hindi naman nakaimik si Pierce habang tumatayo dahil sa nahihiya ito na hindi niya nagawang protektahan ang kaniyang asawa. Maya-maya pa ay dumating na din ang ama ni Pierce.
"Are you alright son?" maikling tanong ng kaniyang ama na puno ng pag-aalala
"Yes, father!"
"How about your wife, where is she?"
Doon lang nagpakita si Zia na kanina pa nakatayo sa gilid ng dingding
"I'm fine, you don't have to worry." sabi naman nito
Nilapitan naman siya agad ng kaniyang mga magulang.
"Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo?" tanong ng kaniyang ina habang tinitignan maigi ang kaniyang katawan
"Opo! daplis lang ito, wala kayong dapat ipag-alala."
"Next time don't be fooled again." pagsasabi naman ng kaniyang ama
"Opo!" maikling sabi lang niya
Nagstay ang kanilang mga magulang para siguraduhin ang kalagayan ng dalawa at alamin kung ano talaga ang tunay na nangyari habang kumakain sila Pierce at Zia, hanggang sa dumating si Mr. Kang na may dalang mga bagong damit ni Zia. Tulad ng bilin ni Dr. Calvin lahat ng bagong damit ni Zia ay puro offshoulders style kaya nagpalit na si Zia ng damit na tinulungan naman siya ng kaniyang ina. Maya-maya ay dumating na si Dr. Calvin para gamutin muli ang sugat ni Zia at nang malinisan ay sinabihan na niya sila Pierce na pwede na silang lumabas ng ospital.
Sabay-sabay silang lumabas ng ospital ngunit hindi na sila inihatid ng mga magulang ni Zia sa kanilang bahay dahil ayaw na din ni Zia na maabala pa ang mga magulang. Isa pa nag-offer na din na sumama pauwi ang ama ni Pierce na si Mr. Ace kaya napapayag na din ang mga magulang ni Zia na hindi sila sumama sa paghatid.
Sa loob ng sasakyan ay nakaupo ng magkatabi sila Pierce at Zia habang si Mr. Kang ang nagda-drive at nasa harap naman na upuan na katabi ng driver nakaupo si Mr. Ace.
Habang nasa sasakyan ay hindi naiwasan ni Mr. Ace na paalalahanan si Zia.
"Zia, my daughter. Don't do that again!" sabi nito habang nakatingin kay Zia sa rear view mirror
"Yes father!"
"Anyway, at least that's the only result of your bravery." (he was referring to Zia's wounds)
"It's really nothing!" pagpapaliwanang ni Zia
"Nothing for you, but not for your husband."
Doon lang muling naalala ni Zia ang ikinuwento ni Pierce. Kaya napatahimik si Zia hanggang sa makauwi sila sa kanilang bahay. Pagbaba ng sasakyan ay agad din na nagpaalam si Mr. Ace na umuwi dahil hinatid lang talaga sila nito hanggang sa masigurado na nakauwi ng ligtas ang mag-asawa.
YOU ARE READING
One Great Love
Romance"The best relationships are the ones you didn't expect to be in, the ones you never saw coming".. She actually thinks that her life has planned. But one day, a man came that changes everything in her life. Will she able to accept and carry the life...