When You And Me Collide-cHappy eight

490 16 7
                                    

When You And Me Collide—cHappy eight

TRICIA’s pov

Isang araw bago ang exam ay ipinatawag ako ng adviser namin para kamustahin. Sa faculty room niya ako kinausap bago umuwi. Hindi ko alam na ganito pala ka-usisa ang mga guro pagdating sa pag-aaral ng mga estudyante nila. Akala ko kasi, sa sobrang dami namin ay hindi nila makakayang pagtuunan kami isa-isa dahil maraming oras nila ang masasayang kapag ginawa nila 'yun. Meron palang mga guro na kagaya ni Mr. Enriquez na kakamustahin ang lagay ng estudyante niya kahit hindi naman required sakanila.

"Inaasahan ko ang resulta ng exams mo, Aquino. Magaling ka pero minsan napapansin ko na ayaw mong masyadong magpakitang-gilas sa klase. I understand because you're just new and still adjusting but it's not an excuse for me. You have to show us what you've got o hindi kita matutulungan. I need you to be transparent. What's your weakness? Saan ka nahihirapan?"

Ibinagsak ko ang bigat sa kaliwang paa at nag-isip, "May mga hindi pa rin po ako naiintindihan sa mga subjects, Sir. Pero humiram po ako ng notes sa mga kaklase ko para ikumpara ang napag-aralan ko sa dati kong school," nagpatuloy ang pagpapaliwanag ko sakanya ng mga hindi ko naiintindihang lessons. Binigyan niya ako ng pointers to review at advices. Nakaka-encourage ang mga sinabi niya sakin upang magpursige pa sa pag-aaral. Sana lahat ng teacher ay katulad niya para naman ganahan pa ang mga estudyante sa pag-aaral.

Pagkalabas ko ay agad akong nadismaya dahil umuulan. Ayaw ko sa ulan. Ayaw kong marinig ang maingay na patak nito sa lupa at ang lamig na hatid nito. Sa tuwing umuulan, hindi makalabas ang mga bata para maglaro. Pinapagalitan sila ng mga magulang nila kapag nahuhuli silang nakikipaglaro sa ulan. Madalas din may mga nagkakasakit dahil lang sa nagpapaulan sila. At higit sa lahat, hindi ko makita ang haring araw dahil ang dilim ng kalangitan.

Sad face.

Malungkot akong bumaba at tumungong locker. Sa lahat ng locker, ako lang yata ang walang kandado. Nagkibit-balikat na lang ako dahil alam ko naman na walang magkaka-interes na buksan o kahit silipin man lang ang locker ko. Alam mo na, poor tayo eh. Low-key lang. Breyk it dawn yow!

Pinasok ang librong 'di ginamit, nilabas ang payong at saka sinara. Ayun lang. Sa pagsara ko, may bumunggo sa balikat ko kaya muntikan na kong ma-out balance.

Magsasalita pa lang sana ko pero narinig ko ang hikbi niya. Aba, siya pa ang nasaktan? "Teka, sandali--" wala yata siyang narinig kaya tuloy-tuloy lang siya. Bakit kaya umiiyak 'yun? 'Di sinasadyang napatingin ako sa pinanggalingan niya at nagpagtanto ang dahilan.

Sa dulo ay nakita ko si Locus na tahimik na nagbabalik ng gamit sa locker niya.

Alam na this. Alam ko din na wala akong pakielam kaya nauna na kong lumabas ng building. Hah! Balasiyadyan.

Binuksan ko ang payong para maghanda na sa pag-uwi. Parang ayoko pa nga at mas gusto ko pang hintayin na lang na tumila ang ulan pero kailangan ko na talagang umuwi para makapagreview. Charot.

"Going home?"

Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang boses ni Locus. Nakabukas na rin ang payong niya at tila hindi man lang naiirita sa mga talsik ng tubig sa uniform niya. Parang... wala lang. Sobrang relax tignan. Parang walang pinaiyak na babae kanina.

"Hindi, papasok pa lang ako."

"Very funny. Try again."

"Hindi, papasok pa lang ako."

Tinignan niya lang ako at nilagpasan. Ayos talaga 'to kausap eh, hindi marunong makagets ng joke. Sumunod na lang ako sa paglalakad habang iniisip kung anong nakita ng mga babae sakanya at nagtatapat sila dito. Bawat estudyanteng nalalagpasan namin ay napapatingin sakanya. Ng dalawang beses. Tsk, tsk. Iba ang karisma.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon