When You And Me Collide-cHappy five

496 25 5
                                    

When You And Me Collide—cHappy five

TRICIA’s pov

Mali bang hilingin na sana nananaginip lang ako ngayon? Na sana hindi talaga nangyayari sa totoong buhay 'yung tututukan ka ng baril tapos katapusan mo na? Teka nga. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawang masama ngayong araw. May na-offend ba ko sa mga kaklase ko? Ganito ba sila gumanti kapag nadedehado? Eh, hindi ba mas dehado nga 'tong pagtutok ng baril sakin? Anak ng teteng.

Huminga ako ng malalim para makapag-isip ng matino. Nanginginig ang kamay ko sa takot at pakiramdam ko, malapit na kong mawalan ng ulirat kapag nagpakain pa ko sa niyerbos ko. "A-ano hong kailangan niyo? Pwede bang pakibaba ang baril?" pakiusap ko sa mababang tono.

Pero sa halip na pakinggan ako, diniin niya pa lalo ang dulo ng baril sa sentido ko. Napapiksi ako sa takot. Nangilid na rin ang mga luha ko dahil pakiramdam ko tutuluyan niya na ko. Wala na. Mamamatay na ko dito. Hindi ko man lang nasabi sa pamilya ko na mahal ko sila. Hindi pa nga ko nagsosorry kay Ate Trini dahil sinabi kong crush siya ng crush niya kaya isang buong taon siyang umasa na liligawan siya nun. Saan kaya ako dadalhin ni Lord pagkatapos nito? Maganda ba dun? Sabi nila, para ka raw nasa--

"Put the gun down, Servus," sa tinig na 'yun nawala ang baril na nakatutok sakin. Tinig na malalim pero may awtoridad. Hindi ako makapaniwalang sa isang utos lang, tatalima 'yung lalaking nasa likod ko.

"You can breathe now," maya-maya'y wika ni Locus.

Napabuga ko ng hangin dahil hindi ko namalayan na hindi na pala ko humihinga. "I-ikaw!" Dinuro-duro ko siya sa sobrang inis. "Hindi nakakatuwa 'yung ginawa mo!"

"Sino bang matutuwa kapag tinutukan ng baril?" sarkastiko niyang sagot sakin. Sinarado niya ang libro at nakapamulsang hinarap ako. "Iwan mo na kami."

Nakasimangot na umalis ako pero naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Parang may dumaloy na kuryente dun kaya pareho pa kaming napatingin sa isa't-isa bago humiwalay.

"Not you. Him," tukoy niya sa lalaking nasa likod ko. Unti-unti akong lumingon sa likod kung nasaan ang lalaking nanutok ng baril. Nakilala ko agad ang mukha niya dahil nakita ko siya kanina doon sa lobby.

"Hindi ba... ikaw 'yun?"

"So, you saw him."

"Oo..." medyo ingat pa ko sa galaw ko dahil natatakot pa rin ako sa ginawa niya sakin. Mahirap na, baka humandusay na lang ako sa sahig 'pag may hindi maganda kong nasabi. Ang bibig ko pa naman. "Pinadala ka ba para patayin ako?" Sabi ng ang bibig ko!

Bakante niya lang akong tinignan. Matangkad siya at ganun pa rin ang suot mula kanina. Mahaba din ang itim niyang buhok na nakahalf-ponytail sa likod. May peklat sa kanang pisngi niya malapit sa bibig. Matangos ang ilong at katamtaman ang kilay. Singit at manipis ang labi.

"Leave. Now," narinig kong utos ni Locus at walang  sabi-sabing tumalima ang lalaki kahit pa kalmado lang ang pagkakasabi niyon.

Bumuntong-hininga ako nang mapag-isa kaming dalawa. "Bakit mo ko pinatutukan ng baril? May ginawa ba kong masama sa'yo para pagbantaan ng ganun? Hindi mo ba alam na halos hindi na nga ko makatulog sa gabi kakaisip ng... ng mga bagay. Tapos dadagdagan mo pa? Iniiwasan na nga kita, ano pa bang gusto mo?" Tuloy-tuloy na litanya ko sakanya.

Sa halip na sumagot, naglakad lang siya papunta sa mga mesang pang-apatan saka umupo. Napansin ko ang mga libro sa ibabaw tanda na kanina pa siya nandito.

"Sit down."

Lumapit ako pero hindi ako umupo. Nakakainis na. Parang normal lang sakanya ang nangyari kanina. Ni wala nga siyang naging reaksyon doon.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon