When You And Me Collide—cHappy fourteen
TRICIA's pov
Ito sikretong malupet. Hindi talaga ako galang tao. Nung nasa probinsya pa ako, halos hindi ako maaya ng mga kaibigan kong pumunta ng batis o ilog para maligo. Kailangan pang sapilitan kapag nagpapaalam ako kina Nanay. Tipong taong bahay lang talaga kasi ako. Isa pa, minsan lang ako pinapayagan nila Nanay, madalas may curfew pa. Syempre, bunso eh. Overprotective. Ayoko naman maging suwail na anak at magrebelde dahil lang hindi pinayagan. Blessing in disguise na rin siguro sakanila na hindi ako lakwatserang negra.
Pero ngayon. Ibahin mo ngayon. Aba't akalain niyong kung saan-saan na ko nakarating. Ni hindi nga ako nakakapunta ng mall sa amin pero dito, kada linggo ata namamasyal kami ni Tita at kung saan-saang foodtrip niya ko dinadala. Marami ng experience, busog pa. Talaga naman.
Pero ito na ata ang pinakasukdulang gagawin ko sa buong buhay ko. Usapang overnight. Ito talaga sigurado ako, hindi ako papayagan. Kaya tumanggi na ako kay Eina pagkasabi niya nun.
"Bawal ako."
Eksaheradong tinignan niya ko. "Why? My God, Tricia Kristien Garcia. What are you? A 3-year-old kid?"
Tumingala ako sa langit para humingi ng pasensya. Ok lang 'yan, hindi niya kasi naiintindihan. "Hindi. Hindi ba pwedeng istrikto lang talaga ang mga magulang ko? At saka, hindi naman tayo mag-aaral para mag-overnight. Gusto lang natin pagtripan si Clarence."
"Exactly! Gagawin nating alibi ang pag-aaral mo para pagtripan si Rence. Brilliant idea!" May kasama pang palakpak 'yan. Akala mo naman talaga brilliant.
"Hindi ako nagsa-suggest. Sinasabi ko nga ang totoo sa'yo eh."
"I don't see your point. Can't we have fun? Napaka-kill joy mo talaga."
"Eina." Saway ni Allisa. "She's right you know. Saka nakikitira lang si Tricia sa Tita niya, baka mag-aalala 'yon sakanya."
Umirap siya. "We are not doing anything wrong. In fact, I'm merely doing this for our friendship. It's not like we're going to do something illegal. It's just plain fun. C'mon, girls." Eksaheradong sumimangot si Eina para ipakitang napaka-kill joy namin.
Bumuntong-hininga ako. Kalabisan na yata kung magpapaalam ako para mag-overnight. At ayoko namang sabihing dahilan na mag-aaral kami dahil kilala ako ni Tita na kayang gawin yun mag-isa.
"Ganito na lang," nilingon namin pareho sa Allisa. "May holiday sa susunod na Linggo. Pwede tayong mag-overnight sa bahay at ayain si Rence."
"But it'll be long overdue."
"Mas masaya nga 'yung pinaplano. And also, we can tutor Tricia in baking since we all wanted her to try it."
Sa sinabing 'yun ni Allisa napangiti si Eina. Kumislap pa nga ang mga mata. "You're right. Oh my gosh! I have so many tons of baking skills to share to you. Sige, we'll plan this out."
Tumango lang ako. "Susubukan kong magpaalam."
"If you need help, we're here. We'll convince your Tita or even your parents."
Natawa na lang ako. Seryoso talaga sila habang hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko. Excited ako pero sa tuwing maaalala kong hindi ako pwede, nalulungkot ako. Pero sila, hindi na matanggal ang ngiti hanggang sa magpaalam kami sa isa't-isa dahil gusto nilang pagplanuhing maigi ang gagawin namin sa overnight. Ako naman ay nag-iisip kung paano ako magpapaalam kila Nanay. Anong palusot ba maganda? 'Yung hindi ako aawardan ng bongga.
Narinig kong nagring ang cellphone ko at tinignan muna kung sinong tumatawag. Nag-init ang pisngi ko nang makitang ang pangalan ni Locus sa screen. Nanginginig na sinagot ko ang tawag niya.