The Student Council Members [series 5]

1.5K 46 14
                                    

The Student Council Members

[series 5]

Written by: ★SiL3NtSnOw★

All Characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author. All incidents are merely invention.

☆NO to PLAGIARISM

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

BASIC PROFILE

NAME: Locus Avery Dirksen

AGE: 16

BIRTHDATE: February 8

BLOODTYPE: AB

EYE COLOR: Black

POSITION: Secretary

HOBBY: Surfing the net and collecting datas. Stalking (?)

IDEAL GIRL: ... I don't have one.

---------------------

[When You And Me Collide]

"Locus."

Napatigil ako sa paghakbang pababa ng hagdan nang marinig ang pangalan na 'yon. Bahagya akong sumilip para ikumpirma ang hinala kung may tao ba sa baba at hindi naman ako nagkamali. Isang babae ang kaharap ng lalaking 'yun at may dala siyang box na may nakapatong na pink envelope sa ibabaw. Sa palagay ko ay sulat 'yon. Aba, uso pa pala dito sa school na magpadala ng loveletter. Iiling-iling na tinignan ko lang ang kawawang nilalang na 'to. Isang babae na naman ang nabihag ng taong 'yon. Kahit pala tatahi-tahimik, matinik din sa chiks. Ano bang nakaka-attract sa lalaking walang kaemo-emosyon? Tss. Tignan mo nga, ni wala naman makikita sa mukha niya bukod sa salamin niyang wala sa uso. Ang laki ng suot niyang uniform at straight-cut lang ang pants na suot. 'Di tulad ng mga napapansin kong lalaking estuyante sa school na 'to, usong-uso ang baston. Bakit hindi siya gumaya sa mga kasama niya sa student council. Siya lang yata ang abnormal sakanila. Haay. Sayang.

"Please accept this." Nilahad ng babae ang dala niya at yumuko pa ito siguro sa kahihiyan. Girl, push mo 'yan. Wala ng hiya-hiya, pak kung pak!

Naghintay ako ng magiging reaksyon ni Locus pero tinignan niya lang ang babae sa harap niya. Nakababa ang malapad na balikat nito tanda na parang hindi man lang naapektuhan. Kakaiba rin talaga ang taong 'to.

Siguro nainip ang babae kaya ito tumingala dahil ang tangkad din kasi ng kaharap niya. Akala ko susuko na siya nang ibaba niya ang dala niya pero hindi dahil ang sumunod na sinabi niya ay hindi ko kinaya. "I... I like you!"

Muntik ko na siyang palakpakan kung 'di ko lang iniisip na baka masira ang moment nila. Hindi biro ang magtapat sa taong gusto mo ah. Lalo na sa taong 'to. Eh bakit naman kasi sa lahat, kay Locus pa. Sayang ang ganda mo, ate gurl.

Pero sa kabila ng lahat, hindi man lang ngumiti ang taong 'yun. Nakatingin lang siya sa babae at hindi na ko magtataka kung bigla na lang itong matunaw sa harap niya.

Ang akala ko tapos na. Ang akala ko rin, kukuhanin niya ang dala ng babae pero hindi dahil in-adjust niya lang pala ang salamin sa mga mata bago nagsalita. "Hindi ko matatanggap 'yan. Wala rin akong panahon para sa mga ganyan kaya ang mabuti pa, ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo." Parang umalingawngaw ang malalim na boses niyang 'yun sa paligid. Pakiramdam ko tumigil din ang mga huni ng ibon... kung meron man.

Matapos ang ilang segundong katahimikan, narinig ko na ang iyak ng babae sabay takbo pababa. Ni hindi man lang nag-aksaya si Locus na ihatid ito ng tingin dahil tumalikod na agad siya para umakyat ng hagdan. Huli na para umiwas ako dahil nahuli niya na ang mga mata ko. Takteng 'yan. Nagmamadali akong tumalikod para bumalik sa pinanggalingan ko pero narinig ko na siyang magsalita.

"Hoy."

Hoy daw. Hindi ako 'yun. Nagpatuloy ako sa pag-akyat ng hagdan pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang marinig kong muli ang boses niya.

"Tricia Kristien Aquino." Pumiksi ako nang marinig ko ang buong pangalan ko sa bibig niya. "Bakit nandito ka? Kanina ka pa ba nakikinig?"

