When You And Me Collide-cHappy eleven.point.one

282 12 5
                                    

Snow: I suggest you read first the previous chapter before proceeding. Haist! Feb ko pa tapos to eh tinamad na naman ako sunud sunurin 😒

________________

When You And Me Collide—cHappy eleven.point.one

TRICIA's pov

"And, you brought someone." ani ng babae habang pababa ng hagdan upang salubungin kami. Ang awrang nasa paligid niya ay katulad ng sa mga dugong bughaw, nakakasilaw at nakakamangha. 'Yun ang dahilan kung bakit hindi ko matanggal ang tingin sakanya. Marahil dahil na rin sa ngiti niya.

"She's my schoolmate." Pakilala ni Locus nang sulyapan ako. Maging siya ay 'di kayang tumagal na sa iba nakatingin.

Ginawa kong oportunidad 'yun para ipakilala ang sarili, "Hi. Ako po si Tricia." Maglalahad sana ako ng kamay ang kaso ramdam ko ang pagpapawis nito kaya sa halip ay ngumiti na lang ako ng matamis.

"Hello. I'm Ailah, ate ako nitong batang 'to." turo niya kay Locus. Kibit-balikat lang ang sagot nito sabay iwas ng tingin.

Gulat ko silang tinignan pareho. Hindi ko kasi maintindihan kung saan banda dahil hindi sila magkamukha. Maliban na lang kung... alam mo na.

"May group study kayo? Locus, sa study room na kayo, mas magandang mag-aral doon. I'm going to serve you food later."

"No need. Sandali lang kami. Let's go." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko para hilahin. Nilingon ko si Ailah at nakita din na nagulat siya sa ginawa ng huli.

Ngumiwi ako nang nasa ikalawang palapag na kami, hila-hila pa rin ni Locus. Hanggang sa tumigil siya sa ikatlong pintong nadaanan namin. Binuksan niya 'yun at pinapasok ako.

Isang typical na kwarto ang nadatnan ko dahil nakikita ko lang ang ganitong disenyo sa mga hotel. Kulay gray ang tema ng kwarto niya. May isang malaking kama sa gitna, sa gilid nito ay may maliit na study table at dalawang upuan naman sa kabilang gilid. Meron din palang lampshade na malaki malapit sa dalawang upuan. May isang pinto pa akong nakita na hula ko ay banyo. Bukod doon, wala na.

Ni poster, background design, palamuti, at masasayang kulay ay wala. Lumalarawan ang lahat sa kung gaano kaboring ang buhay niya.

"What? Never seen anything like this?"

Nagulat ako nang magsalita siya, "Ahh, parang ganun na nga. Ito lang ang gamit mo?"

"What you see is what you get," aniya at binuksan ang sinasabi kong pinto kanina. Bahagya ko lang nakita ang loob na ang laman pala ay mga damit niya at kung anek-anek ng mga lalaki.

Nakatayo lang ako sa gitna ng tahimik na silid. Kahit dito ay mararamdaman mo ang lamig ng temperatura kagaya ng may-ari. Iniisip ko tuloy kung tama din bang sumama sakanya? Para lang sa impormasyon na gusto ko? Napailing na lang ako sa sarili.

Bumalik ang imahe ng babae kanina. Ailah pala ang pangalan niya. At magkapatid sila. Pero bakit may pakiramdam akong iba? O baka naman parte ito ng pagiging paranoid ko. Hay. Kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Locus na may dalang laptop sa isang kamay. Diretso siya sa table na may dalawang upuan. Kaysa tumunganga na parang tanga, nilapitan ko na lang siya.

"Sorry if this room got you bored. Hindi rin naman ako naglalagi dito."

Oo, sobrang nawalan ako ng gana sa buhay nang makita ko ang itsura ng kwarto niya, "Bakit? May iba pa ba kayong bahay?"

"It's not a home but... kasama ko do'n sila Ken."

Para silang nagdodorm kung ganun? Highschool pa lang pwede na ba yun? Kung sabagay, mayaman naman sila.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon