When You And Me Collide—cHappy three
TRICIA's pov
"Class, we have a new student," ngumiti sakin ang teacher ko na si Mr. Enriquez. Nasa 40 ang edad niya pero mukha pa ring kagalang-galang dahil sa bata niyang mukha. Napawi naman ang ingay sa buong klase at lahat ay nakatingin sa harap. "Kindly introduce yourself, hija."
Ngumiti ako sakanila. Nanginginig pa. "Hi, ako si Tricia Kristien Aquino. Nice to meet you all," parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Lahat kasi ng mga mata nila ay nakatingin sakin na parang hinihintay akong magkamali. Sana lang hindi nila mahalata lalo na nang unti-unting nabubuhay ang ingay sa room.
"Is she related to Aquino's shipping business?"
"Perhaps her father is a tycoon."
"Hindi ba't may senador na ang apelyido ay Aquino?"
"Really? She looks a nobody to me."
Napangiwi ako sa huling narinig. Nacu-culture shock pa rin ako sa paraan nila ng pagsasalita ng ingles. Inalo ko na lang ang sarili ko na masasanay din ako.
Sa sobrang common ng apelyido namin maraming tao ang napagkakamalan kaming mayaman. Kaya naman hindi ko sila masisisi kung 'yun ang mga sinasabi at iniisip nila.
Tunikhim ako oara makuha ang atensyin nila. "Hindi. Magsasaka ang tatay ko at nagtitinda naman sa palengke ang nanay ko."
Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik. Ehh... wala naman sigurong mali sa sinabi ko. Nakatingin lang silang lahat sakin na parang alien ang nasa harap nila at nakatayo. Hanggang sa nakarinig ako ng impit na tawa mula sa pinakalikuran. Sunod-sunod na nagsitawanan ang mga kaklase ko habang napasimangot ako at napatingin sa lalaking 'yun na nagpasimunong tumawa. Bilog ang mga mata niya at matangos ang ilong. Nakataas ang buhok niya na perpektong nakastyle para hindi tumabong sa noo niya.
"Quiet, class," ani ni Mr. Enriquez para makuha ang atensyon ng lahat.
"My gosh, akala ko pa naman may dating ang apelyido niya."
"Dude, she's nothing. No wonder, her skin looks burnt."
"Haay. Mas interesado pa ko sa insektong nasa desk ko kaysa sakanya."
"Another lowlife creature."
"I just want a normal highschool."
"Gutom na ko, sana recess na."
"Ano ka, grade school?"
Huminga ako ng malalim. Sabi na eh. Ano pa nga bang ine-expect ko dito? Nakakadisappoint isipin. Ang taas pa naman ng tingin ko sa school na 'to, 'yun pala may natatagong baho ang ibang estudyante dito. Kunsabagay, hindi nawawalan ng mga ganitong tao kahit saang eskwelahan. Mas okay na ngayon pa lang, alam ko na kaysa kung kailan malapit na ko sakanila saka ko malalaman na ganito ang ugali nila.
"Her parents are the lowest, what can I expect?"
May pumitik sa sentido ko kaya nilingon ko ang nagsalita. Ahh, 'yung lalaking nasa likod na naman na mukhang pinaliguan ng gel ang buhok. Nag-init ang ulo ko. Tinaliman ko siya ng tingin habang kumuyom ang mga kamay ko sa inis. "Pasintabi lang, pero wala kang karapatan na insultuhin ang magulang ko. Marangal ang trabaho nila at hindi illegal. Hindi mo alam ang hirap nila para mapag-aral kami ng mga kapatid ko kaya hindi mo sila pwedeng pagsalitaan na lang. Nakakalungkot, sana tinuruan ka rin ng magulang mo na rumespeto sa iba."
Nawala ang bulong-bulungan at parang dalawang anghel ang dumaan dahil doble na ang katahimikan sa room. Ok, waley. Pero grabe, hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. Kasi naman eh.