Parang may glue ang mga sapatos ko dahil hindi ko na magawang humakbang pa. Asar, ano pa nga ba? Nahuli na ko eh. "Medyo kadadating ko lang. Hindi ko naman sinasadyang makinig." Pikit-mata kong sabi. Sana tumalikod na lang ako nang makita ko siyang nasa baba. Ano bang paki ko kung may nagtapat ng nararamdaman sakanya? Hindi ko naman kaano-ano ang taong 'to at lalong hindi rin kami magkaibigan. Nacurious lang talaga ko kaya naisipan kong makinig sa pinag-uusapan nila.

"I don't think so. You intend to listen until the end." Takteng english 'yan! Wala bang straight magtagalog dito kapag kinakausap ko? Ayoko talaga sa school na 'to!

"Hindi nga sabi! Hindi kita ini-stalk! Mamatay man ang kuko ko sa mga paa!" hindi na ko nakatiis at nilingon ko siya. Nagulat ako sa lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Isang baitang lang ang pagitan namin at kahit na nasa taas ako, magkapantay lang ang paningin namin. Ah, sa wakas. Nakita ko na ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sakanya. Ang mapupungay niyang mga mata, ilong na matangos at labing manipis. Idagdag pa ang maputi nitong kutis. Lahat ay naghuhumiyaw na gwapo ang loko.

"Stalking, huh." Umangat ang gilid ng labi niya na parang nang-aasar sa paningin ko.

Asar talaga.

Taas-noo akong humakbang para ipakita sakanyang hindi niya ko maaakit ng taglay niyang kagwapuhan. Pero hindi ko inaasahan na matatapilok ako. Napadantay ako sa dibdib niya na akala ko ay buto-buto pero syet na malagket! Bakit ang lapad? Dahil sa instinct na rin siguro, ipinulupot niya ang braso sa bewang ko para hindi ako tuluyang mahulog. Napatitig ako sa mga mata niya... mata niyang matatalim ang tingin pero sandaling pumupungay kagaya na lang ngayon.

Masyado ko ng pinupuri ang lalaking 'to. Kinwelyuhan ko siya. "Hoy! Ang sabi ko napadaan lang ako dito kanina kaya hindi ko sinasadyang marinig kayo! Naiintindihan mo?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay tinanggal lang ang mga kamay kong nasa kwelyo ng uniform niya. "Nalulukot ang uniform ko at isa pa, pwede bang tumayo ka na ng maayos?"

Nakalimutan kong nakadagan pa nga pala ko sakanya. Pinamulahan ako ng mukha kaya agad-agad akong humiwalay. Nakakainis. Sa tuwing magkikita kami ng taong 'to, lagi na lang sa hindi kaya-ayang posisyon.

"Ni minsan, hindi ko ginustong magkrus ang mga landas natin."

Inayos niya ang uniform niya at matalim lang akong tinignan sa gilid ng mga mata. "We would always collide with each other." Ang tanging nasabi niya bago lagpasan ako paakyat.

"'Yun ay dahil lagi mo kong sinusundan."

"Actually, no. 'Yun ay dahil magkatabi lang tayo ng classroom. I'll leave you with your crazy imagination. Bye."

Lalo akong namula sa hiya. "Ang kapaaaal!" naiinis na napapadyak ako. Simula pa lang ng unang pasok ko sa eskwelahan na 'to, siya na lang ang laging nagpapainit ng ulo ko.

Hindi ko siya kilala. Wala akong alam sakanya dahil hindi naman kami magkaklase at lalong hindi kami magkaibigan. Pero sa tuwing nagkikita kami, lagi na lang akong may nalalaman sakanya na hindi dapat. Alam ko sa sarili ko na siya 'yung taong dapat na iwasan pero bakit pilit kaming pinagtatagpo? Anong kakaibang hiwaga ang taglay—charot!

Haay. Mukhang masisiraan ako ng bait kapag nagpatuloy pa 'to. Bahala na nga. Ano kung magbangga lagi ang mga landas namin sa isa't-isa? Basta, hanggang dun na lang 'yun. Period.

Sana, Lord.

Period!

Agghhh!

_____________

SNOWNOTE---

            Uwaaaaah ヾ(*'∀ ˋ*)ノ Locus is finally heeeeere! Ok, guys hope you like it :)

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon