Pagkababang-pagkababa ng phone ni Pierce ay natanggap niya agad kung saan ang lugar kung saan nandoon si Zia at walang kakibo-kibo itong umalis para puntahan ang lugar nila. Agad itong pumunta sa parking para kunin ang kotse saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan, sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan na parang walang pakialam sa mga nakakasabay at nakakasalubong nito kaya naman mabilis na nakarating ito sa lugar kung saan nandun ang asawa.
Pagdating sa loob ay nakita niya agad ang lalaki.
"Leonard." madiin na pagtawag ni Pierce ng pangalan ng lalaki.
"Wow, you're fast!" isa naman pabirong pagsabi ng lalaki na si Leonard.
"Where is she?" seryosong-seryoso si Pierce, walang kagalaw-galaw itong nakatayo dahil sa pagpipigil ng namumuo niyang galit.
"What's the rush? Just enjoy the moment will you?" Sabay ngiti ng nakakaloko saka inilabas ng mga bodyguard ni Leonard si Zia galing sa isang kwarto, gulo ang buhok nito, namumula ang isang pisngi at nakatali ang mga kamay sa likod. Nang makita ni Pierce ang itsura ni Zia ay lalong nag-init ito sa galit.
"I am the one you need. I'm here now, so let her go!" Matigas na sabi ni Pierce
"Where is the fun with that?" Pagkasabi ay nilapitan ni Leonard si Zia saka hinawakan ang mukha nito, umiwas naman si Zia sa pagkakahawak ni Leonard. "Your wife is really brave, she came here alone knowing that you're in danger."
Kikilos na sana si Pierce dahil hindi na siya makapagpigil ngunit naramdaman siya ni Leonard at mabilis na tinutukan ng baril si Zia sa ulo, nang makita ito ni Pierce ay bigla siyang napahinto at hindi na nakagalaw.
"Ha! Is this real? The strongest Ardon of his generation cannot move because of this girl." hindi makapaniwala na sabi ni Leonard.
Gulat na gulat naman si Zia sa mga nangyayari simula ng tinutukan siya ni Leonard ng baril sa ulo, hindi na din niya masabi kung bakit hindi kumikilos si Pierce at hinahayaan lang nito si Leonard. Hanggang sa maisip niya na kasalanan niya ang lahat.
"Exactly, what do you want?" Gigil na gigil na tanong ni Pierce
"Just don't do anything." Pagkatapos ay inutusan ni leonard ang mga bodyguard na itali si Pierce. Hindi naman pumiglas si Pierce, habang tinatali ang mga kamay niya ay nakatingin lang siya kay Zia at ganun din ito sa kaniya. Gamit ang metal na parang pakadena ay itinali ang mga kamay ni pierce pataas at ikinabit ito sa magkabilang dulo ng kisame na may nakakabit ding mga metal parts na tila matagal ng nandoon para sa kaniya. Nang masigurado ni Leonard na hindi na makakawala si Pierce ay nilapitan naman niya ito.
"Anything else that you want to say before we proceed?" tanong ni Leonard kay Pierce.
Imbes naman na kausapin ni Pierce si Leonard ay si Zia ang kinausap niya.
"Zia, just close your eyes." nakangiting sabi ni Pierce habang ang mga mata nito ay parang nagsasabing maaayos din ang lahat kaya wag ka ng mag-alala.
"Hahaha, you're really something." pagkasabi ni Leonard ay pinagsusuntok na niya si Pierce, hindi naiwasan ni Zia na magwala ng makita na sinusuntok ng walang kalaban-laban ang asawa kaya napasigaw siya.
"No! Stop! Please!" paulit-ulit na sigaw ni Zia habang pumipiglas sa pagkakahawak sa kaniya ng isang bodyguard.
"Do you know how much I waited for this? Anytime that I will almost succeed you always take a scene and took away my chance!" pagsasabi niya habang paulit-ulit na sinusuntok pa din si Pierce. Nang tumigil ng panandalian si Leonard ay tinignan siya ni Pierce at nagsalita.
