When You And Me Collide-cHappy one

744 28 10
                                    

When You And Me Collide—cHappy one

TRICIA’s pov

Ilang beses kong tinignan ang sarili ko sa salamin para ayusin ang suot ko. Hindi ako sanay na nagdedress, nagsusuot ng sapatos na may mataas na takong at may make up sa mukha. Hindi naman kasi uso sa probinsya ang mga party. Hindi rin ako kumportable sa ganitong damit, katunayan nga ay manaka-naka ang pagkamot ko sa katawan. Pero habang tinitignan ko ang sarili sa salaming sakop mula ulo hanggang paa, hirap akong paniwalaan kung gaano ako kaganda. Oo na, ganda ko na. Kahit sino naman siguro na suotan ng ganitong klaseng dress at make up-an, siguradong gaganda talaga. Kiber! Kahit ngayon lang, tataasan ko ang confidence ko na ang ganda ko talaga ngayon. Wahahahaha!

“Ang ganda naman ng anak ko,” puri sakin ni Nanay na nakangiti habang pinagmamasdan ako. Halos wala na kong makitang puti sa mata niya kapag ngumingiti siya ng ganyan. Kapalaran ng mga singkit.

“Kanino pa ba naman magmamana ‘yan. Aherm!” ani naman ni Tatay na pormal na pormal ang suot sa amerikana. Siguro nahirapan si Auntie na kunin ang size niya dahil ang taba at ang laki niya.

“Maganda ka rin, ‘Tay?”

Natawa si Nanay sa sinabi ko. Nilapitan niya ko at tinignan ng maigi ang mukha ko. “Nakuuu, ang ganda talaga ng bunso natin,” ngayon lang Nay, bukas pangit na ulit ako.

“Patingin nga ako,” si Tatay naman ngayon ang tumingin sa mukha ko. “Nakuha mo talaga ang ilong ko. Tignan mo ‘yan. Pati na ang noo ko, ang labi, ang tainga, ang--”

“Tama na po. Kamukha niyo na ko, period.”

Nagtawanan silang dalawa. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa non ang magandang mukha ni Auntie Rose. Katulad ni Nanay ay singkit din ang mga mata niya at manipis ang labi. Bukod don ay maganda ang kutis ni Auntie. Ganun yata talaga kapag babad sa aircon katulad ng kaklase kong si Aria.

“Hi! Let’s go? Wow! Ang ganda niyo naman lahat!”

“Talaga ba, Rose?” natatawang sabi ni Tatay.

“Ay, no offense Kuya Simon. You look handsome.”

Ngumiti ng malaki si Tatay na halatang satisfy sa sinagot ni Auntie. Luhluhluh. Hinampas lang siya sa braso ni Nanay. Kulet.

“Ikaw rin Auntie ang ganda-ganda mo,” puri ko. Hindi ko nga maialis ang tingin sakanya dahil totoong gandang-ganda ko sakanya. Bumagay ang suot niyang cream na dress sa kutis niyang maputi. May hubog ang katawan niya na sigurado akong kahit sinong lalaki ay mapapalingon. Nakapusod ang buhok niya at mangilan-ngilang hibla ang nakawala dito na lalong nakadagdag sa ganda niya. Ngumiti sakin si Auntie at nakita ko ang dimple niya sa kaliwa. Asset namin ‘yan eh.

“Thank you, Tricia. Sabi ko na nga ba at bagay sa’yo ang kulay green na dress na ‘yan. Nagustuhan mo ba?”

“Opo. Salamat po, Auntie. Ngayon nga lang po ako nakasuot ng ganito,” nahihiyang ngumiti ako.

“Tita na lang ang itawag mo sakin. Ito talagang si Ate Lily,” sumimangot siya sa Nanay ko na nagkibit-balikat lang habang ngumingiti.

Nakapagtataka dahil hanggang ngayon ay wala kaming nababalitaan na boyfriend ni Auntie/Tita. Sigurado naman akong may mga nanliligaw sakanya pero bakit kaya ni isa sakanila ay hindi niya sinagot? Standard? Pwede rin.

Ilang minuto lang ay bumabyahe na kami tungo sa venue ng dadaluhan naming event. Sabi ni Tita ay kailangan niya daw ang magulang ko para sa award na mukukuha niya sa kompanyang pinagtatrabahuan. Wala na kasi sina Lolo at Lola kung kaya naman si Nanay na pinakamatanda sa magkakapatid ang tinawagan niya para makasamng dumalo sa awarding. Dahil ayaw naman nila akong iwan sa bahay, sinama nila kong bumyahe papunta sa Maynila. Mabuti na lang at linggo bukas. Wala akong klase kaya natangay ako dito.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon