When You And Me Collide—cHappy twelve
TRICIA's pov
Hindi ko sinabi kay Tita na sumali ako sa isang kompetisyon. Hindi ito 'yung tipong ikaka-proud kong ding ikwento kahit sa mga magulang ko. Napilitan lang naman talaga ko dahil na-injured si Eina. Kaya 'yung sayaw ko, napilitan din lang.
"Tricia, c'mon. Isa pa! One, two, three, four, ikot, five, six, seven, eight, kamay sabay ikot!" Si Clarence ang nagtuturo sa akin. Sinusubukan kong sumayaw katulad ni Eina pero hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko. Lalo pa nga't sa tuwing nakikita ko sa mukha ni Clarence na hindi siya natutuwa.
"Ganito, sabayan mo ko ha?" Ginaya ko ang ginawa niya. "Mali." Pumunta siya sa likod ko para itama ang galaw ko. Napatango-tango ako habang nagegets ang itinuro niya. Napakamot din ako sa noo. Pagod na ko.
"Break muna, Rence. Mukhang pagod na si Tricia." Nag-aalalang sambit ni Allisa. Nakaupo siya sa damuhan. Nasa likod kami ng gym kasi inaayos ang loob nun ngayon. Nilalagyan ng dekorasyon para sa event sa Friday.
"Hindi. Ayos lang. Kaya ko pa." ayoko kasing mawalan ng momentum sa pagpapractice. Sayang ang oras lalo na't dalawang araw na lang bago ang kompetisyon. Nangangalahati naman na kami pero kailangan makabisado ko ngayon lahat ng steps. May mga iniba si Clarence para madali kong masabayan pero kaunti lang dahil papangit na kapag masyadong simple ang galaw.
Nakapamaywang siya sa harap ko, tinitimbang kung kakayanin ko pa ba kaya naman binigyan ko siyang determinadong tingin.
"You know, you are actually good for someone who knows nothing about dancing. Madali kang makasabay, Tricia. Mahina nga lang sa memorization ng steps but that's okay. I like your style."
Naalis yata ang nakadagan sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Akala ko dahil namamali ako ng steps kaya parang magdidikit na ang dalawang kilay niya. At dahil sakanya na nanggaling na maganda ang sayaw ko, nagkaroon ako ng pag-asa na kahit papano, may ibubuga kami. Ayaw ko din naman matalo ang section namin.
"You're almost there, Tricia. You can do it!" dagdag ni Allisa na malaki ang ngisi sa aming dalawa.
Sa sumunod na isang oras ay naituro ni Clarence ang lahat ng steps. Pinarecord ko sa cellphone ko ang ginagawa namin kaya baka mamaya susubukan kong magpractice para bukas tuloy-tuloy kami.
"Natutuwa ako na ikaw ang pinili ni Eina na pumalit sakanya." Inayos ko ang cellphone para mas makita ko si Allisa. Katatapos ko lang maligo at tumawag siya sakin para kamustahin ako.
"Hindi ko nga alam kung kaya ko. Napilitan lang naman talaga ko." Ni hindi ko pinangarap na sumali sa ganitong patimpalak. Ang totoo, mas gusto kong manuod kaysa lumahok.
Ngumiti si Allisa. Ang ganda niya kapag walang salamin, maamo ang mukha na tipong hindi gagawa ng masama. Natural na mapupungay ang mga mata at matangos ang ilong. Kung mag-aayos lang siya, mas maganda siya kay Eina.
"You should be proud that Eina chose you. Hinding-hindi niya ibibigay ang trono sa kung sino lang pero dahil ikaw 'yan, pumayag siya. Wala naman kasi siyang ibang pagkakatiwalaan kung 'di tayo lang."
"Bakit nga ba?" Kasi napapansin ko sa section namin, mailap sila sa grupo nina Eina.
Bumuntong hininga siya at pinaglaruan ang buhok. "Well, nung election of officers kasi nagkaroon ng issue. Si Avi at si Eina ang naglalaban bilang President ng section. Medyo sikat kasi si Eina at mas competetive kaya siya ang nanalo. Nagalit si Avi at kung anu-anong paninira ang sinabi niya sa mga kaklase natin hanggang sa mawalan sila ng tiwala. Doon nahati ang klase natin. Although, some are still loyal to Eina, others are just brainwashed by Avi."