"Just enjoy this moment, it might be your last." sabi ni Pierce na nanlilisik ang mga mata sa galit na kahit may dugo ng lumabas sa bibig niya ay hindi pa din ito natitinag sa pagkakatayo.
Lalo namang ikinainit ng ulo ni Leonard ang sinabi ni Pierce kaya lalo niyang nilakasan ang pagkakasuntok nito. Suntok sa mukha at katawan na hindi na mabilang ni Zia kung ilan. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa mapagod ang mga kamay niya kakasuntok. Dumugo na ang ibang parte ng mukha at bibig ni Pierce ng mapagod at tumigil si Leonard. Si Pierce naman ay halos pinipilit na din ang sarili upang hindi tuluyang tumumba sa pagkakatayo habang si Zia ay umiiyak na dahil sa nakikita niyang sinapit ng asawa.
"That's it for now! Let's just take a break." hinihingal na pagkakasabi ni Leonard. "Besides, let the couple have their privacy because it might be their last." pagkasabi ni Leonard ay inutusan na niya ang body guard na umalis at iwan ang dalawang mag-asawa.
"Wait!" pagpipigil ni Pierce kay Leonard. Hinarap naman siya nito para hintayin kung ano ang sasabihin. "Untie the rope of my wife, her wrists might feel hurt by now, besides, she can never find a way for me to get loose. Please!" pakiusap ng nanghihinang si Pierce.
Pinagbigyan naman ni Leonard ang kahilingan ni Pierce dahil hindi naman talaga nito magagawang pakawalan si Pierce at hindi din sila makakatakas dahil sobrang sarado ang kwarto na pinaglalagyan nila. May maliit lang itong bintana na hindi sila magkakasya at isa pa sila ay nasa 3rd floor ng building, masyadong mataas kung tatalunin nila. Pagkatanggal ng tali sa kamay ni Zia ay umalis na agad ang mga bodyguard kasama si Leonard at tanging sila Pierce at Zia na lang ang nasa kwarto. Nang makita ni Zia na sarado na ang pinto ay agad niyang nilapitan si Pierce para kalagan, ngunit dahil sa kadena ito ay wala siyang magawa, ngunit hindi tumigil si Zia hanggang sa mapagod at masaktanang mga kamay niya.
"Stop! It's no use." pagpipigil ni Pierce kay Zia
Huminto naman si Zia ng ma-realized na balewala lang ang ginagawa niya kaya napaupo na lang ito sa harapan ni Pierce habang nakayuko ang mukha at patuloy pa din ang pagpatak ng luha.
"This is all my fault, I'm very sorry Pierce." umiiyak na sabi ni Zia
"I'm alright. Don't worry about me. How about you? Are you hurt somewhere?" tanong ni Pierce kay Zia.
Itinaas ni Zia ang mukha nito at tumingin kay Pierce saka muling nagsalita. "How could you think about me? It was you who is hurt." pagsabi na patuloy pa din ang paghikbi at pagtulo ng luha. "I told you not to come here. Why didn't you listen?"
"How could I not go, my precious wife got out without my permission." nakangiti pa ding pagkakasabi ni Pierce na parang walang anumang nararamdamang sakit sa katawan.
"Why are you like this? You said you don't like me. I always remember that." patuloy pa din ang paghikbi at pagluha na parang bata na si Zia.
"Liking is just a simple affection between man and a woman, so how can I say that I like you..." tinitigan maigi ni Pierce si Zia. Si Zia naman ay naghihintay sa kung anong sasabihin ni Pierce at ng marinig ang sinabi nito ay bigla siyang natigilan.
"...when it's more than that!"
YOU ARE READING
One Great Love
Romance"The best relationships are the ones you didn't expect to be in, the ones you never saw coming".. She actually thinks that her life has planned. But one day, a man came that changes everything in her life. Will she able to accept and carry the life...