When You And Me Collide-cHappy ten

412 17 13
                                    

When You And Me Collide—cHappy ten

TRICIA's pov

Kanina pa ako sinusulyapan ni Clarence simula pagkapasok ko kanina. Hindi mapakali dahil sa sinabi ko nung isang araw sakanya. Sabagay, nagtext siya kahapon na hindi daw siya makakatulog hangga't hindi ko sinasabi sakanya ang tungkol do'n. Eh, nagulat kasi ako nang sunduin ni Tita kinabukasan dahil sahod at gusto nitong kumain kami sa labas. Tapos nung Miyerkules naman, nagovertime sa klase ang huling guro namin kaya alas-singko na kami nakauwi. Kahapon naman, kinailangan niyang umuwi agad dahil sa sakit ng tiyan.

Ayan, inabutan na kami ng Biyernes hindi ko pa rin nasasabi sakanya. Parang tuloy nawalan na ko ng ganang ikwento dahil wala na sa momentum. Para bang may pwersang pumipigil para lang hindi ko sabihin ang tungkol sa bagay na 'yun. Pero kung wala akong gagawin, para ko na ring tinanggap na hanggang dito na lang ang kaya kong ilaban.

Nagligpit ako ng gamit at saka tinanguan si Clarence. Sabay kaming lumabas at umakyat sa 3rd floor. Agad kong binuksan ang isang bakanteng room at hinila siya don. Ni hindi ko na nagawang magpaalam kina Eina at Allisa dahil mukhang nagmamadali rin sila sa pag-uwi.

"If someone sees us, I'm sure they're gonna conclude that we're doing it."

"Ha?" Wala akong ideya sa sinasabi niya.

Tinignan niya ako at napailing na lang na parang disappointed, "Wala," nilapag niya ang bag sa mesa at naupo na ng nakahalukipkip, "What is it?"

Umupo naman ako paharap sakanya ng hindi nagtatanggal ng bag, "Tungkol ito sa sulat na natanggap ko nung Lunes."

Kumunot ang noo niya, "Sulat? What? Are you gonna confess that someone here is courting you?"

Napakamot ako sa ulo, "Hindi! Sulat 'yun galing sakanila!"

Matagal bago nagliwanag ang mukha niya na parang alam na niya ang tinutukoy ko, "It's from them. Anong nakalagay?"

Bumuntong-hininga ako at kinuha sa bulsa ang papel. Nag-aalinlangan pa rin kung sasabihin ko ba ito sakanya. Una, may posibilidad na gawin din siyang target ng mga taong 'yun na pinaka ayokong mangyari. Pangalawa, hindi ko pa alam kung anong magiging reaksyon niya kung sakaling isiwalat ko ang lahat ng alam ko. Maaaring layuan niya ako at iwasan. Maaari ding magsumbong siya sa pulis. Maaaring matakot siya at makarating ito sa Principal na magiging sanhi para patalsikin ako sa eskwelahan na ito. Lahat ito ay mga posibilidad lamang dahil kahit papaano, alam kong tutulungan ako ni Clarence ng  walang pag-aalinlangan.

Saktong hahawakan na niya ang papel nang bumukas ang pinto. Pareho kaming nagulat lalo na ako dahil ramdam kong tumalbog ang puso ko. Alam kong hindi lang dahil sa gulat kundi dahil matapos ng isang linggo ay ngayon ko lang ulit siya nakita.

Agad dumako ang tingin niya sa papel na hawak ko. Binaba ko ito agad at napatayo. Nakatingin lang sakin si Locus sa mapanghusga niyang mga mata. Parang meron akong dapat na ika-guilty sa pinapakita niya.

"Dito ba tayo magmi-meeting--? Oh, hi? May tao pala," lumitaw ang kasama niya sa student council na si Lester. Ngumiti ito ng palakaibigan samin.

"A-aalis na rin kami, 'di ba Rence?" Nilingon ko si Clarence na dahan-dahang tumayo, nagtataka sabay kuha ng bag at pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin samin ni Locus.

At dahil iisa lang ang daan papasok at palabas, madadaanan namin sila. Hindi pa rin kasi kumikibo si Locus at nakatingin lang sakin ng may diin.

Nauna ng nagtuloy-tuloy palabas si Clarence kaya dali-dali na rin akong lumabas. Pero isang hakbang na lang palabas ng pinto ay napigilan pa ko ni Locus. Ramdam ko ang higpit ng pagkapit niya sa braso ko na parang may ibig ipahiwatig. Pinagpawisan ako ng malamig.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon