When You And Me Collide-cHappy seventeen

225 11 4
                                    

When You And Me Collide—cHappy seventeen

TRICIA's pov

"Ang galing mo pala sa pageant, girl! Bet na bet ka namin kahapon habang rumarampa ka. Pak na pak!"

"Lakas ng sigaw namin, dun lang yata ko sumigaw ng ganun. Mga ilang octaves din ang tinaas non!"

"Grabe, Tricia. Lodi! Ang astig mo kahapon!"

"Napapatingin na samin 'yung ibang section dahil sa sigaw namin. They we're like 'who are these people?' ganon! Kala mo ngayon lang tayo nag-exist."

"We're kind of famous now. Kinikilig ako kasi feeling ko napapansin din tayo ng mga student council. Ahihihi!"

Napakamot ako sa ulo at tinignan si Clarence na wala yata sa mood kahit nanalo kahapon. Ilang beses siyang binati ng mga kaklase namin at may ilan pang nag-ooffer ng regalo pero hindi niya masyado pinapansin. Nginingitian ko na lang sila pampalubag-loob. Masaya rin naman ako dahil parang nabasag 'yung pader na humahati sa section namin. Hindi ko nga lang napagtutuunan ng pansin dahil mas nag-aalala ako kung bakit ganito si Clarence ngayon.

Out of curiosity, tinignan ko si Eina. Nakikipag-usap siya ngayon sa treasurer ng klase, tungkol yata sa long test namin mamaya. Mukha namang normal lang ang lahat sakanya. Eh, anong problema ng isang 'to? Bakit parang hindi yata maganda ang timpla?

"Good afternoon, class." Bati ni Mrs. Caoile, isa sa pinaka-mahigpit naming teacher. Lalo na at math ang itinuturo niya kung saan hindi ako pinalad maging katulad ni Pythagoras. Kakasimula pa lang ng second grading may long test na agad kami. Nakakaloka talaga.

"By the way, congratulations on winning the first place. Nasaan si Clarence?" nagzoom in ang paningin niya sa harap ko. "There you are. A round of applause, everyone." Hindi lang palakpak ang ginawa namin, nagkalampagan pa ng desk dahil sa tuwa.

"Very good. At dahil jan, get one whole sheet of pad paper. Number one." Sabay-sabay kaming umungol pero sinunod din naman siya. Haay, hindi pa naman ako nagreview. Kanina ko lang kasi nalaman na may test pala dahil dalawang araw akong wala sa klase niya. Bahala na nga, kung may masagot, go. Kung wala, edi waw

Pagkakita ko pa lang sa test paper, alam ko na.


"So, wala kang nasagot? Kahit isa?" nilapag ni Allisa ang test paper niyang puro tama ang sagot. Parang gusto kong lumubog sa kinauupan dahil sa kahihiyan. Bakit kasi ang bobo ko sa math? Shemay naman!

"Hindi ka ba itu-tutor ngayon ni Locus? Wala kayong session ngayon? Baka naman pwede kaming makisali? Para hindi lang ikaw 'yung nakikinabang sa kagwapuhan niya."

Hinilot ko ang sentido ko. Parang gusto ng sumabog ng utak ko kanina dahil sa linsyak na long test na 'yan. Wala talaga kong nasagot. Kung sagot man 'yon, good luck kung tatama dahil sa mali-maling computation. "Para lang 'yun sa first grading. Hindi na nasundan dahil syempre busy din naman 'yung tao. At wala din naman siyang mapapala sa 'kin kaya bakit niya pa itutuloy ang pagtuturo?"

"True. But you really should do well in math. Ok ka naman sa ibang subject, dito lang hindi."

"Ayoko na. Tama na, change topic na tayo Allisa parang awa mo na. Gusto ko ng mag-move on."

Tumawa siya. "Fine. Where's Rence by the way? Hindi ko yata siya napansin na umalis?"

"Oo nga 'no. Hindi ko rin nakita." Masyado akong nafocus dito sa test na 'to at sa naging resulta, nawala sa loob ko na kakausapin ko nga pala ang mokong. "Si Eina? Baka alam ni Eina." Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Allisa.

"They're not here?"

"Ha?"

Nilibot ko ang paningin sa buong klase and true enough, wala nga ang dalawa. Nagkatinginan kami, as if nababasa niya ang iniisip ko tumango siya.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon