When You And Me Collide-cHappy six

470 24 7
                                    

When You And Me Collide—cHappy six

TRICIA’s pov

Nang malaman ni Tita na gabing-gabi na ko umuwi nung isang araw, pinagalitan niya ko ng sobra. Ayaw niyang tanggapin ang rason ko kung bakit ako naglakad lalo na at inabutan ako ng dilim sa daan. Paano na lang daw kung may mangyari saakin at hindi ko siya nakontak kaagad dahil wala rin akong load. Kaya naman bilang pag-iingat ay binigyan niya ko ng bagong cellphone. Na may load. Pangtext at pangcall pa. Hindi lang yon, binigyan niya rin ako ng extra pera para sa susunod na gabihin ako ay magtaxi na lang daw ako. Binanggit niya kila Nanay ang nangyari kaya nakatikim din ako ng sandamakmak na sermon mula sakanila.

"Please Tricia, ang Maynila ay hindi katulad ng sa probinsya. Mas maraming manloloko at holdaper dito kesa doon. Tandaan mo 'yan dahil kapag may nangyari sayo-na wag naman sana- hindi ko alam kung saan ka hahanapin," nag-alala niyang sabi habang kumakain kami ng agahan.

Napatango na lang ako. "Hindi na po mauulit. Pasensya na po."

Tumango siya at ngumiti. "Kamusta sa school?"

Nagkwento ako habang kumakain kami hanggang sa matapos. Nabanggit ko din kasi sakanya si Locus na tinuturuan ako para sa dadating na exam. Pamilyar daw sakanya ang apelyido nito ngunit hindi niya lang maalala kung saan niya narinig o nabasa.

"Magtext ka ha?" Muling paalala pa ni Tita bago pinaharurot ang kotse niya paalis. Napabuntong-hininga naman ako at tinignan ang touchscreen na cellphone.

"Ni hindi ko pa nga alam kung paano gamitin 'to. Nakikilaro pwede pa."

"Sinong kausap mo?"

"Ay, palaka!" Muntik ko ng mabitawan 'yung cellphone dahil sa panggugulat ni Clarence. Literal na kumabog 'yung puso ko. Tumawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Sorry. Wait a minute, you have a new phone? Where's the old one?"

Muli kong tinignan ang cellphone na hawak ko, "Hindi na 'to bago, binigay lang ng Tita ko kasi hindi niya na nagagamit at nasa bahay lang niya. 'Yung cellphone kong isa, nandito sa bulsa ko, baket?"

Sumulyap siya sa bulsa ng jogging pants ko at sa hawak ko ngayong cellphone. "'Looks new to me. Bago lang kasi ang unit na iyan. "

"Ganun ba? Wala akong alam sa mga ganyan eh. Basta pwedeng pangtext at pangtawag, okay na."

Napatango-tango siya habang nakangiti. "You have a point. At since nasa topic na rin lang, are you going to sell your old phone?"

Dinukot ko na sa bulsa ko at pinakita sakanya. "Eto? May interesado pa bang bumili ng ganitong cellphone ngayon? Pamato kaya 'to."

Kinuha niya saakin 'yun at sinuri habang naglalakad kami. "Yeah. This is the old version of 3310. Can I buy this?"

Napanganga ko, "Bakit mo bibilhin?" Kumpara sa de-pindot kong cellphone, 'di hamak na mas maganda ang brand ng kanya. Aanhin niya ang pipitsuging pamato slash lumang cellphone na ito?

"You're at it again? C'mon, Rence," ani ng bagong dating na si Eina. Nakashades itong pink na animo'y summer beach outing ang pupuntahan hindi eskwelahan. Hindi ko talaga maintindihan ang kultura ng mga estudyante dito. Haay.

"Good morning, two idiots," ngiti niya. Kumikintab ang kulay pink na labi niya sa sinag ng araw. Nakakasilaw... nakaka... hmm...

"Ay, hindi kami 'yun," nagpatuloy kami sa paglalakad. "Mahilig ba si Clarence bumili ng pamatong cellphone?"

"No. Well, not exactly. He's into old antique things. That's his hobby eversince I met him," kumapit si Eina sa braso ko para hindi marinig ni Clarence ang sasabihin niya. "And you know what? He even collects bones. Not just bones but human bones," kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya nito sakin. Parang 'yung mga multong bigla-biglang bumubulong sa tainga mo, ganun.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon