Nagstay si Zia sa hardin maghapon doon na siya nag-lunch na ipinahatid ni Pierce sa personal maid ni Zia. Hindi naman siya ginambala ni Pierce, waring sabik na sabik siya sa hardin at hindi na namalayan pa ang oras hanggang sa gumabi at pumasok na siya sa loob ng bahay. Nang pagpasok niya ay dumiretso siya sa bathroom nila sa kwarto at naligo dahil sa dumi ng kanyang suot kakahiga sa Bermuda grass. Noong gabi din na iyon ay may mga nakahanda ng damit para sa kaniya kaya hindi na ito nahirapan pa na magpalit ng damit. Nang matapos siyang maligo ay bumaba na siya sa sala at nakasalubong niya si Marta na tatawagin na siya sana para sa hapunan. Tumungo naman siya sa dining room at doon nakita niya si Pierce na matiyagang naghihintay sa kaniya. Lumapit siya dito at nang napansin siyang papalapit ay inaya na siya nitong umupo.
"Have a sit." pormal na sabi nito habang nakalahad ang kamay na nakaturo sa upuan sa tabi nito.
Ng umupo siya para kumain ay agad na umalis na ang lahat ng katulong at sila na lang dalawa ang natira sa dining room, doon nagsimula na silang kumain. Tahimik lang na kumakain si Pierce. Hindi ito tumitingin sa kaniya.
Ano pa nga bang bago, halos hindi naman talaga ako tinitignan nito eh. Pero kelangan ko magthank you sa garden. Sabi ng isip ni Zia habang nakatingin kay Pierce saka nagsalita. "Thank you. For having a beautiful garden, and for letting me enjoy it."
"Is that what I'll only get?"
"What do you mean?"
"You enjoyed your present, what about my present?"
"A-actually I don't have anything right now, but I will definitely give you something."
"You know what? There is something you could give me later." seryosong sabi ni Pierce habang kumakain pa din at hindi tumitingin sa kaniya. "But first, just enjoy the dinner."
Hindi na nakaimik pa si Zia at kumain na lang ng blanko ang pag-iisip. Hindi na din siya nagsalita hanggang sa matapos silang kumain. Ang totoo ay nauna si Pierce na natapos ngunit hinintay nito na matapos siyang kumain. "Are you done?" tanong ni Pierce kay Zia. Sumagot naman si Zia sa pamamagitan ng pagtungo ng ulo nito saka tumayo sa kinauupuan si Pierce. "Let's go." Pagkasabi ay dumiretso na ito sa kanilang kwarto.
Sumunod naman si Zia na kinakabahan kung anong iniisip ni Pierce. Pagpasok sa kwarto ay nakita niya na nakaupo si Pierce sa may kama habang nakatingin sa laptop nito. Tapos na agad itong magtoothbrush at magpalit ng damit na pantulog, dumiretso naman siya sa bathroom para magtoothbrush. Paglabas niya ay nakita niya si Pierce na nakatingin sa kaniya, sa oras na iyon ay wala na ang laptop nito.
"Come here." tinapik ang pwesto ng bed na waring pinapupunta siya para umupo.
Wala pa din kibo si Zia, sumunod lang siya sa sinabi ni Pierce at umupo na nga sa tabi ni nito.
Humarap ito sa kaniya na lalong nakapagkakaba sa dibdib ni Zia."Are you ready to give me my present?"
"Wait, what are you thinking?" dahan-dahan naming umaatras si Zia
"What else could I be thinking?" lumalapit pa din si Pierce hanggang sa wala ng maatrasan si Zia kaya muntik na itong malalag sa kama. Agad naman siyang nahawakan sa baywang ni Pierce upang hindi siya tuluyang malalag napahawak naman ito sa mga braso ng asawa dahil sa akalang malalaglag siya. "Don't move away or else you'll fall."
"Pinapakaba mo kasi ako eh." nagmamaktol na sabi ni Zia na ikinatuwa naman ni Pierce kaya napangiti ito.
"Why? What are you thinking?" panunuksong sabi nito "I just want to have a chat with you." pagtutuloy sa sinasabi habang inilalagay siya sa pwesto ng bed na hindi siya malalaglag saka siya binitawan.

YOU ARE READING
One Great Love
Roman d'amour"The best relationships are the ones you didn't expect to be in, the ones you never saw coming".. She actually thinks that her life has planned. But one day, a man came that changes everything in her life. Will she able to accept and carry the life...