When You And Me Collide-cHappy two

589 33 2
                                    

When You And Me Collide—cHappy two

TRICIA's pov

Namangha ako pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ng CA na tatlong beses ang taas sakin.  Nasa gitna ang crest nito na kalahating kabayo at kalahating tao at may hawak na mahabang sandata sa kaliwang kamay. Napalunok ako. Mukhang malulula yata ko sa school na 'to.

Mula sa parking lot, naglakad kami papuntang main building kung nasaan daw ang office ng Principal. Ang ganda ng building nila, ngayon lang ako nakakita ng Corinthian na poste. Tuloy ay napapaisip ako kung nasa ibang bansa na ba ako. Ang dami ring puno na nakahilera sa sidewalk sa palibot ng bawat building. Parang hindi hinahayaan ang mga estudyante na mainitan man lang. Sa labas ay maririnig ang boses ng mga guro na nagtuturo. Sa isang banda, nakita ko ang uniform ng mga babae. Kulay navy blue ang palda na abot hanggang tuhod, puting long sleeve sa itaas at may tie na kakulay ng sa palda. Sa ibaba ng tie ang logo ng school na kung hindi ako nagkakamali ay katulad ng sa logo ng crest sa gate. Wow. Naghuhumiyaw talaga ang mga yayamanin sa lugar na 'to. Sana lang hindi ako masuffocate sa kahanginan nila. Medyo allergic pa naman ako dun. Joke. Nasasampal ko minsan pag may nagyayabang sa harap ko.

Hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng isang pinto. Principal's Office ang nakalagay sa taas. In gold letters. Kumatok si Tita at pinagbuksan siya ng isang middle-age na babae. Magiliw ang ngiti niya na parang ine-expect niya na kami kanina pa. Pinaupo kami sa isang malambot na sofa habang panay ang pag-uusap ng nila, ako lang ang walang imik. Hello? Guys? Nandito pa ko. Ay, ang lamig.

"Ma'am, pasok na po kayo."

Pumasok kami sa isa pang pinto. Sa isip ko, matandang lalaki ang dadatnan namin. 'Yun bang masungit at nuknukan sa dami ng kulubot sa mukha na wala kang ibang mapapansin kundi ang kulubot niya. Maliit, punggok, mukhang loser, nakasalamin, kalbo, at hindi man lang mangiti. Ganung tipo.

Hindi 'yung ganito. Kabaligtaran lahat ng sinabi ko dahil ang lalaking nakatayo sa harap namin ay sobrang bata pa. Walang kulubot ang mukha, sa katunayan ang kinis pa nga yata ng balat niya. Nakasuot ng puting polo na tiniklop hanggang siko ang manggas. May magandang ngiti na pwedeng isabak sa commercial ng toothpaste. Sa madaling salita, gwapo siya. Unti-unting nag-sink in sakin 'yun. Shet! May gwapo kaming Principal! Ang gwapo-gwapo parang artista! Gusto kong ibalita agad 'to sa mga kaibigan ko. Ano ha? Lipat na rin kayo!

"Hi, magandang araw po," tumagilid ang ngiti ko nang mabosesan ang barok niyang tagalog. Hayaan na, bawi naman sa fezlak. Mwahahaha!

Bumati pabalik si Nanay. Siya at si Tita Rose lang ang kasama ko dahil nauna ng bumalik si Tatay sa probinsya. May anihan kasi ngayon at kailangan na nandun siya. Siya na rin ang nag-asikaso ng papel ko para mailipat ako ng eskwelahan dito sa Maynila. Pinaalalahanan ko ang sarili ko na hindi ito ang tamang oras para magfangirling sa gwapong Principal ng school na 'to. Ito na 'yun, magiging pangalawang tahanan ko na 'to kahit hindi ko gusto. Maganda naman, parang sa isang iglap ito na 'yung paborito mong school sa buong mundo. Pero sandali lang ang panahon na 'yun. Kung papipiliin ako, mas gusto ko pa rin sa dati kong paaralan kung saan lahat kami pantay-pantay ang estado ng pamumuhay.

Lumipad na naman ang utak ko kaya nagtataka ko kung bakit tumatayo na sila Nanay. Tumayo na rin ako pero pina-upo lang din ulit. Hala, ano? Iiwan ako dito?

"Mag-e-exam ka, anak. Aalis lang kami saglit ng Tita mo," masayang sabi ni Nanay.

"Saan kayo pupunta?" medyo nagpapanic ako. Seryosong iiwan nila ko? Ang lamig-lamig dito.

"Dito lang kami at maglilibot. I-text mo kami kapag tapos na, ha. Galingan mo, aja!" hindi na ko nakasagot dahil tumalikod na sila sakin para lumabas.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon