Chapter 1

128 6 0
                                    

Gibson Family. Isang mayamang pamilya na nakatira na isang kilalang siyudad sa Maynila. Maliit lang ang kasapi ng pamilyang ito. Si Akil ang ama, si Zanna ang ina, at ang anak nilang si Zia. Nag-iisang anak si Zia, isang dalaga na puno ng buhay at walang kinatatakutan. Ginagawa niya kung ano ang nais niyang gawin. Ngunit kahit na may pagkasutil ang dalagang si Zia ito naman ay may mabuting loob at higit sa lahat may angkin siyang kagandahan kaya madaming nagkakagusto at humahanga sa kanya. Isa na dito ang kababata niyang si Harvey. Matalik na magkaibigan ang  mga ama nila Harvey at Zia at dahil doon sila ay pinagkasundo na ipapakasal pagdating ng panahon. Noong una ay ayaw ni Zia sa gusto ng kaniyang ama. Kaya ang ginawa ng kaniyang ama ay palagi silang pinagsasama upang makapagpalagayang loob. Lumaki silang sabay. Magkaparehas ng school na pinasukan, simula noong elementary hanggang college. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at dahil naging malapit sila sa isa't-isa ay natanggap na din ni Zia ang pinasya ng kanyang ama, mahabang panahon na ang nakararaan. Pero minsan hindi maiwas ni Zia na magduda sa tunay niyang nararamdaman para kay Harvey.

Sa isang venue sa Maynila ang paboritong puntahan ng magkakaibigan once in a while para mag-pole dance. Ginagawa nila itong madalas para makapag-exercise at maka-release ng stress. Hilig ni Zia ang ganitong uri ng exercise dahil para sa kaniya nae-express niya ang kaniyang nararamdaman sa pagsayaw sa pole, ngunit ginagawa niya lang ito privately or kasama ng mga kaibigan.

"Kung tutuusin ay wala ka ng mahihiling pa kay Harvey. Gwapo ito at maganda ang pangangatawan, mayaman, mabait, matalino at higit sa lahat mahal ka. Ang swerte mo kaya." pagbibida ng kaibigan ni Zia kay Harvey habang nagwa-warm-up para sa pagsayaw ng pole.

"Hindi ko alam, para kasing may kulang." Sabi ni Zia habang nagwa-warm-up din.

"Hay naku, ang choosey mo girl. Kung ako yan grab na agad. Wala ng lalaking katulad ni Harvey. Ilang beses naman na niyang napatunayan na mahal ka niya." pagbibida pa ulit ng isa pa niyang kaibigan.

"Kung sabagay." Pagkukumbinsi ni Zia sa kaniyang sarili.

"Tigilan niyo na nga yan, nandito tayo para mag-relax diba. Halika na Zia, isayaw mo na lang yan."

Ngumiti na si Zia at pumunta sa pole upang magsayaw.

Hindi madami ang nakakaalam sa ganitong hobby ni Zia, tanging ang mga kaibigan niya lang at ang kaniyang ina ang nakakaalam nito. Dala siguro marahil sa dahil may pagka-sensual ang pagsasayaw sa pole at para wala na lang masyadong madaming paliwanag sa kaniyang ama kaya hindi na niya ito ipinaaalam. Isa pa madaming ginagawa ang kaniyang ama, kaya sa tuwing lalabas si Zia, kung hindi siya magsa-shopping, ay gigimik lang ito kasama ng mga kabarkada niya, at iyon ang pagkakaalam ng kaniyang ama. Hindi naman mahigpit ang ama ni Zia ngunit kilala itong dakilang tao at mataas ang tingin ng lahat sa kanya, kaya kahit papaano ay ayaw ni Zia masira ang reputasyon ng kaniyang ama. 

Isa pa sa nakaugalian ni Zia ay ang mahiga sa may hardin nila at magpahinga. Dito kasi nakakapag-isa si Zia dahil wala masyadong pumupunta dito dahil ito ay pinagawa ng kaniyang ama para lamang sa mga espesyal niyang bisita, malaki ang hardin nila at napakaganda ng mga bulaklak kaya tamang-tamang gawing pahingahan. Kapag nasa hardin si Zia nahihiga lang siya sa may Bermuda grass at walang pakialam kahit madumihan man siya. 

Minsan ay misteryoso ang ama ni Zia kaya kapag may bisita ito na dito sa hardin pinatutuloy ibig sabihin ay espesyal itong bisita at confidential ang pinag-uusapan nila. kaya naman minsan ay hindi maiwasan ni Zia ang makinig sa usapan ng mga pumupunta dito na espesyal na bisita ng kaniyang ama, kahit na alam niyang mahigpit na pinagbabawal ng kaniyang ama na may ibang tao sa hardin at siguradong malalagot siya ng matindi kapag nalaman ito ng kaniyang ama.

Isang hapon habang nagpapahinga si Zia sa kanilang hardin narinig niya na may mga taong paparating. Kaya bumangon siya sa kaniyang kinahihigaan at sumilip sa may pagitan ng mga rosas na nagkukumpulan. Isang lalaking halos ka-edad ng kaniyang ama ang kaniyang nakita at katulad ng kaniyang ama, matipuno din ang pangangatawan, isa pa madami din itong kasamang body guard kaya paniguradong isa itong hindi basta-bastang tao.

"Sino kaya ito, ngayon ko lang siya nakita ha!" bulong ni Zia sa sarili. Habang nagmamasid siya sa 'di kalayuan, ay hindi niya napansin ang isang lalaki na papalapit sa kaniya.

"Who are you?" tanong nito na may pagbabanta.

Natigilan si Zia sa narinig. Isang hindi kilalang boses ang nagtatanong kung sino siya, parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga kaya hindi siya agad nakasagot at nakagalaw.

"I said who are you?" Matigas pa din ang pananalita ng lalaki.

Anong gagawin ko. Lagot ako nito.


One Great LoveWhere stories live. Discover now