When You And Me Collide—cHappy seven
TRICIA's pov
Namaluktot ako sa lamig at sarap sa pakiramdam habang nakahiga. Ang sarap talaga sa kama na 'to, laging maganda ang tulog ko dahil binubuksan ni Tita ang aircon sa gabi kahit pa sabi ko electric fan lang ay okay na. Walang malambot na kama at aircon sa bahay namin kaya sanay ako sa matigas na papag at electric fan na hindi gumagana pagsinusumpong. Nakakatulog din naman ako ng mahimbing pero iba pa rin sa pakiramdam kapag sa malambot na kama ka na humiga. Para akong hinehele sa langit. Haay.
Dinilat ko na ang mga mata ko at bumangon para sa panibagong araw. 'Yun nga lang, ibang kwarto ang nabungaran ko pagmulat ko. May kurtinang asul sa palibot ko at puti naman lahat mula kisame hanggang sa kumot na nakapatong sa katawan ko. Unti-unti, bumalik sakin ang lahat. May nagbalak na kumidnap sakin at nakaligtas ako sa tulong ni... sino? Sino nga ba ang nagligtas sakin at paano ako napunta dito? Teka, hindi pa naman ako nakakasiguro kung ligtas na nga ba ako. Mas lalo akong kinabahan at naaligaga kung ano ba ang unang gagawin. Inalis ko sa katawan ang kumot at bababa na sana ng kama nang may humawi ng kurtina. Dala na rin siguro ng sobrang takot at taranta, naibato ko ang unan sa kung sinong pumasok.
Na wala rin namang kwenta dahil parang hinawi lang nito ang unan na bumangga sa kanya. Napasinghap ako na isang estudyante lang pala siya.
"Sorry! Pasensiya na, nagulat lang ako! Sorry!" sabi ko agad kasi mukhang nagulat din siya pero sa huli natawa na lang. Parang inaasahan niya din na may ibabato ako sakanya kaya agad siyang dumepensa. Napatunganga ako saglit sa maamo niyang mukha at lalo na sa ngiti niya. Ano? Nasa langit na ba ako? Bakit may diyos akong kaharap? Letsugas.
"It's ok. How are you feeling?"
Shet, english na naman. Ay, di pa nasanay eh no?
Luminga-linga ako sa paligid at sa huli ay hinawi na ng buo ang kurtina dahil pakiramdam ko para akong nasa hawla. Bumungad sakin ang sunod-sunod na kama at mga gamit sa ospital. Alam ko na agad na nasa clinic ako at 'yun ang nagpaluwang talaga ng loob ko. Ibig sabihin ay ligtas ako. Ligtas ako! Niligtas ako. Pero nino?
"Paano ko napunta dito?" Sa halip na tanong ko.
Nakapamulsa siyang naglakad at inayos ang kurtinang hinawi ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin dahil bukod sa gusto kong marinig ang sagot ay namamangha ako sa angking kagwapuhan niya. May iba sa ngiti niya na nakakapagpakalma sakin. Para talaga siyang... anghel. Ano na? Nasa langit na nga yata ako!
"You were caught sleeping kaninang umaga kaya dinala ka dito. Although, I doubt it so I ask you how are you feeling? May masakit ba sa'yo?"
Namula ko sa tono ng pananalita niya. Ang gaan at malambing. Parang nawala lahat ng problema ko dahil lang dun. Para kong dinadala sa alapaap at... ay ewan. Laging langit ang punta ko sa ilang minuto lang naming magkaharap.
"Sandali. Umaga?" Napatingin ako sa bintana at nakita ang kulay dilaw at kahel na sinag na senyales na pababa na ang araw at naghahanda na ang gabi. Napasinghap ako at napalinga-linga para makakita ng orasan. Nang walang makita ay binalingan ko ang lalaki, "Anong oras na?"
Dumukot siya sa bulsa at binuhay ang cellphone, "It's 5:37pm."
"Ano?! Kanina pa ko tulog kung ganon?" Napatingin ako sa paa kong nakamedyas pa kaya kinuha ko ang sapatos sa tabi ng kama at sinuot habang kinakausap siya, "Hindi ako natutulog. Sigurado kang natutulog ako nang makita mo ako? Wala ka bang nakitang kahina-hinalang tao sa paligid?" Pansamantala, hindi ko muna sinabi ang totoong nangyari. Pakiramdam ko ay may makakatunog at maaaring nasa paligid lang din sila. Ayokong may madamay na iba kaya sa ngayon, itatago ko muna ang sikretong ito.