When You And Me Collide—cHappy sixteen
TRICIA's pov
"Done! You can open your eyes now." Unti-unti kong idinilat ang mga mata at namangha sa ginawa ng make up artist sa akin. Iba talaga ang nagagawa ng make up. Halos hindi ko nakilala ang sarili.
"Salamat po." Tumingala ako at ngumiti sakanya. Naghire kasi ng make up artist si Eina para sa araw na ito dahil nga dapat ay siya naman talaga ang sasalang. Tingin ko ay make up artist talaga siya ng pamilya ni Eina dahil hindi naman halatang ngayon lang sila nagkakilala.
"Wala naman akong masyadong ginawa pero sa nakikita ko sa mukha mo para akong nagfull blown make up." Tumawa siya. "I just enhanced your beauty that's all. I know it's a pageant and needs a heavy make up but I can't do it. Magiging exag na kasi at baka magmukha kang chaka paglabas mo."
Natawa na rin ako. "Mag gusto ko rin po ang ganito. Salamat po ulit."
Tinapik niya ang balikat ko at nagligpit ng gamit. Tapos niya na rin kasing ayusin ang buhok ko na nakalugay. Inayos niya ang kulot kong buhok para magwavy at inilagay sa kaliwang balikat ko. Nilagyan din niya ng barrette sa gilid. Kumikinang iyon at nagmukhang elegante na bumagay sa suot kong gown.
"Are you done? Wow! You look—" nakahawak sa bibig si Eina habang pinagmamasdan ako sa salamin. "Oh my God, is that really— gosh! I think I'm having a girl crush."
"Tell me about it."
"You've done such a fabulous thing Ate Hyra. I mean... just wow."
Umiling-iling lang si Ate Hyra at natatawa sa reaksyon ni Eina.
"B.tch, I'm having a mental breakdown 'coz of your make up. I can't believe she's more beautiful than me."
Doon na umikot ang mga mata ko. "Tumigil ka nga. Mas maganda ka pa rin. Tignan mo, kapag bumalik sa dati ang mukha ko, makikita mo kung gaano kalaki ang agwat ng pores natin."
"That's not true." Inirapan niya ko. "Thank you so much Ate Hyra. I thought you're going to Europe?"
Ngumiti lang siya bago isinara ang huling zipper ng bag niya. Umupo siya at nagcross leg. "Something came up. I have another job that is impossible to turn down."
"Ganun kaimportante?"
Napatingin siya sakin at pumalumbaba. "Very." Ngumiti ulit siya at binalingan si Eina.
Ako yata ang magkakacrush sa ganda niya. Pagkapasok niya nga kanina sa dressing room akala ko may artista. Siguro mas matanda lang si Tita Rose ng konti pero pareho sila ng tangkad. Maikli ang buhok niyang hanggang balikat at straight. Matangos ang ilong, mapula ang labi at medyo singkit ang mga mata. Sa tingin ko ay kilala din siya sa napiling larangan dahil naririnig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Isa pa, may nabanggit si Eina kanina kaya nakumpirma kong magaling talaga siya.
"Fifteen minutes to go before the start of program. Please finalize everything!" sigaw ng isa sa organizer ng event. Paglabas nito ay siya namang pagpasok ni Clarence. Nahigit ko ang hininga dahil ang gwapo talaga nito. Nakabrush up ang bangs niya para hindi tumabon sa mukha niyang pwedeng isabak sa commercial. Hapit ang suot niyang puting tuxedo kung kaya't nagmukha siyang mature na lalaki na animo'y a-attend ng business conference. Naglagay din siya ng hikaw sa kaliwang tainga at bumagay iyon sa seryoso niyang mukha. Nagmukha siyang supladong gwapo.
"Hi. Are you done?"
Tumango ako at binalingan si Eina. Tahimik ito, parang hindi alam kung saan titingin. Sa huli ay binuksan na lang nito ang cellphone at nagpanggap na may binabasa.
"Eina." Untag ni Clarence.
"O-oh?"
Dahil mestiza si Eina, kitang-kita ko ang pamumula niya at paninitig ng matagal sa mukha ni Clarence. Hmm... iba na 'to.